Kabanata 5

1097 Words
[Anica] [Tulog ka na ba?] [Ay, kalimutan kong hindi ka nga pala natutulog dahil lagi kang puyat sa trabaho! Kung may nakakakita sa'yo, baka akalain nila na kumikita ka nang malaki!] [Naghiwalay tayo dahil lang sinabi kong ‘my ass’! Nagsisisi ako na nagsayang pa ako sa'yo ng 200 days na pakikipag-date!] [Paano ba naging pang-insulto ang salitang ‘yon. ha?] [Sabihin mo nga, paano?] [Hindi mo ba alam ang kahulugan ng pang-insulto?] Isa-isa kong binabasa ang mga mensahe sa akin ng lasing kong ex-boyfriend ko na si Riley. Nakita ko ang oras ng pagpapadala, mga bandang 2 ng madaling-araw. Katulad ng sinabi niya, karaniwan akong hindi pa tuloy sa oras na iyon. Subalit swerte naman at mahimbing akong natulog mula kahapon ng hapon hanggang ngayong umaga, kaya hindi ko iyon nabasa sa tamang oras. Parang isang iglap lang ang lumipas mula nung weekend. Naalala ko pa ang pangyayari noong Biyernes ng gabi, at saka… sa nangyari sa amin ni Mr. Logan. Ngunit kahit na gano'n, pakiramdam ko'y parang walang nangyaring kahit ano simula niyon, mas naging relax pa ako at hindi nakonsensya sa ‘di malamang dahilan. Naalala ko pa noong matapos naming gawin ang bagay na iyon sa loob ng kanyang opisina. Nang buksan ko ang aking mga mata noon, nakahiga na ako sa sofa ng opisina ng Presidente ni Mr. Logan. Samantalang dahan-dahan naman niyag pinupunasan ang kanyang basang buhok ng tuwalya matapos maligo. Habang nakatitig ako sa kanya nang walang malay, bigla kong napansin ang orasan at naalala ko ang mga nawawalang mga file. Sa desperasyon, nagmadali akong lumabas ng opisina ni Mr. Logan upang tapusin ang aking trabaho sa mga oras na ‘yon. [Alam ko na wala kang kapantay na babae sa sipag mo, Anica.] [Sabi ng mga kaibigan ko. Na tanga ako na hindi ko man lang na-realized kung gaano ako kaswerte... dahil meron akong ikaw!] [Iba ka sa mga babae na naghahanap ng mayaman na lalaki para mabuhay.] [Wala kang balak na maging isang full-time housewife.] [Alam mo ang halaga mo.] [Tunay kang mabait at mabuting babae. Siguro dahil alam mong hindi ka ganun kaganda?] "Loko talaga ‘tong engot na ‘to!" mapakla akong napatawa habang nagbabasa parin ng mga mensahe ni Riley. Ako? Hindi maganda? ["Pasensya na, Anica. Sagutin mo naman ako mga text ko, oh?"] [Art yuo mud at m?] Habang nag-scroll ako sa chat, mas lalo kong nare-realize na wala sa sarili ang isip ni Riley. At ang dami ng mga typo! Halimbawa, ang 'Galit ka ba sa akin?' ay naging 'Art you mud at m?' [frst, mag-usap tayo nang harap-harapan] [Bakit ini-ignore mo ako, Anica!] [Anica, hindi mo ba talaga binabasa?] [Talagang hindi mo babasahin ang mga mensahe ko?!] [Tulog ka na ba?] [Baka na-block mo na ako?] [Alam mo ba na wala pang isang linggo tayong naghiwalay?] [Hindi ko na yata kayang umuwi kasi nakainom ako. Pwede mo ba akong sunduin? Na kina Dwayne ako ngayon.] [Kung hindi mo ako susunduin, baka matulog na lang ako sa kalye...] [At malamang hindi rin ako makakapasok sa trabaho bukas ng umaga...] [Gusto mo ba iyon?] [Gusto mo ba?] [Ang kapal mo talaga] "Hindi ka ba sasakay?" Natauhan ako at naalis sa screen ng cellphone ko ang paningin ko saka napabaling sa reyalidad. “...Ha? Ano?” Mas napatanga ako ng makita ko si Mr. Logan sa loob, kasama ang tatlo pang emplayado sa loob "Sa elevator." ani ng isang lalaki sa tabi ni Mr. Logan. "Oh, oo." nagmamadali akong pumasok at bumati. “Magandang umaga po sa inyo.” “...” Walang tumugon pabalik sa ‘kin. Nahiya ako kung kaya't binaling ko na lamang ang paningin ko sa cellphone. Pagkatapos ng isang paghinto ng elevator sa ika-4 at ika-7 na palapag, kami na lamang ni mr. Logan ang natira. At dahil ang palapag na hihintuan ko ay nasa ika-31 pa, puno ng awkwardness kong binabasa ang mga mensahe ng ex-boyfriend ko. "Anica," "Sunduin mo ako ngauon… kailangan kita." Napasinghap ako ng hangin sa gulat nang marinig ang boses ni Mr. Logan sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay napagtanto kong binabasa niya ang mensahe sa cellphone ko!! “Seryoso ako, Anical. Nasa delikadong sitwasyon ako ngayon... Punatahan mo ako, please." nagulat ako nang agawin niya sa kamay ko ang cellphone ko para walang hiya na basahin ng malakas ang mga mensahe!! "Anica, kung mananatili akong ganito, hindi ako makakapasok sa trabaho bukas. Buhay at kamatayan ko ang nakasalalay dito kung hindi mo ako susunduin." "Mas mahal mo ba talaga ang trabaho kaysa sa ‘kin?” “Ngayong naghiwalay na tayo, wala na ba akong halaga sa'yo kaya hindi mo ako ma-replyan?” Ang nakakabwisit na mga mensahe ni Riley ay nakakainis na nga, pero lalo pang nakakainis kapag binabasa ng isang walang kaluluwa at robotikong boses ni Mr. Logan! Sinubukan kong ikalma ang inis na naramdaman ko umagang-umaga! “Mr. Logan, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Please, pakibalik sa akin ng cellphone ko!” “Palagi ka na lang ganyan, Anical. Palagi mo lamang iniisip ang sarili mo... Minahal mo ba talaga ako?" wala siyang kahihiyan, wala siyang tigil sa pagbabasa ng mga pribadong mensahesama" “Argh!” Pinilit kong agawin sa kanya ang cellphone ko. “Nababaliw ka na ba, Mr. Logan? Alam kong wala kang manners, pero bakit ka umaasta na parang hindi boss!” "Ang sama mo talaga. Napaka-sama... Bagay sa'yo ang apelyido mo, Cupal." napatawa si Mr. Logan sa mensaheng iyon ni Riley. “Bwisit!” asik ko pa. *Ding!* Nag-signal ang elevator na dumating na ito sa palapag na bababaan ko, kaya't lubos akong natuwa at nagmadaling bumaba. Subalit naalala ko ang cellphone ko na hawak pa niya, kung kaya't mabilis din akong bumalik para ilahad ang kamay ko sa kanya. "Ang cellphone ko, pakibalik." "Sabi niya, pagsisisihan mo na naghiwalay pa kayo, Anica Cupal." "Tigilan mo na ang pagbabasa." "Paano kung ayaw ko? Ako pa naman ‘yung klase ng tao na hindi kuntento hangga't hindi ko nakikita ang katapusan ng isang libro o pelikula, alam mo iyon.” “Mukha bang libro o pelikula ‘yan? Private messages ‘yan na hindi ka dapat nangingialam!” Si Mr. Logan ang depinisyon ng pagiging isang ‘jerk’ na boss! Sino nga naman bang matinong boss ang magpapaligaya ng sarili habang nago-oveertime at m************k sa isang babaeng empleyado? Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Mr. Logan. Bigla ay nilapit niya ang kanyang sarili sa aking tainga upang bumulong. "Kung gano'n, pwede bang ang pribadong parte na lang katawan mo ang pakialaman ko?" "A-Ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD