ANICA'S POV “Nakakaloka ka talaga, Mr. Logan.” nag-isang linya ang mga labi ko nang makita ang sarili sa salamin. Punong-puno lang naman ng chikinini ang leeg ko pababa sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan. Para akong inabuso sa lagay kong ‘to! Mabuti na nga lang at hindi ito napansin ni Mama pagkauwi ko kahapon! Oo, kahapon. Hindi nga biro na lagpas fifteen hours ang tinulog ko, at halos kagigising ko lang ngayong umaga. Mabuti na lang talaga at natakpan ng makapal kong buhok ang leeg ko! Kundi yari na ako kay Mama! Sa isiping iyon ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Pero hindi ko parin maiwasang mainis kay Mr. Logan dahil isa siyang halimaw! Binilisan ko na lamang ang pag-shower at paggayak. Sinuot ko ang hindi ko nagagamit na puting turtleneck sweater. Nataon naman na umuulan

