What do you think you’re doing? Salubong ang kilay ni Lander habang nakatingin sa dalaga. ‘Yon na lang ang kaya niyang gawin ang mag-galit-galitan upang maikubli ang init na nabubuhay sa ilalim ng boxer niya. “Wala. Bakit masama na ba ngayon ang mag hi?” Tumalikod na lang siya at baka hindi siya makapagtimpi. Aahon sana siya nang hawakan siya ni Shiela sa braso. “Don’t touch me, woman!” mariin nitong turan. “Arte mo naman. Pero kapag si April ay tuwang-tuwa ka pag sa akin ayaw mong hinahawakan kita?” “Iba si April kaysa sa ‘yo. May respeto siya sa sarili, may delikadisa at—” Nagulat si Lander nang yakapin siya ni Shiela. Parang sinilaban ang katawan niya nang dumikit ang d3d3 nito. “Gusto mo ba ang babaeng ‘yon?” seryosong tanong ni Shiela. Tiningnan niya ito sa mata, nabasa

