:)
Kahit saan anggulo mo tingnan Rain will always be girlfriend material. Halos lahat ng hinahanap ng isang lalaki sa isang babae'y nasa kaniya na matatagpuan. Ang gago lang talaga ni Norlan kapag pinakawalan niya ito. Ang laking Sayang!
"I hope Norlan could be like you, Matt." Malungkot niyang usal sa mahinang boses na sumisinghot singhot pa habang pinupunasan ang kaniyang ilong. She looks like my sister. So adorable.
My brows knitted. "Like what?" I asked without removing my eyes on her. Gutom na ako, ang tagal ng pagkain.
"Look at you, you're loyal and such a good guy. Sharie will be lucky to have you."
Nagkibit-balikat ako sa kaniyang sinabi. I turned my gaze at my duffel bag. I grab and open it to get some towels out there. Nanlalagkit ako dahil sa pawis. Katatapos lang kasi ng practice game namin sa kabilang school nang matanggap ko ang tawag ni Rain. Umiiyak na siya sa kabilang linya nang tumawag sa akin kanina kaya walang pagdadalawang isip na pinuntahan ko siya kaagad nang sinabi niyang hinihintay niya ako rito sa Grandiya.
Dinampot ko ang manipis na puting tuwalya sa aking bag tsaka iyon ipinunas sa aking leeg at batok bago muling tumugon sa kaniya.
"Well, being loyal and good are a matter of choice. You should tell your boyfriend to f*****g choose wisely." Napangiwi si Rain sa aking binitiwang salita. I know she's not used to hearing those kind of words.
Pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na hindi mulat sa mga ganoong salita. Mula pagkabata ay sa private Catholic school siya nag-aral na kung saan tamang disiplina at tamang pag-uugali ang kaniyang nakasanayan. Kung hindi pa dahil sa kurso niyang Fine Arts ay baka nasa kombento na siya ngayon.
Well, I haven't liked any other girl from the very start except Sharie.
Sharie is a popular girl from Architecture department, she's very talented and smart, which makes her stand out more than the average student. She smiles sweetly and talks to everyone with full enthusiasm. Medyo snob nga lang but she is also kindhearted, which is one of the things I like most about her.
Crush ko na si Sharie high school palang kami. My circle of friends knew it. But I don't have enough strength to confess my feelings towards her. Well, technically that's my weakness.
Man, hindi pa kami niyan ha. Crush ko palang siya pero loyal na ako sa kaniya. Mas lalo na siguro kung maging kami na. I'm so whipped.
"I wish Norlan could do the same." Rain murmured softly then let out a heavy sigh.
Mugto ang kaniyang mata, mapula ang kaniyang ilong at ganoon rin ang kaniyang pisngi galing sa pag-iyak.
"..." I didn't utter a word and just continued wiping my sweat. She's saying an impossible thing to happen. Mukhang mas mauuna pang pumuti ang uwak kayasa sa gusto niyang mangyari.
Good thing dahil hindi na rin naghimutok si Rain at nanatiling tahimik habang pinapakalma ang sarili. Siguro dahil nailabas niya na ang kaniyang mga gustong sabihin. Kausap lang talaga ang kailangan niya.
Minutes later our foods are served so we start eating. Sapilitan pa ang pagkain ni Rain ng kaniyang pagkain dahil matapos ang dalawang subo ay tumigil na siya at wala raw siyang gana.
"Ubusin mo 'yan." Nakaturo kong sabi sa kaniyang pagkain specifically sa paborito niyang beef steak na kanina niya pa paulit-ulit na dinuduro ng tinidor. Kung nakakapagsalita lang ang parte ng baka na iyon ay baka namura na siya.
"I'm full, Matt." She whispered softly.
Binaba niya ang kaniyang hawak na kutsara at tinidor tsaka sumandal sa kaniyang upuan habang nakatitig sa akin na panay ang subo ng pagkain.
My brows furrowed as I looked at her in disbelief. "Nakakatatlong subo ka palang, Rain." Paalala ko sa kaniya. Parang kagat lang nga ng langgam ang kaniyang nagawang kainin sa kaniyang i-norder.
"Wala na talaga akong ganang kumain." Nakanguso niyang sambit at tamad na inihimlay ang kaniyang buong bigat sa sofa na inuupuan.
I let out an exasperated sigh. Wala na akong nagawa kundi ang ipa-take out nalang ang pagkain niya sa crew.
Tss. Bahala ka na nga. Hindi naman ako ang magugutom mamaya.
Pagkatapos kong kumain ay yinaya niya muna akong mamasyal sa Aroma beach, which technically, ay sa harap lang naman ng Grandiya matatagpuan. Hindi ko na tinanong kung bakit gusto niyang mamasyal at pumayag na lamang ako sa gusto niyang mangyari.
I know she needs time to think and process her thoughts, so I let her. After all, she's a beach girl.
She loved the beach. She felt lighter when her feet touched the warm sand. The salty breeze brushed against her skin, and the steady sound of the ocean calm her mind, as if the waves could wash away the weight of her thoughts.
Mga tatlong oras ang aming itinagal sa beach. Hinayaan ko lang siyang magtampisaw sa dagat at magmunimuni. Hindi naman mahirap intindihin si Rain hindi gaya ng ibang babae dahil napakatransparent niya. Pinapakita niya talaga kung anong nararamdaman niya nang walang halong panlilinlang.
"You okay?" Tanong ko nang matapos mapatay ang makina ng aking kotse. Nasa labas na kami ng kanilang gate.
Tumango siya bilang sagot.
Hinawakan ko ang kaniyang baba gamit ang aking kanang kamay tsaka tinitigan nang maigi ang kaniyang maamong mukha.