BUTI hindi kana naiinis kay April, iha? Napangiti lang si Shiela sa tanong ni Manang Corazon. Napalingon siya kay April na sobrang daldal dinaig pa siya. Naka-short ito ng maiksi rin katulad niya at damit nitong maiksi. Slim si April hindi katulad niyang medyo malaman. Hindi siya magseselos kay April kung alam lang nito kung paano mabaliw sa kanya si Lander kagabi tiyak mangingisay sa inggit ang bruha. “Mabait na po kasi ako yaya.” Ngiti niyang sagot. Napataas lang ang kilay ng mayordoma hindi kumbisido sa sagot niya. “Kaybilis mo naman maging mabait kung gayon.” Kumibit balikat lamang siya sabay tingin muli kay Lander. Busy ito sa pag-aayos ng mga alambre. Pinapatanggal niya at pader ang ipapalit. “Good morning, señorito Omar.” Bati ng mga kasambahay. Napatingin si Shiela sa a

