I was giddy and jumping around in my room dahil sa excitement ko ngayong gabi. Niyaya ako ni Jesiah na manood ng movie kaninang umaga at agad akong pumayag. First time ko rin kasing pumunta sa isang sinehan, at base sa nakikita ko sa palabas sa TV, parang magandang experience ito lalo na pag nakakatakot ang palabas. Syempre kakapit ako sa malalaking braso ni Jesiah sa tuwing matatakot ako! Napa-giggle ako sa isipin na ‘yon at sinuot ko ang napili kong off-white dress na may print na maliliit na butterflies. Hindi na ako naglagay ng makeup at nilugay ko ang aking mahabang buhok. Pagbaba ko sa living room, hinihintay na ako ni Jesiah. He was wearing casual clothes, a plain t-shirt, pants at may cap siya sa kanyang ulo. Callen was there too at maging si Kyren na rin na naka-pout dahil hindi

