Chapter 11: Kiss

1953 Words

Ayla's POV Pag-labas ko ng bahay ay nagulat ako dahil may itlog na nasa labas. Nakasandal siya sa BMW niyang kotse habang nakacross-arms. May suot din siyang shades, ibinaba niya 'yon ng konti gamit ang hintuturo niya. "You're late." Maikli niyang wika. "Late? Eh ganitong oras naman talaga ako napasok dahil malapit lang naman ang school dito sa village namin." Tugon ko. "Saka, anong ginagawa mo rito?" Tinanggal niya ang suot niyang shades at ikinawit sa damit niya. "Isn't it obvious? Kinakaon kita para sabay tayong pumasok sa school." "Ha?" Lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko. "Aray!" Napahawak ako sa noo ko pagkatapos tinignan ko siya ng masama. "Hoy itlog! Bakit ka namimitik ng noo ha!?" Inis na sabi ko sa kaniya. "Ang stupid mo kasi." Ako? Stupid?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD