Trina's POV
"Miss kung ako sa'yo, pumayag ka na lang sa gusto namin. Kesa naman masaktan ka pa, 'di ba?" Wika ng isa sa mga lalaking nambabastos sa'kin.
Natatakot na ako dahil kanina pa nila ko pinagtitripan. No'ng una'y sinusundan lang nila ko sa paglalakad ko papuntang school tapos bigla na lang nilang hinarangan yung dadaanan ko.
Nilapitan ako ng isa sa mga lalaking 'yon saka ako inikutan habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Kinilabutan ako sa ginawa niya.
"Ang ganda mo, miss. Mukhang masarap ka? Pwede ka ba naming tikman?" Tumawa silang lima sa sinabi no'ng lalaki sa'kin. Mas lalo naman akong natakot sa sinabi niya. Napaatras ako nang hawakan at amuyin niya ang buhok ko. "Ang bango mo, miss."
"P-Please, w-wag niyo kong s-sasaktan." Umiiyak na ako sa sobrang takot. Nanlalabo na yung suot kong eyeglasses dahil sa pag-iyak ko. "P-Padaanin niyo na ko, p-please."
"Uy, 'wag ka nang umiyak miss. Pangako, sa una ka lang masasaktan, pero sa huli, hindi na." Ngumiti sa'kin yung isang lalaking nagsalita ng nakakatakot. Tumawa naman yung apat niyang kasamahan.
Nilapitan na nila ko isa-isa habang tumatawa ng nakakatakot kaya mas lalo akong nanginig.
Tulong, please!!
"HOY MGA PANGET!"
Napalingon yung limang lalaki maging ako sa sumigaw.
Ayla?
Lumapit siya do'n sa limang lalaki habang nakatingin sa mga ito ng masama.
"Pre, may isa pang chicks oh!" Sigaw no'ng isang lalaki.
"T*ngina! Ang ganda rin nito."
Nilapitan si Ayla no'ng lalaking inikutan ako kanina. "Miss, anong pangalan mo?" Aniya.
"Hindi mo na kailangang malaman. Manyak!" Maangas na tugon ni Ayla.
"Pre, maangas 'tong isang 'to. Mukhang palaban eh!" Singit no'ng lalaking unang nagsalita kanina.
"Hoy! Wag kang maangas, baka gusto mong makatikim sa'kin miss."
Nag-smirk si Ayla. "Ako ang makakatikim o....ikaw?"
"Pre hinahamon ka. Pakitaan mo 'yang babaeng 'yan!" Sigaw no'ng isang lalaki.
"Dapat hindi ka na lang nangialam miss, mapapadamay ka pa tuloy." Sambit sa kanya no'ng lalaki.
Hinubad ni Ayla ang puyod na suot niya pero hindi niya binaba ang bag pack niya. Tinaas niya ang kamay niya at sumenyas do'n sa lalaki na lumapit sa kaniya.
Kinakabahan ako para kay Ayla dahil baka may mangyari sa kaniyang masama.
Oh God! Sana naman po hindi siya mapahamak.
Unang sumuntok yung lalaki pero nagawa itong iwasan ni Ayla na ikinagulat naman no'ng lalaki maging yung mga kasama niya at pati na rin ako. Sunud-sunod na nagpaulan ng suntok yung lalaki pero naiwasan ito lahat ni Ayla. Napagod yung lalaki sa kakasuntok kaya tumigil na siya.
"Ano? Tapos ka na ba?" Tanong ni Ayla. "Ako naman ngayon."
Pinagsusuntok niya yung lalaki sa mukha. Sumusuntok din yung lalaki pero naiiwasan ito lahat ni Ayla. Tumatama naman lahat ng suntok ni Ayla do'n sa lalaki at sa huling suntok ni Ayla sa mukha no'ng lalaki, nawalan na ito ng malay. Sumugod na rin yung apat pang kasama no'ng lalaki kaya mas lalo akong natakot para kay Ayla dahil nag-iisa lang siya at apat ang kalaban niya. Inikutan siya ng mga ito. Paikot-ikot naman si Ayla habang seryosong nakatingin sa mga ito.
"Lagot ka na ngayon miss."
Sabay-sabay silang sumugod pero lahat sila hindi man lang nakakatama ng suntok kay Ayla. Si Ayla naman ay sinuntok ang nasa harapan niya sa mukha pagkatapos ay sinipa sa tiyan ang nasa mag-kabilang gilid niya. May susugod sana sa likod niya pero mabilis niya itong nabalibag. Sinuntok niya ang last na lalaking susuntok pa sana sa kaniya. Yung apat na lalaki ay nakahandusay na ngayon lahat sa sahig.
Napasigaw ako sa gulat nang may biglang sumakal ng leeg ko mula sa likod. Naramdaman ko rin na may matilos na bagay ang nakatutok sa tagiliran ko. Nagsimula na naman akong kabahan at manginig sa takot. Nag-papanic na ako sa loob ko.
Nakita 'yon ni Ayla at maging siya ay nagulat. "Hoy, m******s ka! Bitawan mo siya!!" Sigaw niya.
"Kapag lumapit kang babae ka, patay 'tong babaeng 'to." Banta no'ng lalaking nakasakal sa'kin.
Nabosesan ko siya kaya nalaman kong siya yung lalaking unang napatumba ni Ayla kanina. Hindi ko man lang napansin na nagkamalay na pala siya.
"Duwag kang gung-gong ka! Bitawan mo siya sabi eh!!" Muling bulyaw ni Ayla. "Babalian talaga kita ng buto!"
"Bi!!"
Napatingin kami sa direksyon ng sumigaw. Si Bianca kasama ang Vipers at Shy pero wala si.....Xander.
"Sorry natagalan yung pag-tawag ko sa kanila bi." Paghingi ng paumanhin ni Bianca.
"Bi, ba't sila ang tinawag mo? 'Di ba sabi ko pulis, hindi mga itlog? Eh hindi naman pulis 'tong mga 'to eh!" Wika ni Ayla.
"Tss! Pasalamat ka dumating kami." Singit ni Zach.
Sasagot na sana si Ayla nang biglang magsalita yung lalaking may hawak sa'kin.
"Hoy! Wag kayong lalapit at hayaan niyo kong makaalis kasama 'tong babaeng 'to kundi patay 'to!" Banta niya.
"Utot mo! Sinabi ng—" Naputol sa pagsasalita si Ayla.
"Isa pang salita mong babae ka, babaon 'tong hawak kong balisong sa tagiliran ng babaeng 'to." Naramdaman ko ang pag-diin ng balisong sa tagiliran ko kaya mas lalo akong natakot. Naiiyak na rin ako.
Please, iligtas niyo ko!
"Let her go."
Yung boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kaniya 'yon!
Naramdaman kong lumingon sa likod niya yung lalaki. Maya-maya lang lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa leeg ko at hindi ko na rin naramdaman yung balisong sa tagiliran ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig na lang ako ng malakas na suntok. Tuluyan na rin akong nakawala do'n sa lalaki kaya nakalingon na ako sa likod ko.
Nakita ko kung pa'no binugbog ng maigi ni Xander yung lalaki kanina. Pinaulanan niya ito ng suntok sa mukha. Nakahiga na ito sa sahig ay hindi pa rin ito tumitigil sa pag-suntok sa mukha nito kahit wala na itong malay.
Nilapitan na siya ng Vipers para pigilan. "Dude, tama na 'yan! Baka pumanget lalo ang mukha ng kumag na 'yan." Awat ni End.
"Tama na Xander. Wala na siyang malay, baka mapatay mo pa 'yan. Hindi tayo pumapatay." Paalala ni Zach.
Nag-papigil naman si Xander. Nakita ko ang duguan niyang kamao. Hindi ko alam kung galing ba 'yon do'n sa lalaki o galing sa kaniya.
Nagulat ako nang lapitan niya ko at hawakan sa magkabila kong balikat. Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko kaya bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
"Are you okay? Did you get hurt? May masakit ba sa'yo?" Sunud-sunod niyang tanong sa'kin na hindi ko inaasahan.
Totoo ba 'to? Si Xander niligtas at tinatanong ako kung okay lang ba ko?
Tango lang ang naisagot ko sa kaniya.
"Ayos ah! Worried boyfriend ang peg? Haha!" Singit bigla ni Dexter.
Parang bigla namang natauhan si Xander at basta na lang akong binitawan at umalis sa harapan ko.
"Trisha, nasaktan ka ba?" Tanong ni Ayla nang makalapit sila ni Bianca sa'kin.
"Are you okay? Do you need to go the hospital?" Sambit ni Bianca.
Umiling ako at ngumiti. "Okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan. Salamat nga pala sa pagliligtas Ayla, Bianca at..." Nahihiyang tinignan ko siya. "Xander." Muling bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Tango lang ang itinugon niya. "Salamat din sa pag-punta Vipers at Shy."
"Hay! Bakit ba kasi nabubuhay pa sa mundong 'to ang mga m******s na tulad nila?" Ani Ayla habang pinupuyod nang muli ang buhok niya.
"True! Ang sakit nila sa bangs!" Pagsang-ayon ni Shy kay Ayla habang sinusuklay ang bangs niya.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang mga pulis at pinag-dadampot ang mga lalaking nambastos sa'kin kanina. Lahat sila ay wala pa ring malay. Napahanga ako sa galing makipaglaban ni Ayla.
"Ayla, ikaw ba nakipaglaban do'n sa limang 'yon?" Singit na tanong ni Dexter. Tumango si Ayla. "Mag-isa!? Nakaya mo 'yon!?" Hindi makapaniwala si Dexter do'n.
Maging ako man. Hindi ko akalaing magaling palang makipaglaban si Ayla, hindi kasi halata sa kaniya.
Napatingin akong muli kay Xander na katabi lang nina Zach at Bianca. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong nakatingin din siya sa'kin pero agad niya ring iniiwas ang tingin sa'kin.
Kahit na alam kong walang ibig sabihin sa'yo yung pagliligtas mo sa'kin, salamat pa rin. Maraming salamat!
Ayla's POV
"Hay, salamat! Natapos din ang quiz natin." Nagunat-unat pa ako pag-katayo ko ng upuan ko. "Grabe! Napiga utak ko dahil sa subject na 'yon. Gutom na tuloy ako. Bi, bilisan mo, nagugutom na ako. Nakakagutom pala yung quiz na 'yon."
Lumingon sa'kin si Bianca na nag-aayos ng gamit niya.
"Napiga? Eh halos lahat ng sagot mo do'n, sa'kin galing eh. Tanong ka kaya ng tanong kung anong sagot do'n sa mga questions, muntik pa tayong mahuli no'ng Prof natin." Aniya.
Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ahehe! Eh kasi naman nalimutan ko yung ni-review ko kagabi eh. Dahil yata 'to do'n sa biglaang pakikipaglaban ko do'n sa mga m******s na nambastos kay Trisha kanina." Umiinit talaga ulo ko sa mga m******s.
Bakit pa kasi sila nag-eexist sa mundong 'to? Wala naman silang naitutulong para umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. Pabigat lang sila sa bansang 'to eh.
"You mean...Trina?"
"Trisha o Trina? Pareho lang 'yon." Tugon ko. "Mas prefer ko ang Trisha."
"If you say so." Sinukbit niya sa balikat niya ang shoulder bag niya. "Let's go?"
Pumunta na agad kaming cafeteria at bumili ng makakain. Bumili ako ng carbonara, burger, fries, ham sandwich, piattos, at isang large apple juice.
"Di ka naman gutom na gutom niyan, bi?" Natatawang komento ni Bianca sa binili ko na nakalagay lahat sa tray na hawak ko.
"Eh nagutom talaga ako sa quiz natin kanina eh." Sagot ko.
Napatawa siya at napa-iling.
Nag-hanap na kami ng mauupuan at nakahanap naman kami agad. Mag-kaharapan ulit kami sa lamesa. Pag-kalapag palang ng tray ko ay nilantakan ko na agad yung pagkain ko.
"Bi, dahan-dahan, baka naman ma—" Narinig kong bumuntong hininga siya. "Nevermind."
Tahimik lang kami pareho habang nakain. Ininom ko yung juice ko dahil hindi na ko makahinga kakakain.
"Bi, do you like Zach?" Biglang tanong ni Bianca sa'kin dahilan para masamid ako. "Oh God! Sorry bi, nabigla ba kita?"
"Nabigla? Tinatanong mo pa talaga 'yan, bi? Seriously? Natural na magulat ako. Sa'n naman kasi nanggaling yung tanong na 'yon?"
"Sorry bi. But can you answer my question?" Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na tinatanong niya talaga 'yon sa'kin. "I just want to know." Aniya.
I sighed. "I don't like him. I will NEVER like him. Bukod sa ayaw ko sa kaniya, eh boyfriend mo rin siya. Tingin mo magagawa kong landiin yung boyfriend mo? Saka isa pa, hindi si Zach yung tipo kong lalaki 'no? Ayoko sa gangsters!" Sagot ko.
"Tama ako, hindi nila ko magagawang lokohin." Pabulong na 'yon kaya hindi ko na narinig. "So, sino palang tipo mo? Yung mga tipo ba ni...Gab?" Ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko.
"Ha? Si Gab? Oo, pero hindi si Gab yung gusto kong maging boyfriend in the future 'no?" Giit ko.
"Sus! Alam mo bi, I think you're good together. Bagay kayo!" Pang-aasar pa niya. "Tingin ko nga may crush siya sa'yo eh."
Kung alam mo lang na ikaw yung gusto niya.
"Manhid talaga." Bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka, bi?" Tanong niya.
"Ako? Ang sabi ko, ma..." Napatingin ako sa kinakain ko. "Masarap!" Palusot ko.
Kumain na ako ulit pero napatigil ako nang hawakan ni Bianca ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa. Tinignan ko siya ng may pag-tataka.
"Promise me na hindi ka magkakagusto sa kanya, bi." Seryoso niyang sambit.
"Sa totoo lang, ang weird ng mga sinasabi at tinatanong mo sa'kin, bi. Pero kung ika-papanatag ng loob mo...sige." Bumuntong hininga ako. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya, bi. Pangako."
Hindi ko alam pero may naramdaman akong kirot sa puso ko nang sabihin ko 'yon. Weird.
Nginitian niya ko. "Thank you, bi!"
"Maiba ako bi, alam mo bang may concert daw si Celine Wilson sa MOA Arena next month?" Excited na balita ko sa kaniya.
Isa kasing sikat na artista si Celine Wilson sa Paris at sa iba't-ibang bansa. Pilipina siya pero do'n siya nag-simulang maging artista. Nakapagconcert na siya sa madaming bansa. Marami ng tao ang hinahangaan siya. At isa kami sa milyon-milyon niyang fans. Hinahangaan na namin siya ni Bianca simula pa man no'ng kakapasok niya palang sa showbiz hanggang ngayon na sikat na sikat na siya.
"Talaga bi? Omg! Kailangan na nating bumili ng ticket, baka masold out agad eh." Bulalas niya.
Nag-apir pa kaming dalawa dahil sa sobrang excitement namin. Sa wakas, makikita na namin siya sa personal!
Celine's POV
Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga tao habang papalabas ako ng stage. Concert ko ngayon dito sa Paris. Madaming bansa na rin akong napuntahan.
Habang nag-peperform ako ay tinitignan ko ang mga taong humahanga sa'kin. Lahat sila hinihiyaw ang pangalan ko.
Pag-katapos ng concert ko, sumakay na agad ako sa van. Nakatingin ako sa bintana ng sasakyan. Nakasulyap ako sa mga taong hindi tumitigil sa pag-sigaw ng pangalan ko. Bubuksan ko sana yung bintana para kumaway sa mga taga-hanga ko na hindi nakapasok sa loob ng venue ng concert ko pero pinigilan ako ni Mom.
"Hindi ka dapat magpakita sa mga 'yan. Hindi naman sila bumili ng ticket mo." Utos ni Mom sa'kin.
"Mom—"
"H'wag mo kong kontrahin, Celine." Mataray na wika ni Mom.
As always, laging siya ang nasusunod. Siya lahat ang nag-dedesisyon sa buhay ko. Siya rin ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa kinatatayuan ko.
Pag-kadating sa bahay namin, didiretso na sana agad ako sa kwarto ko para mag-pahinga dahil ilang araw na rin akong walang tulog. Sunud-sunod kasi ang guestings, shootings at photo shoots ko.
"Celine, may photo shoot ka bukas para sa isang magazine kaya kailangang maaga ang gising mo." Paalala ni Mom.
I sighed. "I know Mom. Manager Pau already told me my schedules."
Umakyat na ako ng kwarto ko. Naligo at nag-bihis ng pang-tulog. Umupo ako sa harap ng salamin ko saka sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
I miss the old Celine.
Yung dating Celine na tahimik ang buhay. Walang nakakakilala kundi ang sarili ko at pamilya ko. Yung Celine na mas kilala sa tawag na Cel. Yung Celine Wilson na hindi artista.
I sighed deeply.
"If only you we're still here Dad." I whispered.
Tumayo ako sa kinauupuan ko nang marinig kong nag-riring ang phone ko. Kinuha ko 'yon sa table sa tabi ng kama ko.
*Incoming call from Manager Pauleen*
Sinagot ko 'yon at nilagay ang cellphone ko sa kanan kong tenga.
"Yes?"
"I just want to remind you about your concert in the Philippines next month." Bungad niya sa'kin sa kabilang linya. "Are you ready?"
Napangiti ako nang marinig ko 'yon. Ito ang iniintay kong mangyari. Ang magkaroon ako ng concert sa Pililinas. Magagawa ko na rin ang matagal ko nang gustong gawin.
"Yes....I'm ready."
Finally, I'm going home.
Zach's POV
Nag-date kaming muli ni Bianca bago ko gawin ang pinakamabigat na sakripisyong magagawa ko sa buong buhay ko.
"Ang saya talagang mag-arcade. Sana maulit ulit 'to, babe." Masayang sambit niya pagkatapos naming mag-arcade.
Sana nga maulit ulit 'to.
Nginitian ko siya. "Mahal na mahal kita, Bianca Natividad."
"Anong meron at parang extra sweet ka yata ngayon?"
Ginulo ko ang buhok niya. "Wala naman. Kailangan bang may dahilan?" Tugon ko.
Umiling siya habang nakangiti.
"Mahal na mahal din kita Zacchaeus Jacob Villafuerte." Sagot niya sa'kin.
Napangiti ako ng malawak. Mamimiss ko 'to. Mamimiss ko lahat 'to.
Mamimiss ko siya.
Nanood din kami ng sine, binili siya ng life size pink teddy bear at kumain ng ice cream.
"Punta tayong EK?" Suhestyon ko.
Mukhang nagulat yata skya. "EK?" Natawa siya ng bahagya. "Babe,ano bang meron ngayon? Parang monthsary na natin ah? Eh bukas pa naman yung monthsary natin." Aniya.
Nginitian ko siya. "Gusto ko lang ako ang maunang mag-bigay sa'yo ng regalo para bukas." Sagot ko.
Kinurot niya ang pisngi ko. "Ang sweet sweet talaga ng babe ko. I love you!" Pag-lalambing niya.
"I love you more."
Masyado kitang mahal kaya ko 'to gagawin.
Dahil hindi traffic, mabilis lang din kaming nakarating ng EK.
Agad kaming sumakay ng mga rides. Nauna naming sakyan ang Merry Go Round. Sunod ang Flying Fiesta, Swan, Rio Grande at kung anu-ano pa. Bumili pa kami ng couple shirt dahil nabasa kami sa Rio Grande.
Kumain din kami nang kumain ng kung anu-ano do'n. Nang mapagod kami, umupo muna kami sa isang bench habang nakaakbay ako sa kanya.
"Are you happy?"
"Very." Tugon niya.
Napangiti ako. Masaya ako na naging masaya siya ngayon.
"Babe, sana lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Lahat ng gagawin ko at desisyon ko para ay sa'yo lahat 'yon. Gano'n kita kamahal. Lahat gagawin ko para lang sa'yo." Buong puso kong sambit sa kaniya.
Umalis siya sa pagkaka-akbay sa'kin at tumingin sa mga mata ko.
"Babe, is there something wrong? Ang weird mo ngayon." Nag-aalalang ani Bianca.
Pinilit kong ngumiti kahit na parang hindi ko kaya. Umiling ako. "Wala lang babe. Basta pangako mo sa'kin na aalagan mo ang sarili mo. At pangako mo rin sa'kin na hinding-hindi mo kakalimutan kung ga'no kita kamahal."
Hinawakan niya ang kaliwa kong pisngi. "Promise, I will always remember how much you love me. I love you so much."
"I love you so damn much."
Hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Balang araw, maiintindihan mo rin ako kung bakit ko 'to gagawin.