Late na kaming nagising kinabukasan. Since nailigpit na naman namin ang karamihan sa aming mga gamit, pinasok nalang namin ang iba sa RV. Nilinis din namin ang campsite, and so far sa one-week stay namin rito, wala man lang istorbo, which was really good. Hindi ako excited na bumalik sa maingay at ma-polluted na city. It’s just so peaceful here at parang wala kaming inaalala. But I need to adjust myself dahil panibagong semester na naman ang aking haharapin. Malulungkot ako dahil baka malimit ko na namang makita si Jesiah. Abala na naman sina Kyren sa kanyang bar at si Callen sa kanyang pagsusulat. Babalik na naman siya sa puyat at stress niyang self at lagi akong nadadamay. I was still worn out, kaya habang nasa daan kami, nakatulog ulit ako. What we did last night was amazing! Hindi ko

