Chapter 2: The Phoenix Invitation

839 Words
Friday arrived faster than Avianna expected. Buong linggo niyang pinag-isipan kung pupunta ba siya o hindi.Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit siya inimbitahan ni Sophia. Hindi naman siya influencer. Wala siyang libo-libong followers. Wala siyang luxury lifestyle. At mas lalong wala siyang koneksyon sa mundo ng social media celebrities. Pero sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Sophia— 'A place where stars are made.' —may bahagi sa kanya na gustong malaman kung ano nga ba ang Phoenix Society. Kaya nang dumating ang Biyernes ng gabi, naroon siya sa harap ng salamin sa maliit nilang inuupahang apartment. Simple lamang ang suot niya. Isang black dress na ilang taon na niyang hindi nagagamit. Wala itong designer label. Wala itong mamahaling tatak. Pero malinis at maayos. Lumabas siya ng kwarto. Nakaupo ang kanyang ina sa sala habang nanonood ng television. Napatingin ito sa kanya at ngumiti. "You look beautiful." Napangiti rin siya. "Salamat, Ma." "Feeling nervous?" "Very." Tumango ang kanyang ina. "Good." Napakunot-noo siya."Good?" "Kapag kinakabahan ka, ibig sabihin may bagay na mahalaga sayo." Napatawa siya. Minsan talaga, may kakaibang wisdom ang kanyang ina. Lumapit ito at inayos ang kanyang buhok. "Saan nga ulit 'yan?" "Some influencer gathering." "Influencers?" Tumango siya. Mukhang nag-aalala ang kanyang ina. "Mag-ingat ka." "Opo." "At huwag mong kalimutang maging sarili mo." Sandaling natahimik si Avianna. Noong panahon na mayaman pa sila, madalas siyang magpanggap. Magpanggap na masaya.Magpanggap na interesado sa mga taong gusto lamang ang kanilang pera.Ngayon, wala na siyang kayamanan.Pero kahit papaano, mas totoo na siya sa sarili niya. "I will." Makalipas ang ilang minuto, dumating ang sasakyan ni Sophia. Hindi na naman niya napigilang mamangha. A luxury vehicle. Driver. Tinted windows. Everything screamed wealth. Pagpasok niya sa sasakyan, agad siyang sinalubong ni Sophia. "You came!" "Of course." "Good. I would've dragged you there myself." Napatawa siya. "Comforting." Habang bumibiyahe sila, napansin niyang pumasok sila sa isa sa pinakamayamang distrito ng siyudad. She became more nervous. "How exclusive is this thing exactly?" Sophia grinned. "Very exclusive." That didn't help her nervousness. Pagkaraan ng halos tatlumpung minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking mansion. Nanlaki ang mga mata ni Avianna. The place looked like a luxury resort. May fountain sa gitna. May mga imported cars na nakaparada sa labas. May security guards. At may mga taong mukhang artista na papasok sa loob. "Oh wow." "Welcome to Phoenix Society." Napalunok siya. Habang naglalakad sila papasok, pakiramdam niya ay wala siya sa lugar. Lahat ng tao ay mukhang mayaman.A perfect brand new clothes. A perfect hair. A perfect makeup. Parang walang totoong tao. Parang lahat ay gawa para sa camera. Pagpasok nila sa grand hall, agad silang napansin ng ilang tao. "Sophia!" "You're finally here!" Nagbeso-beso ang mga ito. Nagyakapan. Ngumiti. Tumawa. Pero may napansin agad si Avianna. The smiles didn't reach their eyes. Parang may kompetisyon. Parang may sinusukat. Parang bawat tao ay naghihintay ng pagkakataong malamangan ang isa't isa. "Sophia." A woman came to her. Beautiful. Elegant. At halatang galing sa mayamang pamilya. Nakasuot ito ng puting designer gown.Diamond earrings sparkled under the lights. "This must be Avianna." Tumango si Sophia. "Everyone, this is Avianna Louise Herera." Biglang tumahimik ang ilang tao. Napansin iyon ni Avianna. May mga mukhang nakilala ang kanyang apelyido. May mga mukhang nagulat. May mga mukhang naawa. The fallen Hereras. Mukhang iyon pa rin ang tingin ng mga tao sa kanila. Ngunit bago pa maging awkward ang sitwasyon, ngumiti ang babae. "I'm Yoona Akira Veron." Napatingin si Avianna. The name sounded familiar. Very familiar. Then she remembered. Political dynasty. Business empire. Old money. Isa ang pamilya Veron sa pinakamakapangyarihan sa bansa. "It's nice to meet you." Ngumiti si Yoona. "Likewise." Hindi tulad ng iba, tila genuine ang kanyang ngiti. At higit sa lahat, wala siyang naramdamang panghuhusga. Maya-maya pa, may isa pang lalaking lumapit. Matangkad. Naka-tailored suit. Mukhang model ang galawan. At nakakainis ang pagiging gwapo nito. "Sophia." "Akihiro." Napalingon si Avianna. Akihiro Theodore Wilder. Kahit siya ay kilala ang pangalan. CEO ng isa sa pinakamalaking cosmetics companies sa Asia. Young billionaire. Business genius. Media favorite. At sa kasalukuyan... Nakatingin ito sa kanya. Direkta. Hindi siya komportable. "You're Avianna." Parang hindi iyon tanong. Tumango siya. "Yes." Ngumiti ito nang bahagya. "I've heard so many things about you." Napakunot-noo siya. "Heard what exactly?" Mabilis na nagtawanan sina Sophia at Yoona. Ngunit si Akihiro ay tila amused. "That you're honest." Napakurap siya. "That's a strange thing to be known for." "Not in this room." Biglang natahimik si Avianna. Napatingin siya sa paligid. Sa mga influencer. Sa mga content creators. Sa mga celebrities. Sa mga taong tila perpekto. At sa unang pagkakataon, napansin niya ang isang simpleng katotohanan. Everyone here was performing. Lahat sila ay may role. May image na pinoprotektahan. May brand. May maskara. At marahil... Siya lamang ang taong walang suot na maskara. Habang nagpapatuloy ang gabi, hindi niya alam na iyon mismo ang dahilan kung bakit siya magiging sentro ng atensyon ng Phoenix Society. At dahilan din kung bakit marami ang matututong kamuhian siya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD