:)
"BAKIT 'YAN ANG dala mo? Bakit hindi 'yong backpack mo?" Salubong ang dalawang kilay na tanong ni Kai pagkalapit niya sa akin the next day. Iyong bag talaga ang napansin niya hindi iyong oras na hinintay ko sa kaniya. Same building lang kasi kami kaya hinintay ko na siya. Nagkayayaan na naman kasing sama samang kumain ng lunch sa canteen.
"Hindi mo ba nakuha iyong bag mo? Pinabigay ko kay Norlan ah." Aniyang nagtataka. Inabot ko ang bag niya at isinabit sa kanang balikat ko bago kami sabay na naglakad pababa.
"Nakuha ko." Mapakla kong sabi at naalala na naman iyong paghagis ni Norlan ng bag sa akin. Sa sobrang inis ko—dahil nahawakan niya— hindi ko ginamit. Iyong duffel bag ang gamit ko ngayon.
Halos magsalubong ang kilay niya. Nagtataka siguro dahil sa naging expression ko. "Bakit ganiyan mukha mo? Inaway mo no?" At ako pa talaga ang napagbintangan!
Sa bagay, lagi naman kaming mali lahat sa paningin nilang mga babae. Maslalo na kapag crush nila ang inangasan namin. Parang wala na silang nakikitang ginawa naming tama. Itapon ko kaya itong bag niya?
"He almost hit my face you know!" I said pissed. Pero kampi talaga siya doon sa crush niya. Hindi ko nga alam kung anong nakita niya doon. Halos lahat nalang ata ng babaeng kaibigan ko ay gusto siya. Alam ko pati si Jelen crush din 'yon e. Matalino raw kasi at kasama sa dean lister.
"Almost." Tumango siya. Tila ba may panghahawakang salita na pwedeng ipanglaban sa akin. "Hindi ka nga talaga tinamaan. Pagod 'yon kahapon e. Hindi nakatulog dahil sa plates nila. Nagpasalamat ka lang ba? Baka inangasan mo rin kaya ka inangasan. Ayaw mo pa naman magpatalo. Angas angas ka rin kasi."
My jaw dropped. Kaibigan ko ba talaga 'to? Siguro kapag nag-away kami ni Norlan kahit ako ang tama si Norlan pa rin ang kakampihan niya.
Naabutan namin sina Arwen at Earoll sa canteen. Nakipagbungguan ng balikat iyong dalawa at nakipag-apir. Humugot ako ng upuan para kay Kai tsaka ako kumuha ng para sa akin.
"Ako na bibili, my treat." Malawak na ngisi ni Kai tsaka tinanong kung anong gusto namin. Dahil libre marami kaming pinabili.
"Bait mo ngayon, ah. Anong meron?" Si Arwen na nakataas ang kilay matapos magtipa sa kaniyang phone. May kachat siguro dahil panay ang dutdot ng phone.
Malawak na ngumisi si Kai. "Perfect sa surprised quiz sa major subject. Exempted sa exam."
Napasipol si Earoll, proud na ngumiti si Arwen at pumalakpak ako habang seryoso ang mukha.
Hindi na ako nagulat. Alam naman naming lahat na nangunguna si Kai sa marketing class. Bukod kasi sa matalino na at sadyang maganda, kilala rin ang mga magulang niya sa business industry dito sa bayan ng San Jose. Sila iyong may-ari ng Octagon building malapit sa Save More. Nagmana sa mga magulang. Gustong maging business owner.
"Mukhang hindi masaya si Matt. Wag ko nalang kaya kayong ilibre." Nakanguso niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Liningon ako noong dalawa tsaka siniko ako. At sabay pa talaga sila! Mga hayop talaga. Basta usapang libre talaga eh!
"Ngumiti ka, dude." Sulsol ni Arwen.
"Natatae ka ba Matt at kahit pagngiti ay hindi mo kaya?" Tang inang Earoll 'to.
Ngumiti ako nang pilit dahil parang hindi na rin ako titigilan ng dalawa. "Galing mo Kai. Nakakaproud kang maging kaibigan." Puno ng sarkasmong sabi ko. Humalakhak si Kai bago tuluyang umalis para bumili ng pagkain namin.
"Bakit parang badtrip ka? Sinong umaway sa'yo? Architecture ba?" Si Earoll na hindi talaga maitikom ang bibig. Sa aming tatlo 'yan ang pinakamaingay at pinakamakapal ang mukha.
Kapwa kami napalingon ni Arwen sa kaniya. Ako na napailing at si Arwen na binawi rin kaagad ang tingin para reply-an kung sino mang kachat niya mula pa kanina.
"Ano tara? Resbakan natin? May nakaangasan rin ako don e." Si Earoll na umakbay sa akin. Mukhang nasa huwisyo makipag-away ang loko.
I pushed his shoulder away. "Gago."
Napailing siya pero hindi na rin nagpumilit pa. From me, he averted his gaze towards Arwen, who was now busy tapping on his phone's screen keyboard.
"Who are you chatting, Wen?" Earoll brows furrowed while looking at Arwen who doesn't get his eyes out of his phone.
"Wala." Arwen replied and continue typing.
"Tingin nga." Ani Earoll tsaka nakisilip sa cellphone ni Arwen. Ang kapal talaga ng mukha nito. Pati convo ng iba nakikibasa. Naging maagap naman si Arwen at mabilis na inilayo ang kaniyang phone mula rito pero nakuha pa rin iyon ni Earoll sa huli. Tss. Parang mga bata.
"Wen, you f*****g traitor!" Earoll said as he read something over Arwen's phone.
"What?" Arwen's face is calm, but a bit puzzled.