Chapter 1
“Iszla! Ano ba! Bilisan mo ngang kumilos dyan!” sigaw sa akin ng aking kapatid. Nasa kusina ako ngayon at nagpa-pack ng mga pagkain na kakaluto ko lang. Kung tinutulungan ba naman niya ako, eh, di mas mabilis akong matatapos rito! Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi ko ba alam kung bakit lagi na lang siyang nagmamadali. Siguro nga ayaw niyang tumagal dito sa isla kung saan na rin kami lumaki. In fact, hindi naman siya pupunta rito kung hindi namatay ang grandmother namin recently. She was the one who raise us matapos na mamatay ang aming mga magulang dahil nag-collapse ang building kung saan sila nagwo-work.
I was just a little girl back then. I was five and my older sister was fifteen. Our grandmother was our only relative left at nakatira siya sa isang isla. I live here while my sister studied in the city. Nagtrabaho siya roon and my grandmother provided for the both us. May maliit kasi itong souvebir shop at tumutulong ako sa paggawa at pagbebenta na rin. My sister stayed in the city kahit naka-graduate na siya ng college. Doon na rin ito nagkaasawa at mabibilang ang pagkikita at interaction namin ng kanyang asawa dahil hindi naman sila pumupunta rito.
Maybe once or twice a year and I resent her for it. I told her na hindi na maganda ang kondisyon ni Lola at saka lang ito umuwi nang mamatay na ito. She was with her husband [pero nauna na itong umalis. Since wala na akong makakasama rito, she wants me na bumalik sa pag-aaral. Nakatapos lang ako ng high school at gusto niya na mag-aral ako ng college at sinabi niya sa akin na siya mismo ang magpapa-aral sa akin.
Ayoko nong una, because I am 21 years old already. Sobrang late ko na and she insisted kung ayaw niyang kaladkarin niya ako paalis ng isla. Pumayag ako, dahil hindi sa kagustuhan niya, kundi sa kagusrtuhan ng aking Lola na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Binilin niya ito sa akin bago siya mawala and I can’t break my promise to her. Ang ayoko lang ay tumira ako sa kanilang bahay na mag-asawa. I can’t imagine seeing them together every single day!
“Iszla, ano ba?! Naririnig mo ba ko? Tara na!” sigaw ulit ng kanyang kapatid. Napabuntong hininga ako at tumingin ako sa kanya.
“Bakit ka ba nagmamadali?” tanong ko sa kanya at umikot ang kanyang mga mata sa inis.
“Dahil pag hindi tayo umalis ng maaga, hapon na tayo makakarating roon. May traffic doon, Iszla, hindi kagaya rito.” inis niyng sagot sa akin.
“Ate, kung tinutulungan mo kaya ako na mag-empake kaysa manigaw ka dyan. Alam kong nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo, pero hindi ako bobo.” inis ko na ring sabi. Natigilan naman siya tapos ay bumuntong hininga.
“Iszla, ayoko ng nag-aaway tayo. I apologize sa lahat ng nasabi ko sa’yo.” lumapit siya sa akin. “Come on, tayo na lang dalawa ang magkasama. Nawala na sa atin ang ating parents, pati na rin si Lola, ayoko na mawala ka rin. I am just worried na nag-iisa ka lang rito.” kinuha niya ang aking kamay at pinisil ito. “I know your not stupid, you’re a smart girl and you deserve na makapag-aral ulit and have a diploma. Sigurado ako na ito ang gusto ng magulang natin at ang ating lola.”
“Sorry din, ate… Nasanay na kasi ako dito sa isla. Going to the city would be new for me lalo na at titira pa ako sa inyo. Okay lang ba talaga sa asawa mo?”
“Yes, nag-usap na kami. Nakahanda na rin ang magiging kawarto mo roon. Wala ka ng ibang aalahanin pa. I will also give you an allowance para sa pag-aaral. Pero kailangan mo munang makapasa sa entrance exam.”
“Paano pag hindi ako nakapasa?” tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Well, you should try. You need to be serious about this.” tumango ako. “Halika na, at kanina pa naghihintay ang bangka sa atin.” kinuha na niya sa akin ang hawak ko at lumakad na kami. Binigay ko sa aking matalik na kaibigan ang susi ng bahay at pati na rin ang nmaliit na souvenir shop. Siya muna ang magbebenta roon habang wala ako. Hinatid niya pa nga ako sa bangka at hindi namin naiwasan na mag-iyakan. Nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na rin ako sa bangka.
Half and hour ang travel namin papunta sa bayan. Nang makarating kami roon, maingay at abala ang mga tao lahat ng naroon. Nakasabit sa aking balikat ang isang malaking tote bag at hila ko ang isa ring malaking carrier na naglalaman ng aking mga gamit. Sumakay agad kami sa bus sa terminal at napabuntong hininga ako nang makaupo na kami. Ilang oras din ang biyahe namin papaunta sa lungsod kaya naman maaga kaming umalis.
Habang nasa daan kami, hindi ko maiwasan na kabahan. Bukod sa magkikita ulit kami ng ama ng akong kapatid, makakasama ko na rin siya sa sa iisang bahay. Okay naman ang relasyon namin ng brother-in-law ko, hindi lang kami gaanong nag-uusap. Mayaman ang lalake at isa itong sikat na fiction novel writer. Ang sabi ng kapatid ko, bestselling lahat daw ng kanyang books and his romantic suspense series are the most popular right now. Wala pa akong nababasa na gawa niya dahil hindi rin naman ako mahilig na magbasa.
Actually, I am always awkward around him. Lagi akong nag-iingat sa lahat ng mga kilos ko at baka may masabi ito na hindi maganda. Ayoko rin naman kasi na mapahiya ang sarili ko sa harapan niya. Minsan, umiiwas na rin ako sa kanya. He’s rich at iba ang upbringing niya. Pag pumupunta sila sa isla ng aking kapatid, lagi na lang akong kinakabahan at natatakot na rin. Actually, may iba pang dahilan kung bakit iwas ako sa kanya, but I am trying my best to be civil around him dahil asawa siya ng ate ko. So, habang nakatira ako sa kanila, I need to face my fears at mging kalmado sa harapan niya.
Siguro pwede akong kumuha ng partime job at pag nakaipon na, lilipat na lang ako. May iniwan naman na persa sa akin si Lola at pati na rin ilang alahas niya. Binilin niya ito na huwag sabihin sa aking kapatid. Pati bahay niya at souvenir shop sa akin niya binigay na pinagtataka ko. Dahil ba hindi naman kasama lagi si ate? Siguro gano’n na nga dahil ako ang nag-stay sa isla at nag-alaga sa kanya. Bahagya akong nakatulog sa biyahe at saktong nagising ako, nakarating na kami sa lungsod.
Kumuha ng masasakyan ang kapatid ko at tumungo na kami sa kanilang bahay. It’s not a house but a big apartment na sakop ang isang buong floor ng buong building na nasa taas nito. Nakapunta na kami roon ni Lola nang makasal sila. Nag-stay kami roon ng apat na araw para sa paghanada at mismong kasal nila.
At first, hindi ako makapaniwala that my sister was living in luxury, pero na-realize ko na mayaman pala ang kanyang asawa. Maging ang kapatid ko ay head manager na rin sa isang kumpanya and she is expecting na mapo-promote pa siya in higher position. Natutuwa naman ako sa kanyang achievements. Ang ayoko lang ay gusto niyang na maging katulad ko siya.
Natigilan ako nang pinagbuksan kami ng kanyang asawa, the ever gorgeous, fine-looking man, Callen Volkersen. The 35 year old successful writer na walang naranasan na hirap sa buhay. Ang asawa ng kapatid ko na balngko ang mukha at nakatitig sa akin ngayon. Bahagya akong nagtago sa likod ng aking kapatid at mahina ko siyang binati.
“You’re late and I am very hungry.” he grumbled at nilawakan niya ang bukas ng pinto. Tinulungan niya kami sa aming mga dalang bags na nilagay namin sa tabi. Kinuha ko ang eco bag na naglalaman ng pagkain at sumunod ako sa akiong kapatid sa malawak na kusina. Nilagay ko ang bag sa lamesa at isa-isa kong nilabas ang mga naka-tupperware na pagkain na niluto ko ng maagang-maaga.
“Well, pinagluto ka ng ,mga pagkain ni Iszla kaya kumain ka na hanggang sa magsawa ka.” sagot ni ate. Umupo ito sa harap ng mesa at kumuha naman ng aking kapatid ng kanyang pagkakainan. “Ayan, ah, dinala ko na siya rito, para hindi ka na mamroblema pa sa kasama mo sa bahay.” binalingan niya ako. “Iszla, Callen, siya ang magiging tutor mo para matulungan ka niya sa entrance exam.”
“Ha? Tutor?!” gulat kong sabi at tumango siya.
“Habang tinuturuan ka niya at nakatira rito, bilang kapalit, magtatrabaho ka rito sa bahay. He needs smeone to celan the house, magluto ng pagkain niya at mag-alaga sa kanya.” napaawang ang aking labi at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinasabi. Eh, anong silbi niya bilang asawa? “I know it’s confusing, but I got my promotion already. I am needed in a different branch at doon na ako magtarabaho ngayon. You will stay here, with him.” napatingin ako kay Callen na magana ng kumakain at napansin ko ang subtle niyang pagngisi. WHAAAAATTTT??!!