BUTI pa ‘yong patay araw-araw may bulaklak. Samantalang ako ginawa na lahat-lahat hindi pa rin nabebembang. Rinig ni Lander ang paghihimutok ng manugang niya. Hindi nga siya mapakali mula pa kaninang umaga. Maaga siyang bumangon, dala pa rin ang bigat ng panaginip kagabi—isang panaginip na ayaw niyang balikan pero hindi rin niya maiwasang isipin. Kaya ayun siya ngayon, nasa kuwadra, pinapaliguan ang paborito niyang kabayo na si Azul, hoping the cold water would wash off more than just dirt. Naroon ang dalaga sa duyan at naghihimutok habang si Omar naman ay busy sa alaga nitong manok. “Manang?” tawag niya sa isang kasambahay nagwawalis sa gilid. “Po, sir?” “’Yong... sinabi ni Shiela. ‘b*****g’ ba ‘yon? Ano ibig sabihin nun?” Tumigil sa pagwalis si Manang at tiningnan siya, may hal

