Chapter 10

1169 Words
Mabilis akong humakbang palabas ng lugar. Nilagpasan at hindi ko nga nabalingan ng tingin sina Heaven. Ewan ko. Simula ng kausapin niya ako parang nagiging awkward na sa akin ang makita sila ng malapitan. Dati naman ay gusto ko siyang tinitignan pero ngayon kinakabahan na ako. Mabuti pa noong hindi pa niya ako kilala. Malaya ko siyang namamasdan hindi tulad ngayon. Bumuntung hininga ako ng marating ang elevator. Agad din iyong nagbukas pero nang magsasara na iyon ay biglang may pumigil at pumasok. Napatayo ako ng deretso ng magsalubong ang mga tingin namin. Kumabog ang dibdib ko ng mabilis. Kumalas siya ng tingin at tahimik na tumayo sa tabi ko. WTH? Bakit siya nandito? Nakababa lamang ang tingin ko at mahigpit na nakahawak sa bitbit. I was confused and nervous to hell. Katabi ko kasi si Heaven at kakaiba ang aura niya ngayon. Its creepy. Bumukas yung lift sa sadya naming floor at nauna akong lumabas. Ikatlong hakbang ay pinigilan na ako sa braso ni Heaven at hinila pahinto. "Leiana?" madiin ang pagkakabitaw niya ng pangalan ko. Napatingin ako sa mukha niya at nagtama ang aming mga mata. Umigting ang mga panga niya at matiim ang titig sa akin. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Bahadyang napaawang ang labi ko pero hindi agad ako nakasagot. Nag-init din agad ang magkabila kong pisngi. "I kept calling you that night at kahapon. Anong nangyari?" Biglang may sumibat na guilt sa dibdib ko. Sabi kasi ni Bea wag kong sagutin ang tawag niya. So i did. Suminghap ako ng malalim at napakurap, "I-I'm sorry." Nagsalubong ang mga kilay niya. Muli akong suminghap, "Hi-hindi ko alam na ikaw yung tumatawag." "The hell!" piksi niya at binitiwan ang braso ko. "Dapat ba nagtext muna ako para sabihing ako yung tumatawag and that you should answer?" "Nakatulog na rin kasi ako --." "Buong araw ka bang natulog lang? Hell. Pero nagawa mong makapag paalam na magsick leave kahapon tapos yung tawag ko hindi mo sinasagot," lalong nagdilim ang anyo niya. "Sorry," lumunok ako. "Ba-bakit ka ba tumatawag?" He hissed again. Pailalim niya akong tinignan na parang may nasabi akong mali. "Dapat ba talaga itanong mo kung bakiit? Nasabi ko na yun di ba?" parang pinipigilan na lang niyang mapamura. Why is he mad anyway? "I was worried about you the whole day yesterday. Was that an explanation for you?" "I'm okay now." "But I'm not," mabigat siyang napabuga ng hangin. "You ignored my calls and now you are totally ignoring me here. Bakit? May nagawa ba akong mali o may nasabi akong nakasakit sa 'yo? Why are you ignoring me?" Nangatog ang tuhod ko in instance. I don't know what to say. "We'll talk seriously," umatras siya. "Wag mong balaking tumakas mamaya. Pupuntahan kita. You have to pay me later." Agad siyang tumalikod at lumapit sa elevator. Natulala pa ako ng ilang sandali kahit nawala na siya sa paningin ko. Nang bumalik ako sa department namin ay nakita ko agad ang pagtataka sa mukha ni Tina. "You okay? Mukhang namumutla ka na naman," aniya. Napalunok ako at mahinang umiling, "Wa-wala." "Bakit? Nagkita ba kayo ni Heaven?" Gulat akong napalingon sa kanya. "Nanggaling siya rito. After mong umalis kanina. Bakit ka daw niya hinahanap?" Hindi nakatingin sa akin si Tina habang nagsasalita kaya hindi nito nakita ang pagrehistro ng kaba sa mukha ko. "Ma--may utang kasi ako sa kanya," papahinang boses na ani ko. Nilingon niya ako, "Malaki siguro ang utang mo. Galit na galit kasi siya kanina." Napa-what na lang ako sa labi pero wala na akong boses. Parang ayaw ko na tuloy na dumating ang uwian. Kinakabahan na ako na makita si Heaven. Ito ang unang beses na inayawan ko siya na makita. Takte! Nang isa-isang nagsi-alisan ang mga ka-office ko ay naghanda na rin ako sa pag-alis. Balak ko na takasan si Heaven kaya lang wala namang maso-solve pag ganun ang ginawa ko kaya ginawa ko lang ang usual kong gawain at ng bumalik ako sa area matapos magtapon ng basura ay naabutan ko na agad si Heaven na nakatayo sa tapat ng mesa ko. Agad itong lumingon ng dumating ako. I gulped. Bumuntung hininga siya, "You ready?" Tumango na lamang ako. Ibinalik ko sa pwesto yung trash bin. Lumapit sa gamit ko at saglit na nagdisinfect ng mga kamay. Kinuha ko ang aking bag at tumingin sa kanya. Tumango siya at nauna na sa paglabas. Nakasunod na lamang ako. Nang papalabas na kami ay nasalubong pa namin si Manong guard. Naka-casual na damit pa ito at papasok pa lang sa duty. Nilagpasan pagkatapos batiin nito si Heaven pero huminto ng masalubong ako, "Miss Fuentes buti naabutan kita." Napahinto ako sa paglalakad, "Bakit po?" "Eto, oh," may inabot itong plastic bag sa akin at nang silipin ko ay nakita kong saging ang laman niyon, "Para sa'yo." "Naku! Wag na po," mabilis kong iling. "Kunin mo na. May dumating kasi akong kamag-anak galing probinsya at marami syang dalang ganto. Sayang naman kaya naaalala kitang bigyan. Masustansya naman ito at para hindi maging sakitin," nakangiting anito. "Nakakahiya naman po." Wala na akong nagawa ng ipahawak nito sa akin ang bag. "Hindi ka nagdalawang isip na ibigay sa akin ang gamot mo nung nakaraang araw kaya ikaw naman ang nagkasakit. Kunin mo na yan para pasalamat ko." "Wala naman pong anuman yun, manong." "Sige na. Sa susunod ay ibang prutas naman ang dadalhin ko. Ingat ka pauwi." "Okay po. Thank you po," nakangiting tango ko at minasdan paalis si Manong. Nagulat pa ako ng pagpihit ko ay nasa harap ko na si Heaven. "Tara na," malamig na wika nito. Kinuha niya yung plastic mula sa akin at nagpatiuna na uli sa paglalakad. Napa-make face na lang ako dahil di ko na alam ang iisipin. Pagdating sa sasakyan niya ay agad kong isinuot ang seat belt at naupo ng maayos. "Saan tayo?" Nilingon ko si Heaven ng tanungin niya yun, "Hah?!" "Ikaw ang mamili ng lugar. Ikaw naman ang magbabayad di ba?" hindi niya ako nilingon. "Bahala ka na." "Tsk," ipinilig niya ang kanyang ulo at bahadyang napailing. Ilang sandali pa ay nasa pamilyar na business center na kami. Huminto ang sasakyan sa parking ng isang kilalang coffee shop. Tsk. Mamahalin pa naman dito. Pero carry lang kasi naghanda naman talaga ako ng pera for this. Pinauna ako ni Heaven papasok ng shop hanggang sa harap ng counter. Medyo marami ang tao sa lugar ngayon. Nilingon ko ng tingin si Heaven, "A-anong sa'yo?" "Iced coffee," seryosong wika niya. Bakit ang sungit niya naman ngayon? "Additional order, Sir?" tanong ng staff na lalakeng nasa loob ng counter. "Yun lang," bumaling sa akin si Heaven. "What about you?" "Ano--?" tumingin ako doon sa staff. "Mocha frappe na may maraming cream," sabi nung staff saka nag-angat ng tingin sa akin. Napangiti ako, "Yun!" Humarap sa paying machine yung lalakeng staff na bahadyang nakangiti, "Take out?" "Dine-" "Take out," mabilis na sagot ni Heaven. Napatingin ako rito at nakita na masama na naman ang mukha niya. Galit na naman siya. Why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD