Chapter 9

1010 Words
Take out "Miss Fuentes?" Agad akong sinalubong ni Manong guard pagkadating ko sa building namin. Ngumiti agad ako. "Miss, hindi po kayo nakapasok kahapon?" Nag-aalalang wika nito. Natouched naman ako kay Manong. "Opo. Nagsick leave po ako kahapon. Hindi ko po kinaya eh," nakangiting wika ko. "Naku, hija. Dapat hindi mo pinupwersa ang sarili mo kapag ganung may sakit ka na. Baka mapaano ka pa." "Okay lang po. Malakas pa rin naman po ako kahit payatot." Dumeretso ako sa department namin after at katulad ng dati ay nauna ako. Naupo agad ako sa pwesto at nagstretch ng katawan para mag start sa work. Parang wala lang nangyari. Natigilan lang ako ng mapansin ang isang sticky note na nasa gilid ng mesa ko. May nakasulat na 'For You' Napakunot noo ako ng sobra. "May nag-iwan niyan para sa'yo kahapon." Nagulat ako ng may magsalita sa tabi. Nalingunan ko agad si Tina. Kadarating lang din. "Para sa akin?" nagtataka kong tanong. "Coffee yan kaya lang nilanggam na kaya itinapon ko na," kibit balikat niya. "Coffee? Kanino galing?" "Ewan." Lalo naman akong napakunot noo. Tumingin siya sa akin, "Nagkakasakit ka pala?" Napaarko ang kilay ko, "Hah?" "Akala ko hindi nagkakasakit ang mga cartoon character." Ngumiti na lang ako. I get it. "Namiss mo si Dora?" "Nakakamiss din pala," walang emosyong aniya saka naupo. Natuwa na lang ako sa sarili ko. At dahil wala ako kahapon, tambak ang trabaho ko. Pero may something awkward sa office namin ngayon. May napi-feel ako pero hindi ko mapin-point kung ano. "Wala ka pala kahapon?" wika ni Boss Louie habang naglalakad kami sa corridor. Isa ito sa matataas na executive ng kumpanya. Papunta kami sa isang meeting at ewan ko ba kung bakit ako na naman ang isinama ni Boss Louie at wala na naman ang secretary niya. Nagresign na ata yun. "Nag-sick leave po ako," bahadyang nanlake ang mga mata ko ng makita na may mga taong nakatayo sa tapat ng elevator. Hindi ko kailangang mag-isip ng matagal. Sina Heaven at Ysmael iyon. They are very recognisable kahit malayo. Napalunok ako. Nauuna sa akin si Boss Louie kaya hindi nito nakikita na kinakabahan na ako. "I heard," huminto kami sa tabi nina Heaven. Si Ysmael ang unang napalingon sa amin. Pinasadahan niya ako ng tingin then bahadyang napangiti. "Good morning Sir Louie," masiglang bati ni Ysmael kay Boss Louie. Napalingon na rin si Heaven. Blanko ang mukha niyang tumingin kay Boss Louie pero ng makita ako ay medyo nabigla. Umiwas ako ng tingin. "Good morning, Sir," boses ni Heaven. "Good morning," matipid na sagot ni Boss Louie sa dalawa. Ganun siya katipid sa salita. Medyo terror talaga ito dahil isa sa senior ng kumpanya. Huminga ako ng malalim. Bumukas ang pinto ng elevator at naunang pumasok si Boss Louie. Sumunod ako kasunod sina Heaven at Ysmael. Tumayo si Boss Louie sa bandang harap, ako naman ay nasa bandang likod nito at umusog sa gilid ng lift. Si Ysmael ang nagpindot ng floor habang si Heaven ay nasa kabilang gilid at katapatan ko. I feel awkward. Sobra. Nahihiya ako na kinakabahan sa ewan. "Anong floor Sir Louie?" boses ni Ysmael. "15th kami." "Okay." Pinindot ni Ysmael ang control buttons. Nakita ko na ibang floor naman ang kanila. Nagpasalamat ako na ganun. Nagbaba na lamang ako ng tingin at mahigpit na napayakap sa mga folders na hawak ko. "Miss Fuentes?" Gulat akong nag-angat ng tingin, "Nadala mo ba yung mga documents na pinaprepare ko?" Bahadya akong nilingon ni Boss Louie. "Opo," nakatangong sagot ko. "They'll be asking for the suppliers. Nakapag-follow up ka ba?" "Natawagan ko na po, Sir. Okay na po," mabilis kong sagot. Tuluyan na akong nilingon ni Boss Louie then ngumiti siya. "You sure nagkasakit ka? Mukhang mas marami ka pang natapos na trabaho kesa sa iba." "Ah... maaga po akong dumating," nadama ko yung pagtingin sa akin nina Ysmael. Whats wrong with me? "You have a very dedicated employee Sir Louie," ani Ysmael. Napatingin ako dito at nakita na nakangiti na rin ito. "Tama. A very promising one," bumukas ang lift at nagpaalam na sina Ysmael bago lumabas. Pinilit ko na hindi mapatingin kay Heaven that time kahit mahirap. Saktong lunch time nang makabalik ako sa department namin. Naabutan ko pa nga si Tina na naroon. "Hindi ka ba magla-lunch?" tanong nito sa akin. "Bibili ako sa cafeteria tapos dito na ko kakain? Ikaw? May ipapabili ka ba?" kinuha ko ang aking bag at hinanap ang wallet. "Sandwich na lang," aniya. Sandali lang at nasa cafeteria na ako. Kapag oras ng lunch namin ang karamihan ay naroon kaya walang naiiwang bakanteng mesa kaya ever since ay sa office na ako kumakain. Nagbabaon ako pero ngayon hindi ako nakapag-handa kaya no choice na pumunta ako sa cafeteria. Deretso lang ako sa may counter para bumili. Hindi ko pinapansin iyong mga nakasunod na mata sa akin since sanay na rin ako sa kanila. Bumili ako ng dalawang sandwich para tig isa kami ni Tina, bottled water at pack lunch. Pork sisig ang napili kong ulam, favorite ko kasi yun. Magaling si Em magluto nito and every may salo salo kami sa apartment ito ang requested ulam s***h pulutan ko. "Hi, Heaven!" Biglang naagaw ng boses na iyon ang pansin ko. Napalingon ako partikular sa direksyon ng entrance ng cafeteria and lo! Ayun sina Heaven, Ysmael at Lawrence na paparating. Binabati sila ng mga nasasalubong at mula sa nadadaanang mga mesa. Ganun sila kapopular. Parang sa school lang, mga school hearthrobs. Suminghap ako. Ang gwapo talaga. Tsk. Nag-iwas na ako ng tingin. "Wala ka pala kahapon, Leia?" wika sa akin ng matandang tindera na nasa loob ng counter. Inabot nito sa akin ng binili ko. "Oo nga po. Namiss nyo po ba ko?" ngumiti ako. "Oo naman, hija," natatawang wika ni Manang. "Magkano po?" dumukot na ako ng bill sa wallet ko. "Ninety lang lahat." Inabot ko ang isandaang bill. Nang masuklian ng tama at makapagpasalamat ay agad akong tumalikod paalis. Mabilis akong humakbang palabas ng lugar. Nilagpasan at hindi ko nga nabalingan ng tingin sina Heaven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD