Chapter 1
:)
"I CAN'T TAKE it anymore, Matt." Rain shed in tears again for the third time.
I let out a heavy sigh and looked at my friend, my eyes full of sympathy. Her eyes were red and swollen from crying heavily.
Inabot ko na sa kaniya ang lahat ng tissue dito sa mesa at nang magkulang pa'y pati tissue ng katabing mesa ay binigay ko na.
Kanina pa siya umiiyak, halos pagdating ko rito sa Grandiya ay namumugto na ang kaniyang mga mata. At nang makita niya ako'y tuloy tuloy na siyang umiyak nang walang humpay. Mabuti nalang at hindi gaanong matao at nasa dulong bahagi kami nitong kainan kaya kahit ngumawngaw siya ng iyak ay kakaunti lang ang makakarinig at kita sa kaniya.
"H-He doesn't like me a-anymore..." Her voice trembled. She sniffed and cried again. She looked like a child when she cried. Namumula ang magkabilang pisngi pati ilong. Nauutal sa pagsasalita at panay ang singhot. Tulo sipon pa.
I wanted to punch Norlan for making her cry. He never deserved someone like Rain in the first place.
"Tahan na. Baka naman kaibigan niya lang iyong nakita mong kasama." Pampalubag loob ko. Knowing the circle of that jerk halos hindi nauubusan ng kausap araw-araw dahil sa laki. And mostly ay babae ang mga iyon.
Baka rin kasi na-misinterpret lang din ni Rain. Hindi kasi siya halos sumasama sa circle ni Norlan dahil wala siyang tiwala sa mga ito.
Pero gusto ko sanang sabihin sa kaniyang hiwalayan niya na ang lalaking iyon dahil for almost a year na magkarelasyon silang dalawa'y mas marami pang beses na nakita ko siyang malungkot at umiiyak kaysa ang makita siyang masaya at nakangiti.
She doesn't really deserve to cry because of that asshole. Rain is a pretty, talented and smart girl. Pero ewan ba at pagdating sa Norlan na iyon ay nagiging tanga siya. Marami naman matitinong nanliligaw sa kaniya at bakit sa dinami dami nang pwedeng sagutin ay iyon pa?
Ang gago lang din talaga ng lalaking iyon para paiyakin lang siya ng ganito. Hindi naman niya kinalalake ang pagiging babaero pero bakit niya iyon ginagawa?
Like what the f**k, dude? Hawak mo na iyong babaeng pinapantsyahan ng nakakarami tapos papaiyakin mo lang? Nakakataas ba talaga iyon ng ego? Parang hindi naman. More like, nakakagago lang.
"My instinct said so. And do you know how accurate my instinct is!" She bruised again with tears. Kumuha siya ng tissue at pinunas iyon sa kaniyang mukha. Bumaba ang tingin ko doon at napabuntong hininga nang mapansing pati iyon ay paubos na.
I cleared my throat and looked around the corner. Kinuha ko ang ang tissue sa likurang bahagi tsaka linapag sa kaniyang harapan.
I don't really know why girls mostly believe their instinct rather than asking for the truth. My friend Rain is definitely like that.
According to Rain, noong isang linggo ay nakita niyang may kausap na babae si Norlan sa gate ng school. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito at may pabaong halik pa nang matapos ang usapan. At kahapon lang daw ay nakita niya ang dalawa sa Black Market na kumain na tila ba nagdidate ang mga ito.
"But you should ask Norlan first before concluding. Mamaya umiiyak ka lang pala sa wala." I'm trying not to deliver any bad words when I speak to her. Sensetive pa naman 'to and she's not fond of those words.
Her bloodshed eyes looked at me. "Sa ating dalawa alam kong mas kilala mo siya, Matt. Alam mong posibleng nambababae siya habang kami pa."
Rain is right. Posible ngang nambababae si Norlan habang sila pang dalawa. Maraming beses ko nang nasilayan ang pambababae ni Norlan — since high school— dahil kapitbahay ko lang naman siya. Hindi ko lang lubos maisip na hanggang ngayong college na kami ay gawain niya pa rin iyon. Hindi na nagbago, gago pa rin.
Napapaisip nalang din ako minsan na nasa dugo niya na talaga ang pagiging babaero.
"See. Hindi ka makasagot dahil alam mong tama ako." Ani Rain na medyo mahinahon na ngayon.
Sinandal ko ang aking likuran sa aking inuupuan. Paulit-ulit kong nilalaro ang maliit na metal na hugis parisukat kung saan nakaguhit ang numero ng aming table.
"Okay naman talaga siya. Bad influence lang iyong mga kaibigan niya." Mapait niyang komento.
Tumaas ang kilay ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Rain. Matagal niya nang hinaing ang mga kaibigan ni Norlan. Ibang iba kasi ang mga ito. They are too troublemakers.
"Then communicate your thoughts Rain. Tell him what do you want and don't." Suggestion ko.
"Ginawa ko naman pero pinagwalang bahala niya lang ako. Siguro kung papapiliin ko siya. He definitely chose his friends over me." Nasa mukha ni Rain ang pait habang binibitiwan ang kaniyang mga salita. I absentmindly pushed my tongue on the side of my cheek.