Leftover 24

2494 Words

Napakinggan ko ang matinding pag-alingawngaw ng kampana ng simbahan. Wala akong nagawa kundi ang samahan si Mommy Natascia rito kahit hindi naman bukal sa ’king kalooban. Kami’y pumasok sa loob at tumungo kaagad sa natipuhang bakanteng upuan at natunghayan ko kaagad ang kanyang pagluhod at pagsagawa ng dasal. Wala akong tanging ginawa kundi ang ilibot ang aking tingin sa kabuuan ng simbahang pinuntahan namin ngayon. Hindi ko talaga mapigilang hindi manumbalik ang mga alaala ng kahapon nang kasama ko pa ang aking pamilya. Noon, magkasabay-sabay kaming tumungo sa simbahan habang dinamdam ang presensya ng tinatawag nilang Diyos. Medyo kaunti pa ang mga tao rito sa loob ng simbahan ngunit makakitaan namang kagaya ni Mommy Natascia ay mayroon nang taimtim na nagdadasal. Nanatili lang akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD