Napakuyom ako ng aking mga kamay at marahas kong tinanggal ang aking mask at surgical cap. I was all washed up nang lumabas ako ng operating room. Nagkaroon ako ng isang emergency surgery dahil sa kapabayaan ng isang resident na naka-duty sa ER. There was so much blood, and we almost lost the patient, who is so young and an athlete. Mabuti na lang at naagapan ko, and the teen will be okay. Pero hindi ko palalagpasin ang kapabayaan ng resident na ‘yon. How dare he?! Isisisi niya pa talaga sa mga nurses na naroon. Kung hindi sinabi ng charge nurse ang tungkol sa sitwasyon, baka namatay na ang bata! Mabilis akong lumakad papunta sa locker room. Agad akong naligo at pinalitan ang aking scrubs which was sweaty. Nang lumabas ako, pumunta ako sa ER, which was unusually busy today. Nakarinig ako

