Chapter 5

1077 Words
Pay Attention Habang nasa jeep ay pikit ang mga mata ko. Sabi nga ni Em, medyo may sinat pa ako pero kailangan kong pumasok. Sayang ang isang araw ko at kung hindi ko naman kayanin, pwede naman akong umuwi ng maaga. "Good morning, Miss Fuentes," magalang at masiglang bati sa akin ni manong Guard. Nakangiti akong lumapit dito, "Good morning din po. Pauwi na po kayo?" "Oo. Kayo naman ay papasok pa lang," nakangiting anito. Night shift kasi si Manong kaya kapag umaga, pauwi pa lang ito at sa gabi naman ang pasok nito sa duty. Napakasipag nito at kapag nakikita ko siya, hindi ko maiwasang maalala at mamiss ang Tatay. "Hindi ka ba naabutan ng malakas na ulan kagabi?" tanong nito sa akin. "Naabutan nga po. Kayo po buti nakapasok pa?" nakangiting ani ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. May hang over pa ako nang saya. "Sumugod ako sa ulan para makapasok," nakatawang sagot nito. "Medyo masakit na nga ang ulo ko." "Naku! Kung ganun po umuwi na po kayo para makapag-pahinga. Wait po," agad agad kong binuksan ang bulsa ng backpack ko at kinuha ang baon kong gamot. "Inumin niyo po ito, oh." "Naku, hija. Okay lang," tanggi nito. "Okay lang po," ibinigay ko na yung gamot. "Sige po. Mauna na po ako sa loob," hindi ko na ito hinintay na makasagot. Gusto ko sanang mag-abang sa pagdating ni Heaven. Gusto kong siguruhin kung hindi ba siya nagkasakit dahil sa ulan kagabi. Sana naman ay hindi. Kaya lang naging busy agad ako sa trabaho at nawala siya sa isip ko. Kung kelan pa naman medyo masama ang pakiramdam ko saka naging toxic ang trabaho. Mabuti na lang at nakaya ko. Isinama ako ni Boss Louie, ang aming senior head, sa isang meeting nila para kumuha ng minutes. Wala kasi ang secretary nito. Sa 35th floor pa iyon. Dahil dun ay nalate ako ng lunch. Mabuti nga at pinaglunch pa ako. Nang matapos ko ang dokumentong pinagawa sa akin ay saka lang ako medyo naka-pahinga ng isip. Huminga ako ng malalim at sumandal sa aking office chair. Napapikit ako ng mga mata at bahadyang minasahe ang aking sentido. Sumakit ang ulo ko sa trabaho. Haist. Magkakasakit na yata ako for real. Kinuha ko yung bag ko at hinanap ang baon kong gamot tapos naalala kong ibinigay ko nga pala kay Manong guard kanina. Tsk. Bibili na lang ako. Napatingin ako sa isang puting sobre na nasa bag ko. Oo nga pala. Kailangan ko itong maiabot kay Heaven bago mag-uwian. Pero paano? Napangiwi ako sa sarili. Abala ang mga ka-department ko kaya nagawa kong makalabas ng tahimik. Binagtas ko ang daan papunta sa kabilang department na katabi lang ng amin. Sumilip muna ako sa pinto at hinanap ng mata si Heaven pero hindi ko ito nakita. Hindi kaya siya nakapasok? Tsk. Baka nagkasakit din siya. Pumihit na akong paalis. Dumeretso ako sa elevator at nagpunta sa cafeteria. Marami pa ring tao dun. Papasok ay nahagip ko ng tingin iyong mga kaibigan ni Heaven. Sina Ysmael at Lawrence. May kasama silang ibang empleyadong babae at lalake pero wala si Heaven. Mukhang hindi nga siya nakapasok. Pagkabili ko ng gamot at maiinom ay umalis na rin agad ako ng cafeteria at nagpasya ng bumalik ng department namin. Nakababa lang ang tingin ko habang sakay ng elevator pabalik sa floor namin. Lalo akong nanghina o nawalan ng gana. Napipikit na ang mga mata ko sa antok. Pumihit muna ako ng daan papunta sa restroom sa floor namin. Doon ko balak inumin ang gamot na binili. Kailangan ko na yatang magpaalam na makapag-undertime pero ilang oras na lang naman at uwian na. Nakakahinayang. Nakakailang hakbang pa lang ako paglabas ng elevator ay biglang may umagaw ng pansin ko. "Hey!" Napahinto ako sa paghakbang at lumingon. Dahan dahang nalaglag ang panga ko ng makita ko siyang mabilis na humahakbang papalapit sa akin. Si Heaven. Natulala ako ng tingin sa kanya. Huminto siya sa harap ko mismo then ngumiti. Lumabas tuloy ang pantay pantay at mapuputing ngipin niya. Iyong mga mata niya'y sadyang nanliit sa pagkakangiti. "Akala ko wala ka," wika niya habang naghahabol ng hangin. Mukhang napagod siya from something. Itinikom ko ang aking labi at tumitig lamang sa kanya. Bahadya akong nakatingala kasi mas matangkad siya sa akin. Akala niya wala ako? Hinahanap niya ba ako? "Okay ka lang ba? Nagpunta ako sa department niyo kanina pero wala ka. Akala ko nagkasakit ka na dahil sa lakas ng ulan kahapon." Hindi naman ako nakasagot ng anuman. Hindi kasi nagregister sa utak ko ang sinabi niya. Unti unting nawala ang ngiti niya at matamang tumitig sa akin. Napansin niya siguro ang kawalan ko ng kibo, "Okay ka lang ba?" Tumikhim ako at umiwas ng tingin, "A-akala ko din wala ka." Hindi ko napigilan ang pagpiyok. "Ganun ba?" humina ang boses niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya, "Hinahanap kita kasi may ibibigay ako." "May ibibigay din ako," mabilis niyang sabi. "Kaya kanina pa din kita hinahanap." Seryosong wika niya pa. Natigilan naman ako. "Here," saka niya inilahad ang bagay na hawak niya. Napatingin ako doon at saglit natulala. "Naiwan mo ito kagabi sa taxi. I thought of returning it to you personally today." Yung payong ko. Oh, swerte! Napakatagal na kasi ng payong na ito sa akin. Natanggap ko ito na regalo kaya ingat na ingat din ako. Muli akong napatingin sa kanya matapos kunin iyon at pilit na ngumiti, "Salamat." Bahadyang umangat ang dulo ng kanyang labi, "Salamat lang?" "Hah?" Nabigla naman ako. "Alam mo. Kanina pa ako nagpapabalik balik sa department niyo para lang maisaoli iyan. Para makita ka," saglit siyang umiwas ng tingin at nakita ko ang ginawa niyang pagtiim bagang. Napamaang ako. "I thought you'd be glad to have that back," muli siyang tumingin sa mukha ko. "I--," napalunok ako. "I'm glad." "Good," tango niya. "Salamat lang ba ang ibibigay mo sa akin?" Bumuntung hininga ako, "May ibibigay din ako." Kinuha ko yung puting sobre na naitupi ko na at inilagay sa bulsa ng pants ko. Akala ko kasi talaga wala siya kaya balak kong bukas o sa ibang araw na lang ito iabot. "Ito," inilahad ko sa harap niya ang sobre. Napatingin siya sa inaabot ko then lumipat sa mukha ko uli. Tahimik niyang kinuha ang sobre, "What's this?" Bumuka ang labi ko para sumagot pero nalunod ng ingay na mula sa grupong lumabas mula sa elevator ang sasabihin ko. Napatingin ako sa mga papalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD