Nag-check-out kami ng maaga sa hotel kinabukasan. Pinagmamadali kami ni Callen dahil ayaw niya raw na harapin si Foneas matapos ang mga nangyari kagabi. Ako nga rin ayoko siyang makaharap after ng mga sinabi niya na parang pinalalayo niya talaga ako kay Callen. Dahil sa natamo kong injury sa paa, inalalayan nila ako sa aking paglakad. Hindi naman na gaano itong masakit at nag-less na rin ang pamamaga nito. Sayang din ang ilang araw na pag-stay namin rito dahil hindi ko man lang ito na-explore. Pero hindi naging maganda ang ilang experience ko rito kaya mas mabuting umuwi na kami. Pagkarating namin sa apartment, binuhat agad ako ni Callen at dinala niya ako sa living room at pinaupo sa sofa. Kahit sabihin ko na kaya ko na, hindi pa rin siya nagpapigil. Okay lang naman sa akin, but I don’t

