Kinabukasan.
Papasok pa lamang ng office ay dama ko na ang tindi ng init ng panahon. Tag-ulan na naman ang season pero napaka-init pa rin.
Katulad ng araw araw. Ako ang unang dumating sa office. Ilang minuto bago pumatak ang saktong 8:00 ay saka lang dumadating ang mga kasamahan ko. Busy na ako sa mga ganung pagkakataon kaya kahit ang pagdating ni Heaven ay hindi ko na napapansin.
Abala ako sa pag-e-encode ng ilang documents sa computer nang makareceive ng text message mula sa kapatid ko. Malayo kasi ang trabaho ko kung pipilitin kong maging uwian. Isa lamang iyon sa dahilan kaya ako bumukod. Nang sumapit ang lunch break at iilan na lamang kaming naiwan sa area namin ay saka ako tumawag sa kapatid.
"Hello?"
"Hello, ate?" Boses ng nakakabata kong kapatid na si Lana. "Busy ka ba?"
"Lunch break namin. Bakit?" Huminga ako ng malalim at bahadyang nangalumbaba sa mesa ko.
"Ate, nakuha na namin yung ipinadala mo last week."
"O, may problema ba?"
"Wala naman pero tatanong ko lang sana kung makakapagpadala ka ba uli ngayong week? Para sa project sana namin. Alam mo naman, graduating na ko next year kaya marami nang hinihinging requirement sa amin."
Lihim akong napabuga ng hangin, "Sige. Susubukan ko."
"Talaga? Salamat, Ate."
Napangiti na lamang ako, "Baka naman hindi sa project mo gagamitin?"
"Naku, ate hah! Promise for project talaga."
"Kamusta pala kayo dyan?"
"Okay naman. Syangapala," sandali itong natigilan. "Ibabalita ko pala na buntis si Ate Rona."
Nanlake ang mga mata ko saka napabuga ng mabigat na hangin. "Na naman?"
Si ate Rona ang asawa ng lalakeng pinsan namin. Halos ito na ang Kuya namin dahil lagi ito sa bahay. May dalawa na silang anak at sa ibinalita ni Lana ngayon. Magiging tatlo pa.
Tsk. May trabaho naman ang pinsan namin pero sa hirap ng buhay ngayon....
Haist.
"Yun. Nasabi ko lang. Sige na ate, may klase pa din kasi ako eh. Hintayin ko ang text mo ah."
"Si-sige."
"Bye," then end tone ring na.
Bumuntung hininga ako ng malalim at mahaba. Nanlulumo akong napahilig ng pisngi sa ibabaw ng mesa ko.
Tsk.
Ang hirap naman. Lahat sila sa akin umaasa. Maging ang Kuya ko. Kung ganung magkaka-anak na naman sila ng asawa niya, malamang malaking gastusan na naman ito. At siguradong sa akin din sila lalapit.
Haist. Buhay ko nga naman.
Nagpaka-busy na lamang ako para limutin ang ilang bagay na nakakapagpa-pressure sa akin.
Nang dumating ang oras ng uwian ay nakamasid lang ako habang isa isa silang nagsisilabasan mula sa area namin.
"Uwian na," biglang nagsalita iyong katabi ko.
Liningon ko ito. Si Tina. Sinundan ko ito ng tingin habang nakatayo at isinusukbit ang kulay itim na shoulder bag.
"Bago bag mo?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Napangiti ako pagdaka, "Ang ganda."
Kahapon kasi ay kulay pula ang bag niya. Alam ko na may fascination ni Tina na mamili ng magagandang bag.
"Oo. Kakabili ko lang kahapon," nakangiwi nitong sagot.
"Ahh..."
"May problema ka ba sa bag ko?" mataray nitong wika.
Umiling agad ako, "Wala. Wala naman."
"Good. Kasi wala din akong pakealam sa iyo."
Hindi na lang ako nakaimik. Sabi ko nga hindi ko na dapat pinuna.
"Yung totoo, Leiana? Bakit hindi ka man lang makabili ng bagong bag, sapatos o make up man lang? May pinapakain ka bang pamilya?" mataman ako nitong tinitigan.
"May kapatid akong graduating na next year," nakangiting sagot ko.
"Kahit na ganun. Dapat matuto ka na alagaan at i-pamper naman ang sarili mo ng magagandang bagay. Look at your clothes, wala na sa uso. Look at your shoes. Look at your face. Masyadong walang class. Get rid of your bangs. Nakakadistract saka mukha kang Dora," umismid siya muli. "Mauna na ko. Throw the garbage out, okay."
Pagkasabi ng mahabang talata na iyon ay um-exit na rin agad. Naiwan na naman ako sa office at katulad ng nakasanayan ko na.
Nice. Hindi ko naman hiningi ang opinyon niya sa pananamit ko.
Napasimangot na lang ako.
Hinintay ko na dumaan sina Heaven pero ng sumapit ang 5:13 ay walang Heaven na dumaan. Nakita ko na dumaan iyong dalawa nitong kaibigan pero wala siya.
Hindi kaya siya pumasok o nasa field siya ngayon?
Medyo malungkot ako na hindi ko siya nakita. Pero ano bang magagawa ko?
Madilim ang ulap nang makalabas ako ng building. Tumayo ako sa ilalim ng isang waiting shed kung saan madalas naman din akong maghintay ng masasakyang dyip. Sakto naman na pagkapwesto ko doon ay bumuhos ang malakas na ulan. Agaran kong kinuha ang luma kong payong sa bag at binuksan iyon. Kaya lang ang lakas din ng hangin at tinatangay pabaliktad ang payong ko.
"Malas!" Naiiling kong bulong. Isinara ko ang payong at hinawakan na lamang ito.
Kesa naman masira pa ito. Useless din dahil mababasa pa rin ako ng ulan.
Umatras ako sa likod ng shed pero naabot pa rin ng ulan ang sapatos at pantalon ko. Yung anggi ng ulan ang bumabasa sa mukha ko. Inilagay ko sa harap ang bag ko at yinakap iyon ng mahigpit.
Hindi naman ako nag-iisa sa may waiting shed. May na-stranded din na isang lalakeng estudyante na katabi ko then dalawang magkaibigang babae na panay ang reklamo sa lakas ng ulan. Naririnig ko pa rin sila kahit na may naka-suot sa magkabila kong tenga na headset.
Kesa naman mabad trip ako sa ulan. Soundtrip na lang.
# Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seems to rhyme. Out of the doubt that fills my mind. I somehow find you and I collide...#
Walang dumadaan na dyip. Kung meron man puro punuan na. May ilan ding nagdadaan na mga taxi.
Sa malayo ako nakatingin pero walang partikular na tinitignan. Sa ulan lang.
Wala sa loob na napabaling ako ng tingin sa kanan ko kung saan wala akong katabi. Nakita ko ang isang matangkad na lalakeng maingat na tumatakbo sa ilalim ng ulan papunta sa pwesto ko. Huminto ito sa harap ko mismo at malalim na huminga.
Hindi ko nagawang makakurap man ng mga mata. Tila nag-malfunction din ang utak ko. Mental block in that moment.
Nagsalubong ang mga tingin namin, saglit, tapos ay umalis na siya sa harap ko. Saka naman ako natauhan bigla at napalingon sa kanyang nasa tabi ko na. Napalunok ako ng makita ang ginawa niyang paghawi ng bumagsak niyang buhok dahil sa pagkabasa.
Namamalikmata ba ako?
May dala nga bang hiwaga ang ulan? Kasi feeling ko ngayon.... meron....
Kasi yung katabi ko ngayon.....
Blessings in diguise ba ang malakas na ulan na ito?
Katabi ko kasi si Heaven.