Habang nasa university ako, nag-search ako kung anong pwedeng iregalo kay Callen. Hindi naman pwede na puntahan ko siya sa hotel na wala akong dala. Medyo nakakahiya kaya ‘yon. Mabuti at konti lang ang classes ko ngayon, nagpaalam naman ako sa club na kailangan kong umalis ng maaga. Tutal, nagawa ko na rin naman lahat ng parte ko. Tinukso pa nga ako ni Jeo, pero sinaway siya ng aming president dahil hindi pa nito natatapos ang task niya. Nang makapagpaalam na ako, umalis na ako at pumunta sa isang floral shop. Wala akong sundo ngayon, nasa hotel na si Callen habang busy din naman sina Kyren at Jesiah. So, nag-decide na lang ako na mag-MRT na pumunta roon dahil may kalayuan din. Tumingin ako ng mga flowers habang nasa floral shop ako at namangha nang makita ang isang display na pink bunny

