Kabanata 1
ANICA'S POV
Hindi ko siya nagustuhan mula nang una ko palang siyang makita. Hindi, hindi yata sapat ang hindi pagkagusto. Oo, kinamumuhian ko siya, hindi dahil lamang sa trip ko.
Habang mas nakilala ko siya, pilit kong binubura ang mga nakakahiya kong alaala sa kanya.
Gaya na lamang noong mga pagkakataon na tinititigan ko ang kanyang effortless na kagwapuhan. Ang paraan ng pagkabog ng aking dibdib tuwing kaswal siyang ngumingiti at nagpapasalamat sa hardwork ko sa trabaho. Maging sa mga staff dinner kung saan ako'y malakas na tumawa at pumapalakpak na parang isang seal sa bawat salita niya. Lahat ng mga sandaling iyon ay ‘deleting’ na sa aking alaala..
Dalawang taon na ang nakalipas magmula noong huli ko siyang hinangaan dahil sa kaniyang kagwapuhan.
Dahil sa kasamaang palad, sa isang buwan ko siyang nakilala ay nalaman kong para siyang pinaglihi sa sama ng loob. Puro masasakit, malalaswa at nakakaiyak na mga salita ang lumalabas sa bibig niya.
Si Mr. Logan, ang boss ko na siyang presidente ng kumpanya. Siya ay isang eksperto sa pagtapak sa pagkatao at dignidad ng ibang tao gamit ang kanyang mga salita. Kung pwede lang mabingi sa harapan niya ay walang alinlangan ko iyong gagawin!
“Ah, nakakaimbyerna ka talaga, Mr. Logan!”
Ngumuso ako, naniningkit ang mga mata habang nakatitig sa computer screen na 10 minutes na ang nakalipas ay nagloloading parin.
Biyernes ng gabi na at 11:00 p.m. na. Bilang advertisement planner, nasanay na akong mag-overtime. Gayunpaman, ang pag-upo sa isang tahimik na opisina, na bukod sa ilaw ng monitor habang nababalutan ng kadiliman, ay talaga namang napakapait sa pakiramdam.
What's more, was that the work I had done in the past hour was all for nothing.
Sumpa nitong computer na ‘to! Pinagsabay-sabay ko lang naman ang pagbukas ng ilang mga documents! Pero ganun ba talaga ‘to kalaking isyu para biglang mag-overheat ‘tong pisteng computer na ‘to?
Ah, sana makauwi na ‘ko bago mag-hatinggabi!
Hindi na gumagalaw ang mouse kahit anong galaw-galaw ko rito. At mangyaring sa isang maling galaw ko lamang ay maaaring mawala lahat ng pinaghirapan ko. Mula sa photoshop hanggang sa design, mawawala na parang bula!
Hindi ako gano’n kabihasa sa computer bukod sa paggawa ng visual design dahil ‘yun lang naman talaga ang pinag-aralan ko noon. Ang magagawa ko na lamang ngayon ay manalangin, umasa na magiging maayos muli ang computer na ‘to!
"Oh, Makapangyarihang Computer! Pakiusap gumana ka na! Hindi na ulit kita aabusuhin at pareho na tayong makakapagpahinga!”
Pinagdikit ko ang mga palad ko at pinikit ang aking mga mata saka nagdasal ng mataimtim. Hanggang sa sampung minuto na ang nakalipas.
Kung hindi ko maliligtas ang sitwasyong ‘to, tiyak na hindi ko mahahabol ko ang huling tren!
"Pakiusap, nakikiusap ako. Kahit ngayon lang. Sige na..." unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.
Tuluyang naging itim ang screen ng computer at nabura lahat ng pinaghirapan ko… "Anak ng tokwa..."
Hindi lang nawala ang lahat ng nagawa ko sa nakaraang oras, kundi pati na rin ang mga bagong gawa ay hindi na-save.
"Ano ba naman 'to! Anica, bobo ka! Gago ka! Tanga ka! Anong ginawa mo?! Anong kagaguhan ang ginawa mo, bobong gunggong! Walang kwentang bruha! Bakit hindi ka na lang mamatay!?" Patuloy akong nagmumura, sinusumpa ang aking sarili na parang hindi ako ang sarili ko. “Bakit ba kasi ako pinanganak ng may balat sa pwet!!”
Nalulungkot at naiinis sa sarili, pinatay ko ang computer.
Malalaki at mabibilis ang pag-martsa ko na nagtungo sa opisina ng boss ko. Sumilip ako roon sa walang harang na glass wall ng opisina niya upang tingnan ang ginagawa niya.
Halos walang makita sa dilim ng opisina niya, nakaupo siya sa gilid ng malaking mesa, nakatalikod sa pwesto ko at sa pintuan. Naririnig ko rin ang mahina niyang boses. Kinakausap niya ba ang sarili niya?
Hawak niya ang isang dokumento sa isang kamay at nakatingin siya rito, tila labis na abala para marinig ang sinuman.
Gaya nga ng inaasahan ko, hindi pa umuwi si Mr. Logan. Nagiging ugali na niya ang manatili sa kanyang opisina sa ganitong oras, kaya hindi na ako nagulat.
Walang pasabi akong pumasok sa loob ng opisina niya nang makitang bukas ang glass door.
Gusto kong gulatin siya ng mga reklamo ko dahil sa bulok na computer na meron sila sa loob ng kumpanya! Wala na akong pakialam basta naiinis at nagluluksa ako ngayon!
Nakita ko ang kamay ni Mr. Logan na hawak ang dokumento ay mahigpit na nakakapit - kitang-kita ang mga naglalabasang ugat.
Hindi niya ba narinig ang pagdating ko? Sandali ko pang pinagmasdan ang malapad niyang likod.
"Mr. Logan." pagtawag ko.
Nang hindi niya ako lingunin ay inisan akong nagpatulog sa gusto kong sabihin. "Siguradong abala ka sa trabaho sa ganitong oras ng gabi. Paumanhin ho kung nang-abala ako; hindi iyon ang intensyon ko. Pero sinusunod ko naman ho lahat ng mga pinag-utos niyo sa akin. Mayroon lang akong mungkahi tungkol nangyari sa lahat ng mga iniutos niyo sa akin. Kung maaari lamang pakinggan ang paliwanag ko kahit isang beses..."
Patuloy akong hindi nililingon o pinapansin ni Mr. Logan.
Ang inis ko ay mas lalong lumaki. Parang bulkan na sumabog ay nilabas ko lahat ng hinanakit ko sa trabaho.
“Mr. Logan naman! Hirap na hirap na nga ako dahil sa pagbabakasyon ni Yuna. Alam ko na ayaw mong pakinggan ito, pero sa totoo lang, mula sa puso ko, talagang nahihirapan na ako! Si Cassi at Yuna, lahat ng trabaho na dapat sila ang gumagawa ay napunta sa akin. Alam mo 'yon! Sinabi mo sa akin na pansamantala kaming maghahati sa kanilang trabaho ni Joshua, pero hindi mo ba alam? Ako lang ang gumagawa ng lahat!"
Bagamat nagsimula akong magmakaawa ng may kalmadong boses, nagtapos akong magsalita nang agresibo aat nagtunog galit!
Gayunpaman, nanatiling tahimik si Mr. Logan. Ah? Talagang hindi niya ako papansinin, ah?
Nagliliyab ang aking galit sa loob habang kinagat ko ang aking mga ngipin at nagpatuloy sa pagsasalita, na halos sumabog ang aking galit.
“Ang mga ideya ni Joshua ay maganda, at bawat isa sa mga ‘yon ay may potensyal. Aaminin ko 'yan. Pero nagulat ako sa kanyang trabaho. Sa huli, ako lang din ang nagturo sa kanya ng lahat! Hindi naman sa kulang siya sa talento. Pero Mr. Logan, ikaw nang higit sa lahat ang nakakaalam na ang ating mga proyekto ay nagkakagulo mula nang sumali siya! Sa totoo lang, bagaman may potensysal si Joshua, hindi niya kayang hawakan kahit ang trabaho ng isang ordinaryong tao. At tuwing ginagawa niyang basura ang isang proyekto, hindi ba lagi mo itong pinapasa sa akin?"
"Kaya, Mr. Logan, dapat mong malaman na ang aking trabaho ay lumampas na sa halagang binabayad sa akin! Si Cassie, Yuna at Joshua, ‘yung mga kamay ko ay puno na ng trabaho nila! Ako ang naglilinis ng kanilang kalat mag-isa. Hindi ko ‘to magagawa nang mag-isa, Mr. Logan. Ano nang mangyayari nito? Ano pa bang paraan…" napatiim-bagang ako.
“Mr. Logan, nakikinig ka ba?"
"Mr. Logan?"
Matagal kong tinitigan ng masama ang likod niya na kahit anong pagsasalita at tawag ko ay hindi lumilingon.
Pero biglang kaba ang gumuhit sa aking mukha dahil baka pala siyang nawalan ng malay habang nakatayo! Napatanga ako sa isiping iyon.
"Mr. Logan?"
"Mr. Logan, okay ka lang ba?"
Nag-aalala na ako ngayon. Habang nakatuon ako sa kanya, naririnig ko ang malalim niyang paghinga sa nakakatakot na paraan na siyang pumapalibot sa katahimikan.
Parang isang ungol, hangos, parang siya'y hinihingal...
"Ugh, Ahhmm… haa!"
"Oh my god, Mr. Logan. Sigurado ka bang okay ka lang?!"
Ang dokumento na hawak niya ay mas lalong humigpit sa pagkakakapit. Napansin ko na medyo nabakbak na ang papel.
“U-Ugghh! M-More…”
Ilang beses akong humakbang para lumapit ng husto. Nanlaki ang mga mata ko nang doon lamang makita ang mabilis na paraan ng paggalaw ng kanyang kanang braso, pababa at pataas, na tila nagkakaroon ng lakas at biglang nawawalan ng enerhiya - hindi natural!
Anong nangyayari sa kanya?!
Hindi ngayon ang tamang panahon para mag-isip! Kahit hindi ko siya gusto, kailanga kong tulungan si Mr. Logan!
Kinagat ko ang aking labi at nagmamadaling pumunta sa kanyang harapan!
"Mr. Logan, anong nangyayari sa'yo!!" hinawakan ko siya sa braso ng mariin.
Nagtagpo ang aming mga mata.
Subalit isang wireless earbud, na may naglalarong malalakas na musika, na kaninang nakasalampak sa tainga niya ay biglang nahulog. Narinig ko ang ungol na lumalabas doon sa earbud.
Sandaling tumigil ang oras. Napuno ng katahimikan habang nagtititigan kaming dalawa ni Mr. Logan.
Bumaba pa ang mga mata ko sa nakabukas niyang belt at zipper na pantalon, nakalantad ang umiigting niyang p*********i.
Nandoon ako - harap ang aking manyakis na boss na nagpapaligaya at nagsasarili habang nago-overtime sa trabaho.