Nagmamadaling naglalakad si Valeria Hughes papunta sa kwarto ng kanyang asawa. Kanina pa siya pinipigilang ng isang staff ng bahay pero hindi niya ito pinansin at hindi siya nagpapigil kailangan niyang makausap ang kanyang asawa kung bakit ginagawa niya ito! “Madam, sinabihan po ako ni Sir na walang iistorbo sa kanya.” panic na sabi ng kasamabahay. Tumigil siya sa paglalakad at matalim niya itong tiningnan. Napaatras naman ito at yumuko. “Wala akong pakialam! Asawa niya ako! Kung ayaw mong matanggal sa trabaho mo, get out of my face right now!” sigaw niya rito. Nagmamadali naman itong lumakad paalis. She huffed in frustration at tinuloy niya ang kanyang paglalakad. Agad niyang binuksan ang pinto at nakita niya ang kanyang asawa sa balcony drinking his morninhg coffee. Mabilis niya itong

