bc

THE LOVE UNTOLD

book_age16+
162
FOLLOW
1K
READ
sweet
heavy
like
intro-logo
Blurb

PROLOGUE

May mga pagmamahalang dumarating sa maling panahon.

May mga pusong nagkikita, nagmamahalan, pero hindi nauuwi sa habang-buhay.

At may mga taong akala mo ay sila na ang dulo ng kuwento mo—hanggang sa mapagtanto mong may ibang taong darating para ipaalala sa’yo kung paano muling magmahal.

Si Brea ay minsang naniwalang si Leon na ang lahat.

Pero matapos ang sakit, mga lihim, at mga bagay na hindi nila nasabi sa isa’t isa, kailangan niyang matutunang bitawan ang nakaraan.

Hanggang sa dumating si Elias.

Isang lalaking hindi nangakong magiging perpekto.

Nangako lang siyang mananatili.

Pero paano kung ang nakaraan ay biglang kumatok?

Paano kung ang taong minahal mo noon ay may mga lihim pang kailangang sabihin?

At paano kung sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, kailangan mong pumili—

hindi lang kung sino ang mamahalin mo,

kundi kung sino ka kapag natapos na ang lahat?

Dahil minsan, ang pinakamahirap na bahagi ng isang love story ay hindi ang magmahal.

Kundi ang malaman kung kailan ka dapat bumitaw, at kung kanino ka dapat manatili.

THE LOVE UNTOLD

Some stories are meant to be remembered.

Some are meant to be released.

And some… are meant to be loved until the very end.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Hindi ko inakala, binigay ni Bathala ang tamang oras at pagkakataon para bumalik ka sa piling ko, mahal ko. Halika’t isasayaw kita, hindi na ako mawawala. Itutuloy natin ang storyang binuo natin sa ilalim na’ng mga tala, sa gitna ng ulan at sa dulo na’ng bahaghari,” tumunog ang cellphone ni Leon habang kami’y nag-aaral ng Physics.   “Ang ganda naman ng kantang yan, Dyy.!”  papuri ko.   “Ahh, Paraiso title niyan. Bakit, ‘yan ba gusto mong kanta kapag kinasal na tayo?” pagtatanong nito.   Namula ang aking pisngi at natuwa.   “Hmm.. Sa reception na lang ‘yan. ‘Di naman ‘yan ang theme song natin e.”  sabi ko.   “Minamahal nga pala noh, ehem ehem..Tulaan na lang kita, kung hindi na ako makakita, mahahanap pa rin kita,  kung hindi na ako nakakalakad, gusto ko nasa tabi pa rin kita..”   “Ikaw ang pag-asa sa bawat umaga, ikaw ang papawi sa sakit na makikita sa aking mga mata. Galing! Dugtungan pa.”   “At ikaw ang kapeng barako na nagpapatapang sa akin sa bawat sakit at hirap na nararanasan ko sa tuwina. Ang korni ata? HAHHAHAH pero Myy, kapag nakatapos na tayo, mayaman na tayo, papakasalan kita! Kahit magkahiwalay man, magkagulo atbp. ‘di ko alam, basta ang alam ko, mananatili ka sa puso ko.” sabi niya sabay hawak sa aking mga kamay. "Iniirog kita." "Iniirog din kita" "Tara, bilisan mo na sagutan 'yan, ihahatid pa kita sa inyo. Ayokong mapagalitan ni Tita dahil ginabi ka." . . . . " Sa wakas, andito na rin ako kasama mo, pero hindi ganto ang pinangarap kong sitwasyon para saatin mahal ko" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.6K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook