Pasimple kong tiningnan si Callen habang nakaupo ito sa isang side ng Ferris wheel cart kung saan nakasakay na kami ngayon. I gave him space dahil ramdam ko ang kanyang galit kahit nakalayo na kami sa restaurant. I am disappointed too dahil nasira ang date namin dahil lang sa pagsulpot ng kanyang boss. Sana naman kahit konting respeto lang. Why does he have to say things like that? Ang Fineas na ‘yon ang arrogant at hindi si Callen. Mabuti na lang at napigilan ko siya kanina at baka matuluyan niya ang sarili niyang boss. Ang sabi nito na kilala na niya si Callen mula pa noong bata pa ito. He knows his brother too. Come to think of it, naaalala ko na binaggit niya ang kanyang pamilya nang dinalaw namin ang kanyang ina. It must be really hard for him, lalo na at anak siya ng kanyang ama sa

