Leftover 07

1528 Words

Tumulo nang tuluyan ang aking mga luha habang hindi pa rin maalis ang aking mga paningin sa TV screen. Nasilayan ko ang karumaldumal na sinapit ng mga biktima. Hindi ko winaldas ang pagkatitig doon sapagkat nagbabasakali akong masilayan ko man lang ang aking mga kapatid. May ibang nakaligtas at mayroon ding ibang wala na talagang mapupulot pang hustisya. Napatigil lang ako sa panonood nang pinatay nila ang telebisyon. "S-Sandali lang po." Naluluha kong pakikiusap. Nais ko sanang lumapit doon sa kinauupuan kanina nina Tiyo at Tiya upang kunin ang remote upang muling buksan ang balita ngunit isang malakas na sampal ang sumugod sa akin at aking natamo. "Tingnan mo ang 'yong ginawa, Euri. Ikaw talagang bata ka." Sabay hablot sa aking damit. "Binasag mo ang aming mamahaling pinggan at baso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD