Chapter 4: The Dark

2007 Words
Zach's POV "Ano bang pag-uusapan natin Zach?" Tanong ni End pagkapasok namin ng tree house. "May naghahamon ba ulit ng away sa'tin? Tamang-tama, tagal ko na ring 'di nakakapag-unat." Seryoso akong lumingon sa kanila. Itinapon ko sa center table ang sulat na nabasa ko kagabi. Binasa nila 'yon at makikita kong pinaghalong gulat at galit ang reaksyon nila. "Pinadala 'yan sa'kin kagabi kasama ng isang patay na pusang nasa loob ng kahon." Wika ko. "Palagay ko alam ko na kung sino ang nagpadala niyan." "Eh sino namang may letter D na pangalan ang magpapadala nito?" Ani Dexter na hawak ang sulat at tinititigan itong mabuti. "Sa dami na nating nakasagupang gang groups, wala na kong matandaan na may ganitong pangalan na grupo." Dagdag pa niya. "Meron." Sabad ni Ace. "Meron? Sino naman?" Tanong ni Dexter. "Dark." Maikling tugon ni Ace. "Ang grupong pinamumunuan ni Damond Cortez." Aniya. "Dark? Damond? Teka..." Ani Dexter na nakahawak pa sa baba niya at nakatingin sa taas na tila inaalala kung sino yung sinabi ni Ace. Bigla siyang pumitik sa ere. "Ahhh! Oo, natatandaan ko na. Yung Dark saka yung ugok na si Damond. Yung mahangin na 'yon! Di naman tayo kayang talunin." Saad niya. "Ano bang kailangan nila sa'tin? Bakit kailangan pang idamay si Biancs baby?" Singit naman ni Xander. Hindi ko rin alam. Pero kung ano man 'yon, hindi ko hahayaang mapahamak si Bianca. Dadaan muna sila sa'kin bago nila masaktan si Bianca. "Anong plano mo Zach? Makikipagkita ba tayo sa kanila?" Tanong ni Keanne. Lahat sila tinignan ako at tila iniintay ang magiging sagot ko. "Pupunta tayo." Gab's POV Pagka-breaktime ko hinanap ko agad sa cafeteria sina Bianca at Ayla matapos kong bumili ng pagkain ko. Binilin kasi sa'kin ni Zach na bantayan ko raw si Bianca dahil sa natanggap naming blackmail kagabi. Agad ko naman silang nahanap kaya nilapitan ko na sila. "Hi girls! Can I join you?" Nakangiti kong bungad kina Ayla at Bianca na magkaharapang kumakain sa cafeteria. "Walang vacant seat eh." Nginitian ako ni Bianca pagkalingon niya sa'kin. Oh God! That smile. "Hi Gab! Of course you can join us." Ani Bianca. "Thanks!" Uupo sana ako sa tabi ni Ayla pero bigla niya kong pinigilan. "Hep! Diyan ka na umupo sa tabi ni bi, tutal nandiyan ka na rin lang eh. Magpapakahirap ka pang umikot papunta rito sa upuan ko." Suhestiyon ni Ayla. "Isa pa, ayoko ng may katabi eh." Dagdag niya. Napakamot ako sa ulo ko. Minsan parang sinasadya na ni Ayla na magkalapit kami ni Bianca. Gusto ko man pero alam kong mali. Mali kasi girlfriend siya ni Zach. Ng pinsan ko. Ayoko namang masira ang relasyon nilang dalawa dahil sa'kin. At lalong ayokong magkasira kami ni Zach nang dahil lang sa babae. Oo, tama. May lihim akong pagtingin sa girlfriend ng pinsan ko. Alam kong mali 'tong nararamdaman ko kaya nga pinipilit kong pigilan kahit sobrang hirap, kahit masakit. Pero anong magagawa ko? Kahit na anong gawin kong pagpipigil ng totoo kong nararamdaman, hindi ko pa rin talaga mapigilan ang hindi siya mahalin. Tao lang din ako, nagmamahal din. Sa maling tao nga lang. Wala eh! Tinamaan talaga ako kay Bianca. Una ko pa lang siyang nakita, nagkagusto na ko sa kaniya. Bago pa man siya makilala ni Zach, nakikita ko na siya. Gusto ko na siya no'n, natorpe lang akong lapitan siya at makipagkilala. Nagulat na lang ako isang araw na nililigawan na pala siya ni Zach. Simula no'n pinagsisisihan kong hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan siya noon. Sana ako 'yon, ako sana ang mahal niya ngayon. Pero huli na ang lahat. "Oo nga naman Gab. Ayaw mo ba kong katabi?" Tanong niya sa'kin. "Nakakatampo ka ha?" Nginitian ko siya. "Ah, hindi naman sa ganon Bianca." "Sus! Aminin mo na lang kasi na gusto mong makatabi si bi." Panunukso ni Bianca. "Gusto mo siya 'no?" Ano? Si Ayla? Hindi naman si Ayla kundi ikaw. Kiniliti niya pa ko sa tagiliran ko. Bigla namang nasamid si Ayla at uminom ng tubig. "Omg! Are you okay, bi?" Nag-aalalang tanong ni Bianca kay Ayla. "Ikaw naman kasi bi. Magdahan-dahan ka naman sa pagkain, wala namang aagaw niyang pagkain mo eh." Sermon niya. Nagpunas ng bibig si Ayla bago nagsalita. "Sorry bi! Yung burger kasi ang manhid eh." Tumingin siya sa'kin na may kahulugan. "Hindi niya alam na nasasaktan na sa loob si fries." Ano bang pinagsasasabi ni Ayla? "Ha?" Clueless na tanong ni Bianca. "Wala! Sabi ko, Gab umupo ka na, kanina ka pa nakatayo eh, para makakain ka na rin." Wika ni Ayla. "Oh-kay." Umupo na ko sa tabi ni Bianca saka nilapag ang tray na hawak ko na may lamang pagkain. "Oo nga pala Gab, alam mo ba kung sa'n pupunta sina Zach? Sabi niya kasi sa'kin 'di raw siya makakasabay ng lunch ngayon. Hindi rin daw umattend ng class ang Vipers. Wala naman siyang sinabi sa'kin bukod sa may importante lang daw silang aasikasuhin. Nag-aalala na ko, hindi siya sumasagot sa mga tawag at texts ko." Mahabang sambit niya. "Ahmm...k-kasi ano eh..." Pa'no ba 'to? Hindi ko napaghandaan 'to ah. "K-Kasi Bianca, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo eh. Pero 'wag kang mag-alala, walang mangyayari sa kaniyang masama. Kung ano man yung inaasikaso niya, para lang 'yon sa'yo." Paliwanag ko. "Sus! 'Wag mo na ngang pagtakpan 'yang pinsan mo Gab." Sabad ni Ayla. Tumingin siya kay Bianca. "Bi, your boyfriend is a gangster. Ano sa tingin mo ang gagawin no'n sa mga oras na 'to? Makikipagkwentuhan sa mga kasama niyang itlog?" Sabi niya sabay subo ng fries. "Malamang nakikipagbubugan na yung pitong itlog na 'yon sa kung sinong gang group." "Ayla, you don't know anything." Saway ko. "Psh!" "Wag kang mag-alala Bianca, he will be okay." Pag-aalo ko sa kaniya. Magsasalita na sana si Bianca nang biglang dumating si Aeiou at yung bestfriend niyang si Sam. "Hi Kuya!" Bungad niya. "Hi Ayla! Hi Bianca!" Bati niya do'n sa dalawa sabay upo nilang dalawa sa tabi ni Ayla. "Hi Aeiou!" Sabay na bati nina Ayla at Bianca. "What are you doing here?" Tanong ko kay Aeiou. "Lunch niyo na ba?" Nagcross arms siya at tinaas ang isa niyang kilay. Isa sa mga sign na magtataray na siya. "You think we'll ditch our class, Kuya? Of course it's our lunch break. Duh!" Pagtataray niya. See? Told yah! Napatawa naman si Bianca at Sam. "Oo nga naman Gab. Your sister has a point." Ani Bianca. Hay! "Oh, hi Sam!" Pag-iiba ko ng topic. "Hi Gab Oppa!" Kumaway pa siya at ngumiti na parang bata. Ang cute niya talaga. "Ahm where's Jared Oppa?" "Ahh, may pinuntahan lang." Tugon ko. "Sis, they're gangsters. For sure they're out there punching faces." Maarteng usal ni Aeiou. "Ahm by the way, Bianca and Ayla this is Samantha Claire Fuentes, my cute best friend. Sis Sam, this is Bianca Natividad, girlfriend of Kuya Zach. And her best friend, Ayla Reese Bautista." Pagpapakilala niya sa mga ito. "Kailangan buong pangalan?" Bulong ko. "Hi Sam! Nice to meet you." Masayang sambit ni Bianca. "Nice meeting you Sam." Nakangiting wika naman ni Ayla. Ngumiti naman si Sam. "Mannasuh bangapseumnida." Nagkorean na naman siya. Alam naman niyang hindi namin sila maiintindihan ni Jared sa tuwing mag-kokorean silang dalawa eh. (Happy to meet you.) "Ahh, that's a korean language, right?" Tumango si Sam sa tanong ni Bianca. "What was that mean?" "It means—" Naputol si Sam sa sasabihin niya nang sumingit si Ayla. "Happy to meet you." Napatingin kaming lahat kay Ayla. "Ang ibig sabihin no'n ay happy to meet you." Pag-uulit pa niya. "You can understand korean language, Ayla Unnie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam. "Oo nga bi! Hindi ko alam na marunong ka pala mag-korean." Sabad naman ni Bianca. Kumamot si Ayla sa ulo njya. "Ahehe! Ang totoo niyan sinearch ko lang 'yon sa google. Ito oh!" Pinakita niya yung cellphone niya. Napatawa kaming lahat dahil kay Ayla. "Ano ba yan bi? Akala ko totoong marunong ka eh." Natatawang usal ni Bianca. Nag-ring bigla yung cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Zach. Tumayo ako at nag-excuse muna sa kanila. Lumayo ako para hindi nila marinig ang usapan namin. "Hello Insan?" Pagsagot ko sa tawag niya. "Kumusta si Bianca?" Tanong niya mula sa kabilang linya. "Okay naman ba?" Nilingon ko sina Bianca na nagkekwentuhan at nagtatawanan. "Okay naman siya Insan. Kasama niya sina Ayla, wag kang mag-alala sa kaniya." Paninigurado ko. "Good." "Eh ikaw Insan? Kumusta kayo?" Pag-uusisa ko. "We're good. Nandito na kami sa address na binigay sa'min." Tumahimik siya saglit sa kabilang linya. "Call you again later. I need to hang up. Pakitignan na lang si Bianca para sa'kin." "Sige Insan! Mag-iingat kayo." "Okay! Thanks Gab." Tugon niya. Pinatay ko na yung tawag niya at binalik ko sa bulsa ko yung cellphone ko. 'Wag kang mag-alala Zach. I will not let anyone hurt her. I'll protect her! Zach's POV Pagkababa ko ng tawag ay lumabas na ko ng kotse ko. Lumabas na rin sa kani-kanilang mga kotse ang Vipers. Isa itong hideout ng Dark. Parang isang malaking warehouse na puno ng mga armadong lalaking nakabantay sa bawat sulok nito. "Kanina pa kayo iniintay ni Boss. Pasok na kayo sa loob." Sabi ng isang lalaking sumalubong sa'min. Pumasok kami sa loob at nakita naming mas marami pa palang mga tauhan ang Dark sa loob nito. Nakita na din namin ang pitong miyembro ng Dark pati na rin ang leader nila. Si Damond. "So, the Vipers are here." Tumingin si Damond sa wrist watch na suot niya. "You're 10 minutes late." Nilapitan nila kami. "Welcome to our hideout Vipers, especially you Zach!" Nakatingin lang kami sa kanila ng masama. "Oh, ba't naman ganiyan ang mga mukha niyo? You should be happy because I invited you in our hideout. Ang swerte niyo kaya." "Ulol! Swerte mo mukha mo!" Sigaw ni Dexter. "That's not a good manner, Dex. Dapat maging magalang ka dahil nasa teritoryo ka namin. Isang utos ko lang sa mga tauhan ko, patay ka." Pagbabanta ni Damond. "Kaya kong bugbugin 'yang mga tauhan mo kahit ako lang mag-isa." Pagyayabang ni Dexter. "Kapag hindi ka nanahimik, ako mismo ang bubugbog sa'yong mayabang ka." Maangas na sabad ni Ren. "Aba't!—" Susugod sana si Dexter pero pinigilan ko siya. "Shut up Dex! Kami lang muna ni Damond ang mag-uusap dito." Utos ko. Muli kong hinarap si Damond. "Wag na nating patagalin 'to. What do you want?" "Ooohhh! Masyado ka namang excited Zach. Itatanong ko pa sana kung nagustuhan mo yung regalo ko sa'yo kagabi." Nakangiti siya ng pang-asar. Kinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. "Mukhang oo. Well, sige sasabihin ko na ang gusto ko." Tumigil siya saglit bago muling nag-salita. "Gusto kong maging kami ang pinaka-kinatatakutang gang group sa bansa. At alam kong hindi mangyayari 'yon kung nabubuhay pa kayo. Kaya lang, ayoko namang patayin kayo, hindi enjoy 'yon. Kaya naisip ko na gusto ko kayong makitang nakaluhod sa harapan namin pagkatapos aanib ang Vipers sa Dark. You will work for me. 'Yon lang naman ang gusto ko. Madali lang 'di ba?" Humalakhak siya. "Ganyan na ba kayo kadesperado na matalo kami? Palibhasa hindi niyo kami magawang matalo sa mga laban natin. Nakakaawa kayo." Mariin kong tugon. "Hindi ko gagawin ang sinasabi mo. Hindi kami luluhod sa harapan ng mga talunan na kagaya niyo. Over my dead body." Nag-smirk siya. "Your dead body? Hmm? Parang mas gusto ko ang, your GIRLFRIEND's dead body." Nahigit ko ang kwelyo niya. "Don't you f*cking hurt her!!" Susugod sana sina Clark nang pigilan sila ni Damond. "Labas siya rito Damond. 'Wag mo siyang idamay!" Bulyaw ko. Nakangiti lang siya ng pang-asar sa'kin. Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. "Masyado namang mainitin ang ulo mo Zach. Wala pa nga akong ginagawa sa girlfriend mo eh." Ani Damond. "Pag may nangyaring masama kay Bianca, I will f*cking kill you!!" Banta ko sa kaniya. "Go on!" Lumapit pa siya lalo sa'kin. "F*cking kill me Zach. Hindi ako takot mamatay at alam kong kayo rin. Kaya nga girlfriend mo na lang dahil alam kong siya ang kahinaan mo." Lumapit siya sa tenga ko saka bumulong. "I can kill her, whenever and wherever....I want." Lumayo siya sa'kin na may ngisi sa labi niya. "Bibigyan ko pa kayo ng konti pang panahon para pag-isipan ang sinabi ko, alam niyo na naman kung sa'n ako makikita. Kapag hindi niyo ginawa ang gusto ko, magpaalam ka na sa pinakamamahal mo." Seryosong sambit ni Damond. Mas lalo ko pang nakuyom ang mga kamay ko sa galit. Hindi! Hindi ko siya hahayaang mahawakan man lang kahit ang buhok ni Bianca. I'll do what it takes just to protect her. Even if it means, I'll hurt her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD