Leftover 32

2396 Words

Napasigaw ako nang maramdaman ko ang paghawak ng kamay sa aking braso. Hindi ko magawang lumingon dahil kinakabahan talaga ako. Ang lakas ng pagtambol ng puso ko at wala na ako sa aking utak dahil alam kong nasa kapahamakan na ako. Mama... Papa... Mommy... Lord... Kayo na ho ang bahala sa akin ngayon. Natatakot po ako. Nilakasan ko ang aking loob upang tingnan kung sino ang humawak sa aking braso. Napapalunok ako habang unti-unting lumingon. Mukha man akong napako sa mismong kinatatayuan dahil sa panginginig ng aking mga tuhod ay nilabanan ko ang aking takot. Hinanda ko ang aking sarili sa susunod na mangyayari. Bahala na talaga. Bahala na. Napayukom ako sa aking kanang kamao at sa kaliwang kamay ko naman ay hawak ang binili kong supplies for our group project. Nalaanan ko siya ng ting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD