WALA ako sa sarili nang maka-akyat na ako sa apartment. Lutang ang utak ko. Sobra.
"Basang basa ka?" Bungad ni Bea pagpasok ko.
Dumeretso ako sa iisang silid namin at tulala pa ring napaupo sa higaan.
Isang double deck na kama at isang single bed ang naroon. Si Bea ang gumagamit ng single bed samantalang kami ni Em ang share sa double deck. Ako ang nakapwesto sa ilalim.
"Huy?" Sinundan pala ako ni Bea. Linapitan niya ako at kinalabit sa balikat. "Okay ka lang?"
Hindi agad ako nakaimik.
Okay lang ba ako?
Okay?
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Bea. Ginagap ko bigla ang mga kamay niya. "Paki-check nga kung may lagnat ba ako? Hindi ba ako nagdedeliryo?"
Kinuha naman niya sariling kamay at sinalat ang noo't leeg ko. "Ang lamig mo nga kasi nagpaulan ka. Anong nagdedeliryo? Ano bang nangyari?"
"Bea?" Nagtama ang mga paningin namin. "Bea hinatid ako ni Heaven. Hindi mo ba nakita?"
"Panu ko makikita eh nandito ako sa loob. Angalan namang lumabas ako at magpa-ulan?" Natigilan siya saglit. "A-anong sabi mo? Hinatid ka nino?"
"Hinatid ako ni Heaven." Napatayo na ako at nagtatalon sa tuwa. Napaatras na lang si Bea at natulala sa kin. "Hinatid niya 'ko!! YEESSS!! OmyGod!"
"Anong nangyari?" mabilis na bumungad sa may b****a ng pinto si Em. May hawak pa itong sandok.
"Em?!" naluluha ang mata ko sa kaligayahan. Tumatalon sa galak ang puso ko.
"Hala! Nabaliw na kasi naulanan," nakangiwing ani Bea.
*****
Nakatitig lang sa akin sina Bea at Em habang nagkukwento ako ng nangyari.
Hindi ko talaga maitago ang kasiyahan ko. I don't know. Para akong teenager na kinikilig sa crush. Well, isip bata siguro talaga ako sa edad kong 25. Yung crush crush nga ay gawain pa ng teen ager. At crush ko si Heaven, hindi iyon lihim kina Bea.
I cannot contain my happiness. Grabe! For the first time in forever!
Oh, God!
"Si Heaven talaga? As in?" Nakatunganga sa mukha ko si Bea. Tapos na kaming kumain at nakaupo na lamang at nagkukwentuhan.
"Oo. Sya talaga." Tango ko ng sunod sunod.
"It's weird," napapilig ng ulo si Bea. "Weird di ba, Em?"
"Yah. It's weird. Pero okay lang. Nagkataon naman kasi malakas nga ang ulan. Ibig sabihin, gentleman si Heaven." Wika ni Em.
Tumango ako kay Em bilang pagsang-ayon.
Yah! He's gentleman, gwapo, makisig, matalino, mabait.... siya na.... siya na talaga!
"I don't feel comfortable about it," si Bea. "But, siguro nga nagkataon din. Mabuti na lang at hindi ibang tao ang nakasabay mo sa taxi."
"I know," nakangiting tango ko uli.
"Pero wag mong masyadong bigyan iyon ng meaning, Leia. I mean..." mataman akong tinitigan no Bea. "You know Heaven. Mabait siya sa mga girls kasi gusto niya ang mga girls. He's a player. Ikaw na ang nagsabi niyan sa amin."
Napabuga ako ng hangin.
"Concern lang kami sa'yo," dugtong pa ni Bea. "I am not being kontrabida here. Pero kelangan talaga may ganun sa ating magkakaibigan."
"Kontrabida ka talaga," sabad ni Em at tinignan ng masama si Bea. Nginitian niya naman ako. "Don't worry. Hindi naman kami tutol sa Heaven mo. Kung siya ang makakapagpasaya sa'yo. Naka-support lang kami."
"Hindi ako naka-support, hah. Wala pa namang development. Malalaman pa lang natin," si Bea.
Ngumiti ako sa dalawa, "Salamat sa inyo."
"Sinabi ko na. Wala pang nangyayari. Wag kang masyadong mag-assume sa mga kilos niya, Leia." Madiing wika ni Em sa kin.
"Opo," nakangiting tango ko. "Hindi ko naman iniisip na may mangyayari."
Napatitig sa akin ang dalawa.
"Masaya lang talaga ako na for the first time ay napansin ni Heaven ang existence ko."
"Anong pinag-sasabi mo?" react ni Bea. "Bakit? Multo ka ba para hindi mapansin ng iba ang existence mo?"
Pilit akong ngumiti, "Bestfriends ko kayo kaya syempre iba ang turing niyo sa akin."
"Iba ba ang turing ng mga katrabaho mo sa'yo? Binu-bully ka ba nila?" ani Em. Nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya.
"Hindi. Nasabi ko lang yun," depensa ko agad.
"Siguraduhin mo lang, Leia. Kapag may nang-aaway sa 'yo sabihin mo sa amin ng maturuan natin ng leksyon." Makahulugang wika ni Bea.
Natawa naman ako at mahinang tumango, "Don't worry."
Sa totoo lang hindi ko na alam kung nagiging masyado na ba akong mabait sa isang tao o hindi. Minsan namamalayan ko na lang na may mali na sa nangyayari pero huli na. Kaya sina Em at Bea, lagi nila akong binabantayan sa mga desisyong ginagawa ko. I'm just glad na sila ang mga kaibigan ko. Para silang mga doze of medicine kapag nagkakasakit na ako.
"Leia?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pagtawag ni Em. Papalabas na sana ako ng apartment namin.
Lumapit siya sa akin at may inilahad na bagay sa harap ko.
"Ito. Spare ko na payong. Sabi mo naiwala mo yung sa'yo di ba?"
"Wow. Thank you," nakangiti ko iyong tinanggap.
"Uminom ka ba ng gamot?" sinalat niya pa ang noo ko. "May sinat ka pa rin."
"May baon din ako na gamot."
"Kapag hindi mo kaya mag-undertime ka na lang. Hindi naman yun malaking bagay kesa magkasakit ka ng mas malala."
Para talaga siyang nanay kung mag-alala. Nakangiting tumango ako.
"Syangapala mayroon akong io-offer na raket sa yo," aniya.
Bahadya akong natigilan, "Ano yan? Event?"
"Oo. May exhibit na gagawin sa building namin at kailangan ko ng dagdag na tao para roon. Katulad ng dati. Pwede ka ba?"
"Talaga? Sure," mabilis akong sumang-ayon. "Kasama ba sa exhibit si Sky?"
Napangiti siya, "International ang exhibit syempre pwede bang mawala si Sky?"
Napangiti ako ng maluwang.
Si Sky ang isa sa pinaka-hahangaan kong painter.
Madalas kasing gamitin sa mga exhibit event ang building na pinag-tatrabahuan ni Em. Madalas niya naman akong i-invite na mag volunteer bilang dagdag na staff kapag may ganung event. Sa unang beses ko na mag-volunteer ay nakita ko ang isa sa piece na gawa ni Sky. Alyas niya lang iyon. Unang piece iyon na nakita ko mula sa naturang painter at agad agad ay nainlove ako sa mga gawa niya.
Ewan. Ibang iba ang dating ng painting niya sa akin. Napapangiti ako ng wala sa isip.
Yung nga lang. Hanggang tingin lang ako. Ang mahal kasi ng mga obra niya. Can't afford ko. Kaya sa loob ng ilang years na pagtatrabaho ni Em sa builiding na iyon, kapag may event na katulad ng sinasabi niya ay agad akong pumapayag na magvolunteer help. Umaasa din kasi ako na makilala si Sky at makahingi man lang ng autograph.
Wala pang nakakita sa tunay na itsura ni Sky. Basta sabi nila. Lalake siya. Sabi ng ilang fan niya ay mukha daw itong Hollywood superstar at kasing hot ni Christian Grey.
Pero hindi ako naeexite dahil doon. Medyo lang.
Pa-isa isa o dalawa lang lagi ang obrang isinasali niya sa mga exhibit kaya marami din ang nahihiwagaan sa kanya.
Hindi ako mahilig sa paintings pero kung gawa ni Sky, gusto ko yung makita.
"Aisht!" Natuwa naman ako. "Excited ako na makakita uli ng masterpiece ni Sky."
Tumango siya, "Alam kong favorite mo siya. Actually, wala pang notice kung may isasali siya na painting sa exhibit pero marami na rin ang nag-aabang. So, ano? Game ka ba?"
"Oo naman," tango ko uli. "Just inform me ahead kung kelan. O, mauna na ko. Babye!"
"Ingat ka," nakangiting tango ni Em at kumaway pa sa akin.