Chapter 13

1059 Words
Be-Friend Hindi naman ako nag-expect ng anuman. Akala ko lang may something pero wala. Assumera lang pala ako. The next fews day ay naging normal na araw na para sa akin. Yung tumawag si Heaven ta's hindi ko sinagot.... hindi na naulit iyon. Hindi na rin siya nagtext. So i guess ganun na lang yun. Mabilis pala siyang magsawa. "Parang namumutla ka pa rin Leia. Nagpacheck up ka na ba?" Napatingin ako kay Tina. Nasa second floor kami ng building at nakadungaw sa lobby ng buiding. Kagagaling lang namin ng cafeteria at napagpasyahan namin na tumambay muna sa spot na iyon. Nakikita namin iyong mga pumapasok at lumalabas ng building. Umiling ako sa tanong ni Tina, "Hindi pa. Baka next week. Napapadalas din kasi ang migraine ko." Actually, nakasabay ko lang ngayong araw na maglunch si Tina. Wala naman kaming masyadong napag-uusapan. Ngayon lang din nangyari na nagka-usap kami na ganito. "Ahh, okay,'' aniya at sumandal paharap sa may harang. May hawak siyang coffee at tumingin sa ibaba mula sa kinatatayuan namin. "Sina Heaven yun di ba?" Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya. Hindi pa naman malabo ang mga mata ko kaya nasiguro kong sina Heaven nga ang sinisipat ni Tina. Nakatayo sina Heaven at Lawrence sa isang bahagi ng lobby kung nasaan ang ilang sofa na pwedeng paghintayan kapag may bisita. Nagtatawanan sila na tila may napag-uusapang maganda. "Balita ko nakakuha sila ng malaking project ngayon. Yayaman na naman sila," walang emosyong wika ni Tina. Sinabi niya lang para may topic. "Talaga?" huminga ako ng malalim at nanatili ang tingin kay Heaven. He look so good and happy. Ngayon naiisip kong sayang ang moment na nakasama ko siya at nakausap. Sana sinamantala ko na iyon para maging kaibigan ko siya. I can resort to being friend to him para lang malapit ako. Ang babaw ko. "Bayad ka na ba sa utang mo kay Heaven?" "Hah?" nagulat ako pero hindi ko na lang ipinahalata. "Oo. I guess." Then nakita namin ang pagdating nina Ysmael. May kasama kasi itong magandang babae. Lumapit sila kina Heaven at Lawrence then nag-usap-usap na sila. Napansin ko ang biglang pag-seryoso ng mukha ni Heaven. "Si Ms. Sarah," wika ni Tina. Tinutukoy ni Tina yung girl na kausap nang tatlo. Si Ms Sarah ang head ng HR department namin ngayon. Maganda siya at may model height and looks. Ang alam ko, may malaking shares ang family nila sa kumpanya. Beauty and brain nga siya. Tapos tagapagmana pa. She definitely have it all. Lahat ng pwedeng kainggitan ng isang babae nasa kanya na. Marami ang lalakeng nagpapantasya at nanliligaw dito. Kung baga, siya yung female version nina Ysmael. Good looks, good family background, good career, good personality. Swerte pa dahil talagang ever since ay close siya sa grupo nina Heaven. "Close siya sa tatlo, noh. Sa tingin mo, sino kaya sa kanila ang nai-date niya na?" May pagka-intrimitida at pagka-tsismosa pala itong si Tina. "Hah?" napapilig ako ng ulo. "Baka lahat," sagot ni Tina sa sariling tanong. "Pero si Heaven ang pinaka-matagal at ang alam ko nga ay hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya kay Ms. Sarah. Nag-aaral pa lang 'ata si Heaven ay nanliligaw na siya kay Ms. Sarah." Natigilan ako at napatingin kay Tina, "Hah?" "Hindi mo ba narinig ang rumors na yun? May gusto si Heaven kay Ms. Sarah matagal na," patay malisyang ani Tina. "Ta-talaga?" Hindi ko alam yun. Bakit hindi ko alam yun? "Ahead nga lang si Ms Sarah sa age pero hindi naman halata 'di ba? Maganda at sexy si Ms. Sarah." Oo nga. Ano naman ang maipipintas ko kay Ms. Sarah? Gumapang ang kinig sa ugat ko. Mahina na lang akong tumango at muling tumingin kina Heaven. So..... si Ms. Sarah pala ang gusto niya. Hindi naman nakakapagtaka. Bagay naman sila. Sobra. Unti unting kumalat yung pinong kirot sa katawan ko. Sabi ko nga eh. Sabi ko nga.... Huminga ako ng malalim. Ang sakit pa rin palang marinig iyon. Ouch. Tagus hanggang buto. Napapitlag ako sa kinatatayuan ng makitang lumingon si Heaven sa gawi namin. Agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko sure kung nakita niya ba akong nakatingin sa kanya pero sana naman hindi. Tumalikod na lang ako, "Ba-bagay naman sila." "Oo naman," sang ayon ni Tina. Hindi man lang nagdalawang isip. Umiling ako para palisin iyong sakit na nadama ko. No. Hindi ito para sa kin para madama. Wala naman akong karapatan. "Huy, okay ka lang? Ba't naiiyak ka na dyan?" Nagulat ako sa pagpunang iyon ni Tina. Saka ko lang napansin na malapit ng mapuno ng luha ang mga mata ko. Naiiyak na ako. "Hi-hindi," umiwas ako ng tingin at kinusot ang mata ko. "Hindi ako naiiyak, na-natusok lang yung mata ko." "Ganun?" Dama ko yung pagtitig ni Tina. "Yan kasi ang haba na ng bangs mo. Ipaputol mo na nga yan." Umiling ako, "Ayoko. Tara na?" Nagpatiuna na ako sa paglalakad pabalik sa department namin. Nang mag-uwian na ay agad kong tinapos ang mga gawaing nakasanayan ko. Nagmamadali ako dahil may pupuntahan pa ako. Atsaka, wala akong balak na maghintay kay Heaven ngayon. Napagpasyahan ko nang tumigil. Tumigil sa pagpapaasa sa sarili ko. Pero kahit sikapin kong umiwas ay ang hirap gawin nun kung napagtitripan ako ng pagkakataon. Pagdating ko kasi sa may elevator at pagpasok ay saka naman biglang may pumigil sa pagsara niyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita sina Ysmael at Heaven na papasok. "Pasabay, hah," nakangiting wika ni Ysmael sa akin. Hindi naman niya kailangang gawin iyon. Para sa lahat naman ang elevator. Pero mahina na lamang akong tumango. Nasa gilid ako ng lift habang nakaabante naman sina Heaven. Nasa pagitan naming dalawa si Ysmael. "Leiana?" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ysmael. Napatingin ako at agad nasalubong ang tingin nito. Ngumiti siya at bahadya akong hinarap, "Birthday ko sa Sabado. May party kami na gagawin baka pwede kang sumama?" "Hah?" natulala ako. Party? Ako? Invited? Papayag ba ako? Hindi kaya maging OP lang ako sa ganun? "Nag-invite naman ako ng ilang kasama mo sa department. Promise hindi ka mabobored dun." Kahit naman kasama sila, di rin naman nila ako mapapansin. Hindi pa rin ako nakaimik. Napasulyap ako kay Heaven pero sa pinto lang nakabaling ang tingin nito. Hindi ko nakikita ang facial expression niya. "Pwede ka?" pangungulit pa ni Ysmael. Tumingin ako sa kanya, "Sa Saturday na darating?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD