BREA'S POV TANGINAAAAAAAAAAAAAAAA! Sabi ko magpapalate ako pero hindi naman super late. Takte, 5:45 na ako nagising. Dali-dali akong kumilos at naligo. "OHHH ANONG ORAS NA NAMAN, ANG SABI KO SA INYO HUWAG KAYONG MAGPUPUYAT, ANO LATE KA NA NAMAN, MABUTI NGA KAHIT NAGPUYAT ANG KAPATID MO MAAGA NAKAALIS EH IKAW? KUNG ANO ANO KASI ANG INAATUPAG!" ayan na po ang ratatat sa akin na'ng Mama. Kasalanan ko naman kasi, pero hindi naman ako totally nagpuyat. "Ma, alis na po ako, sorry po!" sambit ko sabay takbo sa gate. Ay shet. Naalala ko yo'ng regalo ko kay Leon. Dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay at kinuha ito sa kwarto. "Ano iyon? Bakit ka bumalik?" pagtatanong ni Mama habang nakapamewang pa. "Ahh, naiwan ko po yo'ng project ko," sabi ko sabay takbo papalabas. Agad akong tumakbo

