"Ipaliwanag mo nga ang ibig mong sabihin. May date kayo pero hindi natuloy?"
Kinuwento ko sa kanila ng buod yung nangyari. Mula sa moment na nagkita kami sa lobby ng floor namin hanggang sa ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Hanggang sa nakatulog ako sa kotse niya.
Sandaling natulala sa harap ko yung dalawa pagkaraan.
"Okay ka na ba?" tanong ni Em.
"Okay na ko," sagot ko agad. Napangiti ako kay Em.
"Syempre okay na siya. Ihatid ba naman ni Heaven dito eh," kibit balikat ni Bea.
"Nahihiya pa rin ako sa nagawa ko. Nakatulog ako sa kotse niya at ang tagal din nun." nakasimangot na sabi ko.
"Okay lang yun. I was glad na hindi niya tinake advantage yung moment na yun," ani Bea.
Natigilan ako, "Heaven is not like that. Mabait siya."
"Of course mabait siya, gusto mo siya eh," mataray na sagot ni Bea.
Natahimik naman ako.
"He's making his moves na. Nagiging mas weird na ang nagaganap," sabi ni Bea habang sa ibang direksyon nakatingin.
"Alam mo masyado kang nega," wika ni Em. Humila na silang dalawa ng tig-isang upuan at naupo sa harap ko.
"Hindi naman ako nega. Nako-curious nga ako kung bakit," si Bea.
"Bakit?" nakakunot kong tanong.
"Bakit gusto kang i-date nung Heaven," tumitig sa akin si Bea. "Don't get me wrong. Pero ang sabi mo kasi popular guys sila sa building niyo and magaganda ang idinedate nila. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ka maganda. Pero...."
"Alam ko na," sansala ko sa sinasabi ni Bea.
Of course i know na hindi ako kalevel ng mga idini-date nina Heaven. They are well known at syempre ang idini-date nila ay yung mag may 'say' din naman sa buhay. Ano ba naman ako?
Isang wide-eyed girl na kung manamit ay parang manang. May bangs na tulad ng kay Dora at walang poise sa sarili.
Nagegets ko ang point ni Bea. And kahit ako ay nagtataka sa nangyayari.
"Pwede mo bang ipakilala sa amin ang Heaven na yan?" mahinahong wika ni Em.
"Kailangan ba?" nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim.
"We are worried Leia," si Em.
Tumingin ako sa kanilang dalawa.
I know they are being paranoid about this. Ito ang unang beses. Nagiging paranoid na rin ako at dapat na akong huminto.
"It's okay," pinilit kong ngumiti sa dalawa. "Naiintindihan ko kung bakit kayo ganyan. Don't worry. Hanggang dito na lang."
"Leia, we're not saying na it's a bad thing to get close to him," wika ni Em.
"But we're worried you'll get too attached to him," si Bea. Bumuntung hininga siya. "Kilala ka namin. Naaalala mo ba yung bumili tayo ng chitzhu na aso. Hindi mo yun gusto nung una pero dahil ikaw ang mas madalas na maiwang magbantay sa kanya kaya naging sobrang love mo siya."
Napasimangot ako ng maalala ang bagay na iyon.
"Eventually namatay din yung aso at napakatagal bago mo yun natanggap," umiling iling si Bea. "Aso pa lang yun Leia. What if, si Heaven na?"
"Wow! Tama bang i-compare sa aso si Heaven?!" sarcastic na wika ni Em.
Hindi ko napigilan ang tawa ko.
"I mean. If yang Heaven na yan ay up to no good. He's no good for our bunso," mataray na wika ni Bea. "Our Leiana deserves a true pure love. Hindi natin yan inalagaan na para lang maloko."
"Para kayong mga magulang ko ah," natatawa kong wika.
"We are a family here Leia," tango ni Em.
Tumango ako, "Yah. I know. I'm sorry friends. Pinag-alala ko kayo. Promise hindi na mauulit."
"Talaga!" paniniguro ni Bea.
Then biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at sinipat kung sinong tumatawag.
It was an unregistered number.
"Sino yan?" Tanong ni Em.
"I don't know," tapos naalala ko ang sinabi ni Heaven na tatawag siya. "Baka si Heaven."
"You give him your number?" bulalas ni Bea.
Tumango ako, "Oo. Hiningi niya kasi."
"Don't answer it!" biglang tili ni Bea.
"Why?" si Em. "Bakit?" Ako. Sabay kasi kaming nagreact.
"Just don't answer it agad," napangiti si Bea. "We'll have to test if he really is serious about dating Leia." Tingin ni Bea kay Em.
"Test?!" In-koro na naman kami ni Em.
"Yup," matiim akong tinitigan pagkaraan ni Bea. "Listen to me. If you want him for real dapat get him for real. As in real serious. Kapag naging easy ka sa kanya. Madali ka lang din niyang bibitiwan. Pahirapan mo muna siya. You cannot change him for sure but you can make him fall in love to you for real."
Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat, "I-I can't do that!"
"You can. I'm sure. I'll tell you what to do." ngumiti si Bea.
Nagpalitan kami ng tingin ni Em. Napailing ito. I know Bea won't let me pass through this issue. And i think...
Making Heaven fall in love for real was a very impossible idea. Pero hindi na lang ako nakipagtalo kay Bea. Alam ko naman na yung mabuti pa rin ang gusto nila para sa akin at alam ko din kung anong mabuti sa akin.
I like Heaven so much but that was that. Ang umasa para sa katulad niya ay hindi madaling gawin. Ang maghintay ay hindi din madali. Pero alam ko kung hanggang saan lang ako.
But I still like him at hindi ko makakailang natutuwa ako sa nangyayari.
He finally noticed me. For whatever reasons ang mahalaga sa akin ay napansin ako ni Heaven.
Pero parang mali pa rin....
Haist!
Ayoko rin namang masanay sa mga bagay na mawawala din balang araw.
Bahala na.
Katulad ng sinabi ni Bea. Hindi ko sinagot ang tawag. Nakailang tawag pa nga ito. Hindi ko rin naman sasagutin dahil hindi pa ito nagpapakilala. Hanggang sa nakatulugan ko na ng tuluyan ang ideya tungkol kay Heaven.