Hiwaga ang ulan
Hindi nawala ang saya sa kalooban ko hanggang sa makauwi. Minsan hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sarili habang nasa biyahe. Dyahe nga lang na baka mapagkamalan akong baliw. Para talaga akong sira.
Pagdating ko sa one room apartment na tinutuluyan namin ay agad akong nagpalit ng damit at nagsimula ng maghanda ng lulutuin. Araw ko ngayon. Araw ng toka sa pagluluto. May dalawa pa akong kasama sa apartment. Sina Bea at Em. Mga BFFs ko sila since college.
Si Bea, BEATRIX Nicole Ramos, ay isang Advertising consultant. Samantalang si Em-Em or MADISON Medrano ay office staff naman. Magkakaiba kami ng ugali pero okay lang dahil sa gitna ng lahat nagka-intindihan din kami.
Si Bea, medyo liberated syang mag-isip. Mataray din siya kung minsan at very out going.
Si Em naman ang medyo ka-close ko. Tahimik lang din siya at masungit. Well, sabi nila yun, masungit daw siya, pero sa amin, di naman siya ganun kasungit. Mature lang din siya mag-isip at cautious.
Naging magka-klase kami noong college sa isang subject. Parepareho kasi kaming irregular students so obligado na kami mismo ang maghanap at mag-ayos ng schedules namin. Scholar kasi ako noong college same kay Em. Hindi nalalayo ang course kong Marketing sa Management Accounting ni Em so nagkasabay kami sa ilang subject. Samantalang si Bea ay Advertising ang kinukuha pero dahil maligalig ang buhay niya at malapit lang ang building niya sa amin ni Em palagi kaming nagkikita na tatlo.
Sa ganun nag-umpisa ang friendship namin. Random lang. Walang malalim na pinag-ugatan pero sa pagtagal ng panahon, tumibay at lumago.
Noon din kami nagkasundo na after college ay bumukod na sa family namin.
Ako. Plan ko na talaga yun kahit mahirap at ayaw ko na malayo sa nag-iisa kong kapatid. Pero no choice. Alam ko sa sarili ko na hindi ako mag-go-grow kung hahayaan ko ang sarili ko na nakadepende sa pamilya. Sa pagiging malayo ko sa family, sila ang naging inspirasyon ko sa pagsisikap at lahat lahat ng bagay. Kaya para sa akin.... ang distance hindi mahalaga sa mga buhay na pinag-kabit ng tadhana.
Malakas ang background music kaya napapakanta din ako.
"Don't wanna wake up alone anymore.... still believing you'll walk to my door .... all i need is to know its for sure then i'll give ...."
"Oi, may masaya," biglang may nagsalita mula sa likod ko.
Napatalon ako sa pwesto dahil sa gulat. Agad akong lumingon at hinila patanggal yung headset na nasa tenga ko, "Bea?"
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko napansin na dumating na sila.
"Pakanta kanta ka habang nagluluto. Masaya ka?" nakangising aniya at pabirong tinapik ako sa balikat.
Nakatawang hinawi ko ang kamay niya, "Hindi noh!"
Nagdeny pa ako eh, halata naman.
Saka ko lang napansin na nasa likod na rin si Em. Kumaway ito sa akin at ngumiti.
"Kanina pa kayo?"
"Oi, change topic agad," lalong napangisi si Bea. "Wag mong baguhin ang topic. Ba't masaya ka? Anong nangyari?"
"Bibili na ba ako ng pizza?" nakisali na sa usapan si Em. Humalukipkip siya at makahulugang ngumiti.
"Oi, hindi! Wala naman eh," iling ko saka napangiti.
"Oh! May something talaga eh. My God! Ano? May boyfriend ka na? Mag-celebrate tayo!" excited na wika ni Bea.
"Wag nga kayo!" Pigil ko sa dalawa. "Ihahanda ko na ang pagkain. Siguradong gutom na kayo."
"Ikukwento mo na sa amin?" Si Em.
Tumango ako ng mahina.
"Alright!" masayang bulalas ni Bea.
Sandali lang na napanganga sa harap ko si Bea pagkatapos marinig ang kwento. Si Em naman. Walang anuman siyang nagpatuloy sa pagkain. Sinigang ang niluto ko.
Tinignan ko silang dalawa, "So...?"
"Yun lang?" Nagkurap ng mga mata si Bea, "Yun na 'yon?"
Mahina akong tumango.
"Grabe naman!" Si Bea pa rin, "Sulyap lang Leyang? Parang big deal na agad?"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari iyon." Nakasimangot na wika ko.
"Katulad nung pagkakataon na sabay kayong nag-tapon ng basura sa iisang trash bin?" Umarko ang kilay niya. "Sinulyapan ka rin niya noon."
"Last year pa yun," hindi nakatinging sabi ni Em.
"Well...." napabagsak ang balikat ko.
"Well Leyang," nasa tabi ko lang naman si Bea kaya ipinatong niya ang isang kamay sa balikat ko. "I don't want to put your hopes down pero kailangan. Walang meaning yun."
"Wala?" Parang ayaw ko pang maniwala, "Wala ba talaga?"
Nag-angat ng tingin si Em na nasa tapat ko lang, "Ano bang nadama mo nung moment na yun?"
"Ano?" Napaisip ako. Ano nga ba?
Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin, "Feeling ko lang na may connection na naganap nung magtama ang mga paningin namin. Alam mo yun? Parang may.... may spark."
"Hindi alam ni Em yun kasi tulad mo ay NBSB yan," react ni Bea.
"Mas matino pa rin naman kaming mag-isip," ganting wika ni Em.
"So? Ang point mo?" nagtitigan ang dalawa.
"Ang point ko mas matino pa kaming mag-isip na mga single kesa sa mga inlove kasi kapag inlove ang tao, nabubulag sa katotohanan," mariing wika ni Em.
"Take it from the expert," sarcastic na wika ni Bea.
Bumuga ng hangin si Em, "Tinanong ko lang naman kung anong nadama ni Leia nung magkatinginan sila. Kasi baka may something nga."
"Walang meaning yun," pagdidiin ni Bea. "Nagkataon lang. O baka napalingon lang siya pero wala namang nakita. Malay mo malabo ang mata nun."
"E-ewan ko," nagugulahan kong wika.
"Alam mo, Lea. Tigilan mo na yang Heaven na yan. Heaven pa naman ang pangalan niya pero ang hilig niyang magpaasa," umirap si Bea sa hangin. "Dapat nga ay mag-ingat ka sa mga katulad nun. Chickboy ba kamo? Player ang tulad nun. Paaasahin ka lamang nun at kapag hulog na hulog ka na at ibinigay na ang lahat, iiwan ka na lang na parang basahan."
Napatitig ako kay Bea habang sinasabi iyon. Bahadya pang nakaawang labi ko.
Totoo nga kaya?
"Sa tingin ko, ang mga tulad ng Heaven na yan, hindi mapagkakatiwalaan. Maniwala ka Leia," tumatangong dugtong pa ni Bea.
Bumuntung hininga ako, "Imposible ba yun?"
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Hindi ba ganun sa mga napapanuod natin na movies at drama? Una, parang hopeless na mainlove yung guy sa bidang babae pero hindi magtatagal ay maiinlove din siya at magbabago ng ugali para sa mahal niya? Posible yun di ba?"
"You really like him?" malungkot na wika ni Em.
I don't know. Nakakaawa ba talaga ako kung magkagusto sa isang Heaven Sandoval? Imposible ba?
"Imposible yun," Sagot ni Bea matapos ng ilang saglit.
Napatingin ako dito.
"Hindi nagbabago ang isang tao para sa pag-ibig. Hindi nagbabago ang isang tao para sa taong nagmamahal sa kaniya. Tinatanggap lamang ng taong nagmamahal sa kanya ang katotohanan sa pagkatao niya. Kung manloloko siya, manloloko siya. Sa pag-ibig yayakapin mo na lang lahat ng masasakit na bagay. Ganun nagiging bulag ang pag-ibig."
Natahimik kaming dalawa ni Em.
Naman. Si Bea naman kasi ang marami nang naging experience ng may tungkol sa love. Pero kahit ganun na papalit palit siya ng boyfriend ay proud naman siyang sabihin na hindi pa rin niya naisusuko ang Bataan.
Kaya nga idol ko si Bea sa nga kwentong tulad nito.
"Take that from the expert," Biglang wika ni Em. Nadama ko ang kagustuhan niya na pagaanin ang usapan.
"Take it from my words Leia," tumatangong ani Bea. "Kapag ikaw. Nasaktan sa Heaven na yan! Alam mo na!" Makahulugang babala niya.
Napasimangot ako, "Anong alam ko na?"
"Kakalbuhin ka niya," si Em.
"Ibibitin patiwarik?"
"Hindi," entra ni Bea. "Kakalbuhin ko ta's ibibitin patiwarik ang Heaven - heaven na yan. Ipapadala ko siya sa heaven-heaven." May kasamang bali ng leeg every repeated words.
Nagtinginan kami ni Em then sabay na natawa.
"Kaya tumigil ka na bago ka pa mapa-trouble - trouble," nakatawang dugtong pa no Bea saka kami sinabayan sa pagtawa.
*****