Leftover 05

1557 Words
Wala sa sarili kong iginala ang paningin ko sa madilim na tahanang walang tanging laman kundi'y tanging ako. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula nang pagkawala nina Wailex at Danvel. Nawawalan na ako ng pag-asang mahanap pa sila. Sa loob ng mga araw na 'yon ay wala akong tanging ginawa kung hindi ay magmukmok sa sulok at umiyak nang umiyak. Hindi na rin ako kumakain. Gusto ko na lang maglaho kahit sandali. Labis na pagkamugto sa mga mata ang natamasa ko. Ang bigat-bigat sa pakiramdam ang ganoon. Ang noong matatag na tao, ngayon ay unti-unti nang nalalanta. Balisang-balisa ako palagi. Iyong tipong napapakinggan ko na lamang nang biglaan ang boses ng aking mga magulang at ng aking mga kapatid. Panay takip lang ako sa aking mga tainga at hindi ko maiwasang hindi ipagpatuloy ang pag-iyak. Ganito pala ang pakiramdam nang nag-iisa. Kasabay ng kadiliman sa pook na aking pinagmulan. Kinikimkim na rin ako sa labis nitong nilalahad na katahimikan. Nahihirapan na ako. Wala akong makakapitan pa. Durog na durog na ako at ang nais ko lang ay abutin pa ang pinakatuktok ng kaluwalhatian at kahapisan. Nanginginig kong niyakap ang aking sarili. Dulot nang aking pagpapaulan noong nakaraan ay nilalagnat ako. Natamasa ko ang ubod na init ngunit giniginaw ako. Kumakalam ang aking tiyan at panay ang pag-aalburato nito ngunit hindi ko pa rin pinansin. Kaagad na nasakop ng aking mga mata ang gawi ng pinto nang mapakinggan ko ang pagkatok ng kung sinuman. Pinilit kong kumilos nang dahan-dahan at nagbabasakaling may dalang magandang balita ito patungkol sa mga kapatid ko. Wala man akong lakas ngunit unti-unti kong kinapa ang sahig sa kabila ng kadiliman at gumapang kahit hinang-hina ako. Mas bumilis ang pagkatok sa pinto. Panay titig ko pa rin dito. "S-Sandali lang po!" Hinang-hina ang pagkakasabi ko niyon. Napakinggan ko naman na tumigil na ang pagkatok nito. Nang makaabot ako sa pinto ay naghahanap ako ng makakapitan upang makatayo man lang ako. Nanginginig man ang aking mga tuhod ngunit pinilit kong buksan ito. Nawalan ako ng balanse pagkatapos kong mabuksan ang pinto. Ngunit, kaagad na sinalo ako ng kung sino. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking bandang leeg. Agad kong winaldas ang aking pagkakapit sa kanya at pilit na inaninag ang mukha nito. "H-Huwag mo akong hawakan!" Humiwalay naman ako kaagad sa kanya. Ngayon ay naaninag ko na ang dalawang taong nakaharap sa 'kin. "Euri..." Napakinggan ko ang boses ng isang babae. Kanina ay nasa likuran siya ng taong sumalo sa 'kin ngunit ngayon ay tumabi na ito sa lalaki. Kahit anong pilit kong aninagin ang kanilang mga mukha ngunit hindi ko talaga sila masilayan. Umaapat sila sa paningin ko. Nararamdaman ko ang lubusang pagkahilo ngunit pinilit ko pa ring tumayo. "S-Sino kayo? Mayroon ba kayong balita tungkol sa mga kapatid kong nawawala?" Wala akong napakinggang balita patungkol sa mga kapatid ko kundi iba ang natanggap ng aking pandinig. "Hindi kami pumarito para riyan, Euri. Andito kami para kunin ka. Simula ngayon, kami na ang mag-aalaga sa 'yo." Natakot ako sa napakinggan mula sa kanila. Dahan-dahan akong umatras para takasan sana sila ngunit parang pinukpok ako mula rito sa aking kinatatayuan at hindi ko man lang tuluyang nagawa ang umatras. "Huwag kang matakot sa 'min, Euri. Ako si Kassandra, kapatid ako ng iyong ina. Siya naman ang aking asawa, si Joaquin. Mga tiyo at tiya mo kami. Hali ka!" Inilahad ng babae ang kanyang kamay ngunit hindi ko 'yon tinanggap. "Umalis kayo! Hindi ako naniniwala sa inyo! Alis!" Naiiyak kong pagtataboy sa kanila ngunit, nanatili pa rin silang nakatayo sa labas ng pintuan. "Nabalitaan namin ang lahat ng mga pinagdaanan mo. Huwag kang mag-alala. Hahanapin natin ang nawawala mong mga kapatid na sina Danvel at Wailex. Tutulungan ka namin. Maniwala ka," muling sambulat ng babaeng nagpakilalang Kassandra. Napaiyak ako nang labis sa huling napakinggan ko mula sa kanya. "Magagawa lang namin 'yon kung magpakatatag ka, Euri. Hahayaan mo na lang bang mag-isa ka rito at wala man lang gagawin kundi ang tumangis para sa mga kapatid mo?" Napag-isip-isip ko ang mga sinabi niya. Humugot ako ng lakas para masabi sa kanyang papayag na ako. "Ibibigay ko ang tiwala ko sa inyo. Sasama ako basta ipapangako niyo lang na tutulungan ninyo akong hanapin ang mga kapatid ko." Naaninag ko agad-agad ang kanilang pagtango. Napaupo ako sa sahig sa labis na kasiyahan. Kaagad nila akong inalalayan. "Tayo na at pumanhik sa bago mong tahanan," muling wika niya. - Malambot na kama at unan ang kaagad na sumalubong sa akin nang pinapasok ako ng mag-asawa sa itinilagang silid na kanilang ipagkakaloob sa 'kin. Pagkaabot namin kanina sa kanilang tahanan ay kaagad nila akong inasikaso. Pinakain nila ako ng mga masasarap na pagkain na sa katunayan ngayon ko pa lang natikman. Pinainom din nila ako ng tubig saka gamot. Kanina ay kinapa ni Tiya Kassandra ang aking noo kaya hindi siya nag-alinlangang painumin agad ako ng gamot na pampawala sa lagnat. "Simula ngayon, ito na ang 'yong silid," mahinahong pagkakasabi ni Tiyo Joaquin. Sa katunayan, napakagara ng kanilang tahanan. Kung ano ang sitwasyon namin ng aking mga magulang ay kabaliktaran sa kanila. Mayaman sila at tila'y hindi man lang nakaranas ng karalitaan kundi tanging kaginhawaan lamang. Inalalayan pa rin nila ako sa loob. Ramdam ko pa rin ang hilo ngunit matiyaga nila akong inalagaan. "'Wag kang mahiya. Kapag may kailangan ka sa 'min. Simula ngayon, anak na ang turing namin sa 'yo ni Joaquin." Tumingin siya sa kanyang asawa. Ngumisi silang dalawa sa 'kin. "M-Maraming salamat po, Tiya at Tiyo!" Kaagad na ipinatong ni Tiyo Joaquin ang kanyang kanang kamay sa balikat ko. Nakaramdam ako ng pagkailang sa kanyang tinuran at kung paano siya maglapat ng titig sa 'kin. Kaagad kong iwinaksi ang kanyang kamay. "P-Pasensya na, Euri. Ngayon ko lang kasi naramdaman na maganda pala sa pakiramdam ang magkaroon ng anak," nahihiyang tugon nito. "Gano'n po ba? Bakit hindi man lang po kayo nagplano na magkaroon po ng mga anak?" seryosong tanong ko. Napatikhim naman siya. "Wala kaming kapasidad na magkaanak, Euri. Hindi kaya ng matres ko. Sinubukan na namin nang sinubukan ang bumuo ng anak ngunit wala pa rin kaya nagpapasalamat kaming andito ka na sapagkat kahit papaano ay mayroon na kaming matatawag na katuwang sa bahay," sagot naman ni Tiya Kassandra sa tanong ko ngunit, napapaisip ako sa mga huling sinabi niya. Pinagsawalang-bahala ko na lamang ang iyon. "O siya! Matulog ka na, Euri. Kailangan mong magpahinga nang mabuti. Ang iitim na ng mga bakas sa ilalim ng 'yong mga mata. Namamaga na rin ang mga iyan," aniya ni Tiyo Joaquin. Nahihiya man akong tumungo sa higaan ay nilunok ko na lamang ang hiya. Muli nila akong inalalayang dalawa. "Kassandra, papanhik na rin ako sa kuwarto. Kailangan ko na ring magpahinga sapagkat may trabaho pa ako kinabukasan. Saka Euri..." Tumingin siya sa aking gawi. "...si Tiya Kassandra mo muna ang mag-aalaga sa 'yo." Pagpapatuloy niya. Tumango naman agad ako at pilit na ngumiti. "Sige po, Tiyo Joaquin." Nagsagawa siya agad ng mga hakbang at tuluyan na nga siyang nakalabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni Tiya Kassandra. Tahimik lang kaming dalawa ngunit mayamaya'y nabasag nang muli siyang nagsalita. "Ilang taon ka na, Euri?" nakangiti nitong ani habang pinaglalagyan niya ang aking noo ng basang panyo. "Labintatlong taong gulang po, Tiya!" agad na reaksyon at wika ko. "So nasa ika-pitong taon ka na ng hayskul, tama ba?!" "Opo, Tiya! Kaso...huminto na po ako dulot nang pagkawala ni Mama at ngayon naman si Papa." Muling bumakas ang kalungkutan sa aking mukha. Wala na namang pagngiti ang masasaksihan. "Pasensya ka na kung hindi man lang kami nakabisita sa lamay ng 'yong mga magulang. Alam mo naman na ang layo ng inyong tahanan sa amin." "Ayos lang po. Naintindihan ko." Mapaklang ngiti ang nailaan ko. Wala pa rin akong lakas ng loob na ngumiti nang kaaya-aya lalo na ngayon wala nang dahilan pa para gawin ko ang mga bagay na 'yon. "Alam mo bang napakaganda ng 'yong ngiti. Bigla kong naalala sa 'yo ang iyong ina. 'Wag mo sanang waldasin 'yan, Euri." Hinawakan niya ang aking mukha at ngumiti. "Susubukan ko po, Tiya. Salamat po nang marami." Natawa siya nang biglaan. "Kanina ka pa nagpapasalamat. Kaunting bagay lang itong pagtulong namin sa 'yo, Euri." "Hindi po ito kaunting bagay lang, Tiya. Napakalaking tulong na po nito lalo na't pinangako niyo sa 'kin ni Tiyo Joaquin na tutulungan ninyo ako sa paghahanap kina Wailex at Danvel. Maraming salamat po talaga!" Naiiyak na naman ako. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha kong nagbabadiya. Nangingilid pa rin ang mga 'to. "Walang anuman. 'Wag ka nang umiyak. Sige ka mas lalong mamamaga 'yang mga eyebags mo." Natawa ako bigla sa winika niya. Naalala ko na lang si Mama. Ganitong-ganito si Mama kapag nalulungkot ako. "Buti na lang ay napangiti kita kahit papaano. Matulog ka na, okay?" Tumango agad ako. "Salamat po uli." "Sige, Euri! Papanhik na rin ako sa aking silid. Tayo na'y magpahinga at matulog." Tumayo na ito at saka pinihit ang doorknob para makalabas na sa kanilang ipinagkaloob na silid sa 'kin. Ngunit, bago pa man ito tuluyang nakalabas ay muli siyang lumingon sa 'kin. "Magsisimula na bukas ang 'yong trabaho rito sa pamamahay namin. Magiging kasambahay ka rito. Ibibigay ko sa 'yo kinabukasan ang listahan ng 'yong mga gagawin." Naiwan akong hindi makapaniwala at hindi makasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD