Chapter 11

1183 Words
Wrong Signal "Take out!" kulang na lang ay isigaw iyon ni Heaven. Napakunot noo ako ng malalim. Anong problema nito? "Two hundred ninety-five lahat," patay malisya lang yung staff at tumingin sa akin. "May promo kami. May libreng macaroons kapag worth three hundred." "Macaroons?" Nanlake pa ang mga mata ko sa narinig. Sh*t! I love macaroons. "'Pag nagdagdag ba ko ng five bibigyan mo ko ng free macaroons?" sabi ko dun sa staff. Matiim itong tumitig sa akin, "Hindi noh." Napaawang ang bibig ko para mag-protesta kaya lang naunahan ako... "Nag-offer ka pa?" biglang singit ni Heaven sa usapan. Pagalit ang tono niya. Shocks! I almost forgot. Napatingin ako kay Heaven at nakita ang masama nitong pagtitig dun sa staff. "Promotional lang, Sir," sagot nung staff. Nagulat ako ng iabot ni Heaven ang isang credit card, "Dagdagan mo ng isang order ng macaroons. Yung gusto niya. Hindi yung promo." Ngumiti iyong lalakeng staff, "Yes Sir." Hinawakan ako ni Heaven sa palapulsuhan at hinila papunta sa isang bakanteng mesa. Nasa bandang gitna iyon ng shop. Naupo kami na magkatapatan. "You know that guy?" napasapo siya sa noo niya at umiling. Tumango ako ng mahina, "Si Kuya Lemuel. Nagtrabaho kasi ako dito noon." "What?" gulat na nilingon ako ni Heaven. "Bago pa lang ito noon. Isa ako sa pioneer workers ganun din si Kuya Lemuel bago ako napasok sa Naval. Saka madalas kami dito ng Bff's ko. Favorite hang out namin dito." Napangiwi ako ng mapansin ang pagtitig niya akin habang nagsasalita ako. Nagblush tuloy ako, "Sorry." Huminga siya ng malalim, "Sorry for what?" "Ahm..." napapilig ako ng ulo. "Hindi naman mahalagang bagay iyon." "That was important facts Leiana," hindi niya kinalas ang pagtitig sa akin. Napalunok ako at lalong na-tense. Shocks! "Frappe with cream. Macaroons," bahadya siyang naglean sa mesa papalapit sa akin. "Your favorite hang out place. It's all important facts to me." What?! Natameme na lang ako. "So you don't like coffee?" nagbaba siya ng tingin at tumango. "Gusto ko din ang kape. Yung Three in one coffee," sabi ko. Tumingin siya then natawa ng mahina, "Okay." "Nadagdagan pa yung utang ko sa'yo." "We'll settle that some other time." Kumunot noo ako, "Kelan?" "When I feel like it." "Nakakahiya naman sa 'yo. Lagi mo na lang akong pinagbibigyan." "Ayokong makabayad ka na. Kung wala kang utang sa akin alam ko na hindi ka na sasama pa uli, tama?" ngumisi siya ng konti. Natigilan naman ako. "Leiana?" Sabay halos kaming napalingon ng may tumawag sa akin. Napatayo ako at lumapit ito sa akin. "Sir Henry?" Napangiti ako ng maluwang. Si Sir Henry ang Manager at owner ng coffee shop. Mabait ito bukod pa sa gwapo. "Kamusta? Gumaganda hah," natatawa nitong wika. Napatingin ito kay Heaven. "You're with a date?" "Katrabaho ko po," mabilis kong pagtatama. Tumayo si Heaven at nakipagshake hands kay Sir Henry. Wala sa loob na napatingin ako sa kaliwang kamay ni Sir Henry at may napansin. "SIR?" Bulalas ko. Napatingin sila ni Heaven sa akin. Itinuro ko ang kamay niya, "Sir Henry, wedding ring po ba yan?" Biglang natawa si Sir Henry at napatingin din sa kamay, "Yup." Ipinakita pa niya ito sa akin. "I'm married." "Sir?" Napapout lips ako, "Na-broken ang puso ko ah. Ouch." "Ikaw talaga!" natatawang iling na lamang ni Sir. Hindi din naman nagtagal si Sir Henry sa pakikipagkwentuhan sa amin at ng dumating na yung order namin ay umalis na rin kami agad ni Heaven. Hindi na ako nakapag-paalam kay Kuya Lemuel. Akala ko uuwi na kami ni Heaven after but then hindi. Nagpunta kami sa Blue Bay Walk. Gabi na kaya mas maganda iyong view. May mga puno na nadedekorasyunan ng iba ibang kulay na ilaw at magaan ang ambience. Mabagal kaming naglalakad habang ang mga mata ko'y naglilibot. Naaliw din ako ng tingin sa mga batang naglalaro ng mga bubbles. May ginagamit silang mahabang patpat na ipinagdugtong ng mga pisi at iyon ang ginagamit nila para makagawa nang malalaking bubbles. "I think they got the wrong impression to you." Natigilan ako at napalingon ng sabihin iyon ni Heaven. Patuloy lang kami sa mabagal na paghakbang. "Wrong impression?" nagtataka kong ulit. Mabilis niya akong sinulyapan, "Sabi nila sa office you are boring, some says na masungit ka daw." "Ahh..." nagbaba ako ng tingin. "Hindi ka man lang nagtaka?" "Alam ko naman yun," kibit balikat ko. "Pero napatunayan ko ngayon na mali naman pala sila." Nanatili na lang ako na tahimik. Alam ko naman na ganun ang tingin ng marami sa akin. I don't care. Pero ngayong narinig ko ito mula kay Heaven. Masakit pala. I felt bad na ganun ang sinabi nila kay Heaven at ganun ang tingin nila sa akin. Nakaka-down ng kalooban. Tapos narinig ko pa kay Heaven. Si Heaven na matagal ko ng crush. "Akala ko wala kang pakealam sa ibang tao. You just live on your own world. Katulad ng pambabalewala mo sa tawag ko." Tumingin ako sa kanya at nakita ang seriousness niya habang nagsasalita. "But I guess may dahilan kung bakit." Liningon niya ako, "Sa lahat ng nakita ko kanina. From the building guard to that annoying guy sa coffee shop, I saw a glimpse of who you are." Suminghap ako ng lihim. "Your bubbly, caring and kind," ngumiti siya. "I was touched by your kindness." Nag-init bigla ang buo kong mukha kaya napa-iwas ako ng tingin. Oh, my! He's complimenting me right? Tumikhim muna ako bago nagsalita, "Mabait ako sa mga taong mabait din sa 'kin." "And your being rude to me because I'm rude to you?" "No," mabilis kong tanggi. Napahinto ako sa paghakbang at tumingin sa kanya. Huminto din siya at tumayo sa harap ko. Mataman niya akong tinitigan. "I-I'm sorry kung naging rude ako sa pakikitungo sa iyo. Hi-hindi lang ako sanay." Huminga ako ng malalim. "Saan ka hindi sanay?" "Sa ano --" lunok, "Sa atensyon." Sinalubong ko ang titig niya. "Sabi mo nga hindi ako masyadong binibigyan ng pansin ng mga tao sa office. I'm just a nobody there. Hindi ako sanay na may nagko-compliment sa akin lalo na kung galing sa 'yo." What?! Did i said that loud? Naging malikot ang tingin ko. Hinahalukay ng sobra sa sikmura ko sa kaba. "Lalo na kung galing sa akin? What do you mean by that?" may sumilay na ngiti sa labi niya. "I-I don't know," nagbaba ako ng tingin at humakbang palagpas sa kanya. Sumunod naman siya. "Leiana?" sinabayan niya ako sa paglalakad. "Wag na nating pag-usapan. Gusto ko ng umuwi." "Why are you like that? May nasabi na naman ba ako masama?" Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila pahinto, "Hey!" Umiling iling ako. "Am I being rude to you now? Hindi mo ba ako gusto?" deretsong aniya. Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya. Tinatanong niya ba ako kung gusto ko siya? "Tell me honestly Leiana. Don't you like me? Kaya ka ba umiiwas at binabalewala ang tawag ko dahil hindi ko ako gusto?" matiim siyang tumitig sa akin. Napakunot noo ako at hindi nakaimik sa sinabi niya. Bakit niya ako tinatanong kung gusto ko siya? I like him. Sobra. Pero.... "Leiana?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD