Third Person's POV
"Hoy Panget! Ibalik mo nga 'yang bonnet ko!!" Sigaw ni Shy habang pilit na inaabot kay Keanne ang bonnet niya. Masyado itong mataas kumpara sa kaniya kung kaya't hindi niya ito makuha-kuha. "Akina 'yan!"
Natatawa naman si Keanne sa reaksyon ng mukha ni Shy.
"Kung makukuha mo!" Pang-aasar niya. "Kunin mo sa'kin!" Wika niya habang tumatawa.
Lalong umusok ang ilong ni Shy dahil kay Keanne.
Wala talagang magawa 'tong Panget na 'to kundi ang asarin ako. Kainis talaga! Inis na bulong ni Shy sa isip niya.
"Ibalik mo na kasi 'yan sa'kin! Wala ka bang ibang magawa kundi ang asarin ako palagi!?" Inis na sambit ni Shy.
Itinaas pa lalo ni Keanne yung kamay niya na may hawak ng bonnet ni Shy. Tumingkayad naman lalo si Shy para makuha ito.
Nadatnan sila ng Vipers na gano'n ang itsura sa loob ng tree house nila. Lumapit si Zach sa mga ito at inabot ang bonnet sa kamay ni Keanne saka binalik kay Shy.
"Hay! KJ ka naman Zach eh!" Kamot ulong reklamo ni Keanne. "Ngayon pa nga lang ako nag-eenjoy sa pang-aasar dito kay Shy eh."
Shy glared at him. "Eh siraulo ka pala eh! Alam mo kung ano ang enjoy?"
"Ano?"
"Ito!" Sinipa ni Shy sa private part si Keanne dahilan para mapaluhod ito sa sahig sa sobrang sakit. "'Yan ang enjoy!" Tatawa-tawang wika ni Shy.
Napa-ooohhh naman ang Vipers dahil sa ginawa ni Shy kay Keanne.
"Bull's eye!!" Hiyaw ni End.
"Baka jackpot. Haha!" Singit naman ni Ace.
Tatawa-tawa lang si Jared habang nakatingin sa kawawang si Keanne.
Inakbayan ni Xander si Shy. "That's cool, tol!" Nakipagfist bump pa siya dito. "Idol! Haha!"
Tinapik naman ni Dexter sa balikat si Keanne. "RIP bro! Wag kang mag-alala, ipagdadasal namin siya." Biro niya habang nag-sasign of the cross aa harapan ni Keanne at kunwaring nagdadasal.
Sinamaan ni Keanne ng tingin si Shy. "Lagot ka sa'king Panget ka! Muntik nang mawala yung future ko dahil sayo!! Alam mo ba 'yon!?" Bulyaw niya kay Shy.
"Mas okay na 'yon para wala ng isa pang panget na Keanne ang mabubwisit sa buhay ko! Saka hindi ako babae lang 'no? May pangalan ako!" Sigaw ni Shy. "Hay! Makaalis na nga dito. Ang sakit mo sa bangs!" Sinuklay-suklay pa ni Shy ang bangs niya bago umalis.
Sinubukang umupo ni Keanne sa sofa ng dahan-dahan.
"F*ck! Nabasag pa yata? T*ngina!" Inis na usal ni Keanne. Tinawanan siya ng lima niyang mga kaibigan. "Sige, tawa pa! Bwiset!"
Tahimik naman na lumapit si Zach sa pintuan para lumabas.
"Dude, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Xander. Hindi sumagot si Zach at nagdire-diretso sa paglabas. "Problema no'n?"
"Iniisip niya lang yung plano niya." Tugon ni Jared.
"Alin? Yung sinabi niya sa'tin? Gagawin niya ba talaga 'yon?" Muling tanong ni Xander.
"Para kay Bianca? Oo, magagawa niya." Sagot ni Ace. "Ganiyan magmahal ang isang Zach Villafuerte."
Napagpasyahan ni Zach na lumabas muna ng tree house nila. Hindi siya makapag-isip kapag gano'n kaingay ang mga kasama niya. Nag-punta siya ng playground at umupo sa isang swing doon. Mabuti na lang at walang mga batang naglalaro do'n dahil na rin matagal nang walang elementray students sa SU kaya libre siyang makapag-isip ng mag-isa.
Gusto niyang makapagisip-isip. Gusto niya munang mapag-isa.
Tinungo niya ang kaniyang ulo habang nakatuon ang dalawa niyang siko sa hita niya at magkadikit ang kaniyang palad.
Bumuntong hininga siya.
"Tama ba talaga 'tong gagawin ko?" Bulong niya sa kaniyang sarili.
Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Muli siyang bumuntong hininga.
Alam ni Zach na sobrang masasaktan si Bianca sa gagawin niya pero ito na lang ang naiisip niyang paraan para hindi ito mapahamak.
Hindi niya alam kung tama ba talaga ang gagawin niya o hindi. But he has no choice.
Samantala, napansin naman siya ni Ayla nang maisipan nya na pumunta sa playground ng school. Pagkapasok niya ay kaagad niyang nakitang nando'n si Zach.
Ano kayang ginagawa ng itlog na 'yon dito sa playground?
"Psh! Ba't ko pa ba inaalam?" Tanong ni Ayla sa kanyang sarili. "Pake ko kung bakit sya nando'n? Hay! Makaalis na nga!"
Nagulat naman si Ayla nang mag-angat ng ulo si Zach at kaagad na napatingin sa direksyion niya. Inirapan niya lamang ito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Tumayo si Zach at naglakad palapit kay Ayla.
"Anong ginagawa mo rito?" Sabay nilang wika. "Bakit? Masama na bang magpunta rito?" Nagkasabay muli sila sa pagsasalita. "Gaya-gaya!"
"Hay! Bakit mo ba ko ginagayang itlog ka!?" Inis na sambit ni Ayla.
Natawa naman si Zach sa sinabi niya. "Ako? Ginagaya ka? Lakas mo rin eh. Saka, bakit ka ba nandito? Siguro sinusundan mo ko 'no? Crush mo ko 'no?" Pang-aasar niya.
Sa pagkakataong 'to si Ayla naman ang tumawa.
"Eh hindi ka lang pala itlog eh, feelingero ka rin pala, eh 'no? Ikaw? Crush ko? Utot mo blue!" Tumawa siyang muli. "Taas mo ring mangarap."
Nilapitan ni Zach si Ayla kung kaya't napaatras naman si Ayla.
"Bakit? Hindi ba totoo? Kaya siguro laging mainit ang ulo mo sa'kin dahil gusto mong mapansin kita." Unti-unti pa siyang lumapit kay Ayla at unti-unti rin naman itong umatras. "Kunwari lang na galit ka sa'kin pero ang totoo patay na patay ka talaga sa'kin." He said then smirked.
"Hoy itlog! Wala akong gusto sa'yo 'no? Kahit ikaw pa ang pinaka kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi kita papatulan! Hindi ako pumapatol sa mukhang itlog!" Hiyaw ni Ayla. Inilapit ni Zach ang kaniyang mukha sa mukha ni Ayla. "A-Anong gagawin mo? Binabalaan kita? May itlog na mababasag ngayon kapag hindi mo inilayo 'yang pagmumukha mo sa'kin." Banta niya.
"Do it. Sanay na kong masuntok. For sure mahina lang 'yan kasi babae ka la— F*CK!!!" Napaluhod si Zach sa lupa sa sobrang sakit ng private part niya. Malakas na sinipa kasi ito ni Ayla. "F*ck sh*t!"
Okay, ang tanga ko do'n. Nalimutan kong deadly nga pala ang babaeng ito. Sh*t! Asar na bulong ni Zach sa isipan niya.
Nakatingin naman si Ayla kay Zach habang nakangisi.
"Binalaan na kita 'di ba? Sabi ko sa'yo may mababasag na itlog, eh hindi ka nakinig. So sorry ka na lang!" Tatawa-tawang wika ni Ayla.
Zach glared at her. "Malay ko bang literal na itlog yung tinutukoy mo!? Sh*t! Nabasag na nga yata!?" Namimilipit sa sakit na hiyaw niya.
Tumawa lang si Ayla. "'Yan ang napapala ng mga katulad mong feelingerong itlog. Babye itlog!" Kumaway pa siya rito saka umalis.
"Lagot ka saking babae ka!!" Sigaw ni Zach sa papalayong si Ayla.
Sh*t! Ngayon alam ko na kung anong naramdaman ni Keanne kanina. T*ngina! Ang sakit pala!
Tahimik namang nakatingin si Kate kay Zach mula sa malayo. Kanina pa siyang nakamasid kina Ayla at Zach at nakakuha siya ng picture ng mga ito na magkalapit ang mga mukha.
Her lips formed into an evil smile.
You will be mine soon Zach. And I will be your biggest nightmare....Ayla.
Umalis na si Kate do'n at nagpunta sa comfort room. Kung saan alam niyang pupunta do'n si Bianca. Hindi sjya nagkamali dahil naabutan niya nga ito doon.
Nag-aayos ng buhok si Bianca sa salamin nang tumabi sa kanya si Kate. Nginitan niya ito at gano'n din ang ginawa ni Kate.
A fake smile.
Nilabas ni Kate ang kaniyang red lipstick at saka ito in-apply sa kaniyang labi. Ibinalik niya ito sa kaniyang bag pagkatapos saka humarap kay Bianca.
"Hi, I'm Kate! You're Bianca, right?" Pagpapakilala niya rito.
Nginitian siya ni Bianca kahit pa medyo nagtataka siya dahil kilala siya nito. "Ah yeah, how'd you know me?"
"Well, your boyfriend is popular here and you also, so that's why I know you." Tumango lang si Bianca. "Ahm by the way, I'm a transferee student."
"Really? Kailan ka pa nag-transfer? College ka na ba?" Excited na tanong ni Bianca.
Tumango si Kate. "Yeah! First year college. Kaka-transfer ko lang last week pero ngayon lang ako nakapasok. May tao kasi akong hinahanap na dito nag-aaral." Tugon niya. "I'm taking up Mass Communication because I love taking pictures. You know what? I even took a picture of your bestfriend and your boyfriend." Aniya.
"Really?" Napakunot ang noo ni Bianca
Ayla and Zach? Sambit ni Bianca sa kaniyang isipan.
Kinuha ni Kate ang kaniyang DSLR na camera. Pinakita niya kay Bianca ang picture nina Ayla at Zach na magkalapit ang mga mukha.
"Hindi ba it's your best friend and your boyfriend? Eh bakit magkalapit ang mga mukha nila?" Tanong ni Kate.
Kumunot ang noo ni Bianca sa nakita niya.
"Mukhang inaahas yata ng best friend mo ang boyfriend mo." Nakangising sambit ni Kate. "If I were you, I should be careful of whom I trust. Sabi nga nila, your best friend can be your biggest enemy. A friendly reminder, ilayo mo na ang boyfriend mo kay Ayla before it's too late. Kasi baka magulat ka na lang isang araw na naagaw na pala ng best friend mo ang pinakamamahal mong boyfriend." Bulong niya habang nakangisi.
Iniwan siya ni Kate na nakatulala.
No, hindi 'yon magagawa sa'kin nina Ayla at Zach. I trust them! I know they can't betray me.