Chapter 6

1244 Words
NAPATINGIN siya sa inaabot ko then lumipat sa mukha ko uli. Tahimik niyang kinuha ang sobre, "What's this?" Bumuka ang labi ko para sumagot pero nalunod ng ingay na mula sa grupong lumabas mula sa elevator ang sasabihin ko. Napatingin ako sa mga papalapit. Sina Ysmael, Lawrence at dalawang babae na ka-opisina nila. "Nagkita din kayo," nakangising bungad ni Ysmael pagkalapit sa amin. Mahina niyang tinapik sa balikat si Heaven at tinanguan ako. Maputi din si Ysmael tulad ni Heaven. Matangos ang ilong at may malalim na dimple sa kaliwang pisngi. Kapansin pansin iyon dahil lagi niya ring ipinapakita. "Kanina ka pa hinahanap ni Heaven," seryosong wika naman ni Lawrence na ang tingin ay nasa akin. Sa kanilang tatlo ito naman ang mukhang masungit at seryoso masyado. Matipid siyang ngumiti. Hindi tulad ng dalawa. Napakagat ako ng labi ng maisip ang sinabi nito. Kanina pa ako hinahanap ni Heaven? Bakit? Para sa payong? "Ano yan? Loveletter?" nakatawang wika ng isa sa babaeng kasama nina Ysmael. Namula ang magkabila kong pisngi at agad nag-iwas ng mukha. Shet. Napagkamalan pa nilang loveletter yung binigay ko. "Oi, tol! Ano ba yan?" narinig kong tanong ni Ysmael. Umatras ako. Hindi ko nakita ang reaction ni Heaven. Nagulat na lang ako ng biglang kunin ni Heaven ang kamay ko. Inilahad niya iyong nasa ibabaw ang palad. Napatingin tuloy ako sa kanya lalo na ng ilagay niya sa ibabaw ng palad ko iyong puting sobre. Ibinalik niya sa akin. Mabilis na nag-connect ang mga mata namin. Matiim ang titig niya at madilim ang anyo. Medyo nag-alala ako at napaawang ang labi sa gulat at pagtataka. Bakit? Kulang kaya? "I don't need this," madiin din niyang wika nang hindi nag-aalis ng tingin sa akin. Nanginig ang labi ko, "Pe-pero --." Dumilim lang lalo ang mukha niya at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko, "I won't take it." Lihim akong napasinghap. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang ginawang palihim na pagbubulungan at tawanan ng mga kasama nina Ysmael na mga babae. Nag-blush ako ng sobra dahil sa pagkapahiya. Alam kong iniisip nila. Nag-init tuloy ang mga mata ko dahil sa luha pero wala akong masabi. "I won't take it, Leiana. If you really want to make up to me. Date me instead." Nanlaki ang mga mata ko at umatras ang mga luha. What?! Tumingin ako sa kanya. Matiim lamang siyang nakatitig sa akin at hindi ko malaman kung anong iniisip niya. Basta. Seryoso lang siya. Binitiwan na niya ang kamay ko pero naiwan iyon na nakaangat. Hindi ako nakakilos sa pagkatulala. "I'll see you later then. Wait for me," pagkawika nun ay nilagpasan na niya ako at sumunod sa kanya ang mga kaibigan. Tulala pa rin ako. "Tol, binigla mo naman masyado. Dapat dahan dahan lang," narinig ko pa ang boses ni Ysmael. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa akin o nang-aasar lang. Hindi tuloy ako mapalagay after nun. Hindi ko talaga alam kung anong iisipin ko. Ang resulta. Wala na akong natapos na gawain. Napahilig ako sa mesa at pagod na napabuga ng hangin. "Huy! Sa bahay ka na matulog," puna sa kin ni Tina ng tumayo na ito. "Hmmm..." tango ko kahit nanghihina na ko. "Umuwi ka na. Wag ka ng magkalat ng virus dito," tinignan niya ako na nakakunot noo. "Oo," nag-angat na ako ng ulo. "Yung basura, itapon mo muna pala," pagkasabi nun ay umalis na rin. Ewan ko ba kung concern ba siya sa akin o hindi. Tss. Nanlalata akong tumayo at linapitan iyong trash bin. Katulad ng nakasanayan kong gawin. Umikot ako sa bawat cubicle. Napatalon ako sa pwesto ng biglang bumukas iyong pinto ng department namin. Mabilis akong napalingon at nakita si Heaven na nasa bungad nito. "You waited," ngumiti siya. Nagtaka ako sa sinabi niya. Bahadya akong napangiwi at umiwas ng tingin. Yumukod ako para pulutin iyong papel na nabitiwan ko sa sobrang gulat. I didn't wait for him. I am always late like this. "Tara na. Anong ginagawa mo?" humakbang siya papalapit sa akin. Tumayo ako ng deretso, "May ginagawa pa ko." "Ano yan?" Nakatingin siya sa hawak kong trash bin, "Naglilinis ka pa?" "Itatapon ko lang muna ito," nilagpasan ko siya pero sumunod naman siya sa akin. "Why are you doing that? May janitor naman ah." Umiling lang ako. "Hey!" Bigla siyang sumulpot sa harap ko at inagaw sa akin iyong trash bin. Mabigat siyang napabuga ng hangin, "Ako nang magtatapon nito. Fix yourself." Mabilis siyang umalis sa harap ko at sandali akong natulala. Bumalik ako sa mesa at nag-ayos na ng gamit. Kasabay na niya sina Ysmael at Lawrence pagbalik. Nagpaiwan ang dalawa sa labas ng department samantalang si Heaven ay pumasok para lapitan ako. "Let's go," wika niya ng maibaba ang trash bin. Tumango na lamang ako. Nakasunod ako sa kanya papalabas. Agad naman na sumalubong sina Ysmael at Lawrence sa amin. "Hi, Leia." Unang bati ni Ysmael. Alanganin akong ngumiti. Hindi ko pa sila ka-close. I'm not sure how I would address them, though. "Tol, maybe you should properly introduce us first para hindi siya mailang," nakangiting wika ni Ysmael. Bakit kailangan ng introduction? Kilala ko na naman sila. Oh, well.... baka ako yung hindi pa nila kilala. "Sus! Kailangan ba?" nakatawang wika ni Heaven na nasa tabi ko. Tumikhim ako kaya napatingin silang tatlo sa akin, "I'm Leiana Stella Fuentes." Pilit akong ngumiti pagkatapos. Natahimik naman sila at nanatili na nakatitig sa akin. "Kilala ko na kayo. Lahat ng gawa niyo dumadaan din naman sa akin bago ipasa sa upper officers ng kumpanya kaya kilala ko kayo." Nagpalitan ng tingin ang tatlo. Nagtaka naman ako. "Well, I think you don't," wika ni Ysmael. He smirked a little. "You don't know us that well pa." Hindi ako umimik. Alam ko naman 'yon. Ngumiti si Ysmael at naglahad ng kamay sa akin, "Ysmael Hernandez." Bumuntung hininga ako at tinanggap ang nakalahad nitong kamay, "Leiana." Agad din itong nagbawi ng kamay, "And this is Lawrence Samaniego." Pakilala nito kay Lawrence. Inilahad ko ang aking kamay papunta kay Lawrence. Napakunot noo ako kasi matiim niya akong tinititigan sa mukha bago tinanggap iyong pakikipag-shake hands ko. Lalo akong nagtaka ng hindi niya agad iyon binitiwan. Napatingin ako sa mukha ni Lawrence nang mahina niya akong hilahin at iyong isa pa niyang kamay na malaya ay humawak sa gilid ng leeg ko. Nanlake ang mga mata ko at agad pinamulahan ng mukha. Napaatras ako ng pumagitna si Heaven at hinawi ang kamay ni Lawrence. Pati iyong magkahawak namin na mga kamay hinawi niya. "Tol?!" May kalakip na babala sa boses ni Heaven. Itinago niya ako sa likod na parang pinuprotektahan ako from someone. "Easy," nagtaas ng dalawang kamay si Lawrence na parang sumusuko. "I'm just checking. I think you need to drive her home first. She's freaking sick." "What?" React ni Heaven. What? Wala sa loob na napahawak ako sa sarili kong leeg. Shet! Ang init ko na nga. Natuluyan na yung lagnat ko. Humarap sa akin si Heaven at walang babalang sinapo ako ng dalawang kamay sa mukha, "May sakit ka?" Napamaang na lang ako. "You should pay attention to your girl, Heaven. Don't be too insensitive," makahulugang wika ni Lawrence. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Heaven sa harap ko. Napakunot noo ako. Bakit ganito silang mag-usap? Natawa naman si Ysmael, "Mukhang hindi matutuloy ang date niyo ngayon." Oh?! Binitiwan na ako ni Heaven at tinitigan sa mukha ng matiim, "I'll drive you home. Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD