Sky
Somehow.... you and I .... collide.
Napalunok pa ako ng isang beses matapos kong magbawi ng tingin sa kanya.
Is this real?
Si Heaven?
Akala ko kasi wala siya. Hindi siya dumaan sa area namin nung uwian na. Nauna na yung mga kaibigan niya. Naiwan ba siya? Nagpaiwan? May nakalimutan sa office?
Shet! Bakit kasi hindi ko muna inalam.
Nagpapalatak ako sa sarili.
Salamat sa ulan. Shet. Ngayon lang ako natuwa sa ulan.
Napatingin ako sa mga dalawang babae na nasa kabilang side lang ng waiting shed.
Nagbubulungan sila at napapatingin kay Heaven.
Napangiti ako sa sarili.
Tseh! Sa akin siya tumabi. Sa 'kin ang victory!
Pinilit kong huwag ipahalata ang nadama kong kaba at tensyon.
Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa. Yung tipong malapit ng magdikit ang mga braso namin sa isa't isa. Feeling ko nadadama ko na yung init ng katawan niya.
Omo! Omo! Baka mag-faint ako bigla! Sasaluhin niya kaya ako 'pag nagkataon?
Promise. Ito na yata ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko.
Maya-maya'y may huminto na jeep sa tapat nung dalawang babae at agad silang nakasakay doon. Nagkanda-haba ang leeg ko sa pagsipat kung kasya pa pero puno na rin agad. Nang papaalis na yung jeep, biglang tumakbo yung lalakeng estudyante at sumabit na lang sa may dyip. Hindi na nito inantala ang lakas ng ulan at ang nagbabaha ng kalsada.
Tsk! Mukhang ubusan na nga ng masasakyan.
Napangiwi ako.
That means....
Napalingon ako sa katabi.
Nakatingin siya sa malayo at blanko ang mukha.
Hindi niya ba nare-realize na stranded na kami dito?
Lumingon ako sa building namin pero mukhang sarado na iyon. Napabuntung hininga ako.
Mukhang malas.
"Ang lakas ng ulan."
Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita. Lumingon siya sa akin at bahadyang ngumiti.
Automatic na tumalon sa pwesto ang puso ko.
Umiwas ako ng tingin at napaderetso ng tayo.
Kami na lang ang narito. Of course! Ako yung kausap niya.
Ako nga ba?! Hindi nga?
Mahina akong napatango bilang sang-ayon at hindi na nagawang makatingin pa uli sa kanya. Hindi ko alam kung nakita niya ba yung pagtango ko. Nag-iinit ng sobra ang magkabila kong pisngi at nagwawala ang mga kulisap sa sikmura ko.
Swerte ang ulan.
Hindi na siya uli nagsalita after.
Dumilim na ang buong paligid dahil sa pag-gabi maliban sa hindi pa rin tumitigil ang ulan. Wala ng nagdaan na masasakyan na dyip at nangangatog na ako sa lamig.
Malas ang ulan.
Sabay kaming napalingon ng makita ang isang taxi na paparating.
Humakbang paabante si Heaven at pinara yung taxi. Huminto naman ito sa tapat namin.
Shet. Tapos na ang magic moment ko.
Nagbaba ako ng mukha.
Hanggang doon na lang ang ulan lovestory ko.
"Halika na."
Gulat akong nag-angat ng tingin nang maulinigan ang boses ni Heaven. Nakita ko siyang nakapwesto sa may pinto at sumenyas sa akin na lumapit.
Hindi ko siya naintindihan kaya inalis ko yung headset sa tenga ko. Umawang ang labi ko para magtanong pero naunahan niya ako.
Patakbong bumalik siya sa harap ko at hinawakan ang malaya kong kamay. Nanlake ang mga mata ko sa gulat. Agad agad din na gumapang sa ugat ko ang nakakakilabot na kuryente.
Shet!
Hinila niya ako papalapit sa taxi at ipinasakay doon. "Sakay ka na. Same way lang naman tayo kaya sabay na tayo." Wika niya pa.
Hah?
Wala naman akong nagawa pa dahil naitulak na niya ako sa loob ng sasakyan at mabilis siyang nakasunod. Agad din niyang isinara yung pinto.
"Sa wakas," aniya saka napabuga ng hangin. Lumingon siya sa akin at ngumiti uli. "Okay ka na?"
Ginulo gulo niya pa yung buhok niyang basang basa na rin sa ulan. Lalo tuloy siyang naging seductive sa paningin ko.
Gulped.
Saka ko lang din napansin ang pagdikit ng tela ng suot niyang puting polo shirt sa mamuscle niyang katawan.
Hindi naman malaking malaki ang katawan niya. Atlethic itong tignan. Siguro dahil mahilig silang maglaro ng basketball. Alam ko kasi na minsan after work ay naglalaro sila sa malapit na covered sa area ng company namin.
Pak! Ano bang nangyayari sa akin?
Tumango ako ng walang kurap mata.
"Saan tayo Boss?" tanong ni manong driver. Tumingin lang ito sa may rear mirror sa harap.
"Saan?" sa akin tumingin si Heaven. "Saan ka?"
"Hah?" Natameme naman ako.
"Saan ka ihahatid? Saan ka umuuwi?" ulit niya. Iyong ngiti niya ay mas maaliwalas kesa sa kanina.
Nataranta ang utak ko at napaiwas ng tingin mula sa kanya. "A--ano po." Bumaling ako kay manong at binanggit ang lugar na inuuwian ko. Pagkaraan ay saka ko lang naisip.
Shet. Malalaman ni Heaven ang inuuwian ko?
Napaupo ako ng deretso at natulala.
Umandar na yung taxi bago nagsalita uli si manong, "Eh, kayo bossing? Saan?"
Nakangiting tumingin si Heaven bago sumagot, "Siya na po muna ang ihatid natin Manong."
Napa-kislot ako sa kinauupuan. Sandali akong natahimik.
Hindi nga? Ihahatid ako ni Heaven?
Nilingon ko si Heaven, "Hindi naman ito ang way mo pauwi."
Natigilan muna ito bago lumingon ng tingin sa akin, "It's my way now." Ngumiti siya after.
What?
Nalaglag na ang panga ko.
Hindi na talaga ako napalagay sa buo naming oras nang byahe.
Naipit kami saglit sa traffic at wala pa ring tigil ang ulan. Pakiramdam ko nakalutang lang ako the whole moment. Nilalamig pa rin ako pero mabuti na lang at pinatay ni Manong yung aircon ng sasakyan niya. Natauhan lang ako ng huminto na kami sa tapat mismo ng apartment building.
"Dito ka na?" Sinilip ni Heaven ang labas. Nahiya tuloy ako.
"O-Oo. Sandali yung bayad ko pala," umakma akong bubuksan iyong bag ko pero mabilis niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.
Agad akong natigilan at napatingin sa kanya.
Its the second time. Hindi ko alam na ganito pala ka-touchy si Heaven.
And for the second time ay may nadama akong kuryente na dumaloy sa ugat ko dahil sa simpleng pagdikit ng mga balat namin.
Bigla siyang napabawi ng kamay, "Ako na. Sige na." Pilit na ngiting aniya.
"Hindi. Nakakahiya naman. Nakisabay lang ako --" Umiling ako.
"Okay lang. I insist," mabilis niyang sansala sa sinasabi ko. Matiim niya akong tinitigan na parang sinasabing hayaan ko na siya.
Parang magagalit pa ito.
Lumabas na ako ng sasakyan at himala naman na nawala na yung ulan. Liningon ko siya bago isara ang pinto at binigyan niya lamang ako ng isang magaan na ngiti.
Pagkagilid ko sa daan ay agad ding umalis yung taxi.
Natulala pa ako ng may ilang segundo.
Totoo ba yung nangyari? Hinatid ako pauwi ni Heaven? Nakasabay ko siya pauwi?