Nakahain na ang pagkain sa mahabang mesa sa veranda. Limang putahe na iba’t ibang ulam ang nakahain at ilang mangkok ng prutas sa gilid. Magkakatabi sila sa mesa si Omar at Shiela sa isang panig, magkahawak pa ng kamay si Lander naman ay nasa dulo, tahimik at nagbubuhos ng tubig sa baso. Katabi niya si April, na halatang tuwang-tuwa sa sarili. Sa kabilang dulo, si Manang Corazon at ang mga kasambahay, nakangiti lang habang pinagmamasdan ang pamilya. “Manalangin muna tayo, pasalamat sa Ama,” wika ni Manang. Biglang nagsalita si April. “Ako na po ang magli-lead ng prayer.” Napatingin si Lander kay Shiela. Alam niyang iyon na naman pagkakataon na naman ni Shiela na mainis kay April. Ngunit himala, tahimik lang ang manugang niya. Nakatitig lang sa plato, tila malalim ang iniisip. Bigl

