"Tell me honestly Leiana. Don't you like me? Kaya ka ba umiiwas at binabalewala ang tawag ko dahil hindi ko ako gusto?" matiim siyang tumitig sa akin.
Napakunot noo ako at hindi nakaimik sa sinabi niya.
Bakit niya ako tinatanong kung gusto ko siya? I like him. Sobra. Pero....
"Leiana?"
"I-I like you," napalunok at nag-blush ng sobra. Bakit ko yun sinabi?!
Agad ko din iyong pinagsisihan.
"Talaga?" umaliwalas ang mukha niya at bahadyang napangiti.
Binawi ko ang aking kamay at umatras ng isang beses. Huminga ako ng malalim at tumingin ng deretso sa kanya, "I like you. Everybody likes you Heaven. Lahat sa office gusto ka at wala naman akong masasabing masama tungkol sa iyo."
Natigilan siya at napaawang ang labi. He didn't say a word.
Lumunok ako, "Mabait ka at approachable. Kung hindi, wala ka dito ngayon at kausap ako. Wala namang nagtatiyaga na kausapin ako kung hindi ikaw."
"That's not what I mean."
Ako naman ang natigilan at napatitig sa kanya. Nasalubong ko ang malalim at seryoso niyang pagtitig.
"That's not what I mean, Leiana. I mean, if you like me as.... me," humakbang siyang palapit.
Wala sa loob na napabaling ang tingin ko sa malayong likod niya. Unti unting napaawang ang labi ko.
Naapalingon din si Heaven sa tinitignan ko at natigilan.
Nakita ko ang isang malaking bubble na lumulutang pataas sa hangin. It was so large. Nagkukulay rainbow ito dahil sa tumatamang liwanag at narinig ko ang pag-cheer ng mga batang naroroon. Then the bubble suddenly poped and gone.
"Aahhwww..," disappointed sounds mula sa mga naroon. Lalo na sa mga bata.
Napakurap ako ng mga mata.
May kung anong sumibat sa puso ko. Realization? Truth?
"Gusto ko ng umuwi," malamig kong wika. Pumihit na ako paalis at naglakad.
Gulat na napatingin sa akin si Heaven, "Hey?" Mabilis siyang sumunod. "Mag-dinner muna tayo."
Umiling iling ako.
"Leia?"
*****
Tahimik akong nakaupo sa sahig at nakatitig sa may TV. Yet, wala naman akong naiintindihan sa palabas. Tagos dun ang tingin ko at malayo ang iniisip.
"So, you turned him down?" naupo sa tabi ko si Em. Inilapag niya sa gitna namin iyong niluto niyang fries.
"Hindi naman," mahinang wika ko. "Hindi naman siya nagtanong, ah."
"But he did ask you if you like him?"
"Gusto ko naman talaga siya," pinaglaruan ko yung unan na nasa lap ko.
"Sa tingin mo ba ay pinaglalaruan ka lang niya?"
Huminga ako ng malalim at mahinang tumango.
"Well, I can't blame you. Kahit kami ay ganun ang naiisip," aniya.
Hindi dapat kasi ako umaasa ng sobra. Alam na alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang tipo ni Heaven. Ang malaking tanong lang sa akin ay kung bakit ganun na lamang siya kung makapagbigay ng atensyon sa akin ngayon.
"But what if he's serious?" biglang tanong ni Em.
Napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo din naman malalaman agad kung seryoso ba sya o hindi, 'di ba?"
Mahina akong napatango tapos ay natahimik kami ng may ilang sandali, "Alam mo bang nakita ko si Sir Henry." Bigla ko itong naalala out of nowhere.
"Sir Henry?" Kumunot noo si Em habang nasa TV ang paningin.
"Si Sir Henry, yung may-ari nung coffee shop, may asawa na siya."
Gulat na nilingon ako ni Em, "Oh?! 'Di nga?"
"Oo. Proud pa nga syang ipinakita yung wedding ring niya," nakangiting wika ko.
"AY! Nabawasan na naman ang gwapo sa mundo. Tsk. Sinong napangasawa niya?"
"Ewan ko. 'Di ko natanong. Pero siguradong maganda yun at mayaman. Ganun naman di ba? Ang mayaman ay para sa mayaman."
"Tss. Bitter," Tawa ni Em.
"Ikaw yun. Crush mo yun, eh," pang-aasar ko.
"Hindi ako yun. Si Bea yun."
Sabay kaming natawa.
Napatingin ako sa cellphone na nasa tabi ko. Nag-blink kasi ang liwanag niyon ng isang beses. Isang message alert ang natanggap ko at muntik pa akong masamid ng makita na galing ito kay Heaven. Isinave ko na rin kasi ang numero nito just in case.
Huminga ako ng malalim at binasa yung text niya.
Heaven Sandoval:
"Hey!"
Napangiwi ako. Ayun lang? Parang nangangalabit lang ng kabarkada.
I tried to compose the right message to reply. Sa isip ko lang. Pero wala akong maisip. Limang minuto na ata akong nag-iisip pero 'hi' pa lang yung natitipa.
Tapos nagtext uli siya at deretso ko na iyong nabasa.
Heaven Sandoval:
"It's me Heaven."
Tsk. Akala niya hindi ko pa naisave ang number niya sa phonebook ko. Napakagat labi na lang ako. Eh, anong sasabihin ko?
"Text him your busy."
Bigla akong napalingon kay Em. Saka ko lang nalaman na nakasilip pala ito sa phone ko.
"Em!?" mabilis kong iniiwas iyong phone pero tinawanan niya lang ako.
"Itatago mo pa eh, nakita ko na naman. Si Heaven yan." Ngumisi si Em na unusual kong makita sa kanya. "Tama yang ginagawa mo. Don't text him right away. Dapat magpalipas ka muna ng ten or five minutes to reply."
"Ba-bakit?" nagsalubong ang mga kilay ko.
"Para hindi niya maisip na atat kang makita siya o makareceive ng text mula sa kanya," ngumiti si Em.
"Ah..." tango ko.
"Care less, love less, so when you get hurt, it'll be less of a pain."
"Ang hirap naman 'atang gawin nun," nakatingin ako sa phone ko at natatype ng message.
"Care too little, you might lose them, care too much, you might get hurt. Nevertheless, you cannot love without caring too much, you'll just realize it when it hurts."
Nabigla ako sa sinabi ni Em bigla ko tuloy napindot yung send button.
"Takte!" bulalas ko sabay tuptop ng sariling labi.
"Bakit?" Gulat na lingon sa kin ni Em saka inagaw yung phone. Binasa niya yung nasend ko na message kay Heaven.
Ako:
"Hello. I know its love."
Dapat 'you' yung ilalagay ko eh!! Takte!!!
Nakikinig kasi ako kay Em habang nagti-text. Naghalo tuloy yung mga salita sa isip ko pati sa text message.
Pumalahaw ng tawa si Em pagkabasa sa message, "Hala, lagot ka!"
Napangiwi ako at hinablot yung phone, "Ang ingay mo kasi!"
Pagtingin ko sa phone ay may reply na si Heaven na kadarating pa lang.
Heaven Sandoval:
"Love?"
SHET!
Sumabog sa kapulahan ang mukha ko sa di ko maintindihang dahilan. Lalong tumawa ng malakas si Em at pinaghahampas ko ito ng unan.
"Letse ka! Kainis!!"
Mabilis akong nagtipa ng panreply kay Heaven. Ano bang naiisip niyang meaning nun?!
Ako:
"Sorry. Typo error. I mean, i know it's you."
Saka ko sinend.
Hindi na ako mapalagay pero nagreply sya agad.
Heaven Sandoval:
"Tama. Ako nga."
Parang may nahihimigan akong kakaiba sa text na yun. Napakamot ako ng batok.
"Ano na?" Si Em.
"I don't get him."
Biglang nagring ang phone at halos maibato ko yun sa gulat. Um-appear yung pangalan ni Heaven sa screen pero hindi ako nakakilos para sagutin. Basta nakatitig lang ako sa phone.
"Uh-oh," si Em.
Umiling iling ako at hinayaan lang na nagriring yung phone hanggang mapunta ito sa missed call.
Napabuga ako ng hangin.
He texted after seconds.
Heaven Sandoval:
"Pick up the call please."
Kagat labi. Napapraning na ko.
"Sending him the wrong message is like sending him the wrong signal."
Mabigat akong napahinga ng malalim. I know, right.