No Filter

914 Words
Hindi komportable si Avianna. Dalawang oras na siyang nasa Phoenix Society gathering, ngunit pakiramdam niya ay isa siyang estrangherong aksidenteng napadpad sa maling lugar. Habang ang ibang bisita ay abala sa pagkuha ng selfies, paggawa ng content, at pakikipag-network, mas gusto niyang tumayo sa isang sulok at pagmasdan ang mga tao. And what she saw fascinated her. At the same time, it disturbed her. Lahat ay mukhang masaya. Lahat ay tumatawa. Lahat ay nagpo-post ng photos. Pero sa likod ng mga ngiti, may tensyon. May kompetisyon. May insecurity. At higit sa lahat, ang lahat ay mapagpanggap. "You're observing everyone." Napalingon siya. Nakatayo sa tabi niya si Akihiro Theodore Wilder. May hawak itong baso ng sparkling water. "Is it that obvious?" "A little." Napangiti siya. "Sorry." "Don't apologize." Sandaling natahimik si Akihiro bago tumingin sa mga influencer na nasa gitna ng hall. "What do you think?" Napaisip siya. "About what?" "The Phoenix Society." Nag-atubili siya. Mukhang seryoso ang tanong. At alam niyang karamihan sa mga tao rito ay sasagot nang diplomatiko. Pero hindi siya ganoong tao. "They look exhausted." Napakurap si Akihiro. "Exhausted?" "From pretending." Sandaling natahimik ang lalaki. Pagkatapos ay natawa na lamang siya. Hindi iyong pilit na tawa. Tunay na tawa. At mukhang matagal na itong hindi nakakarinig ng ganoong sagot. "Interesting." "Wrong answer?" "No." Nakangiti pa rin ito. "It's probably the most honest answer I've heard all year." Napailing si Avianna. "Then you should meet more people." Bago pa makasagot si Akihiro, may lumapit na grupo ng influencers. Nangunguna si Isabelle Iris Sterling. Napakaganda nito. Napakaganda ng damit. Napakaganda ng buhok. Napakaganda ng makeup. At halatang alam nito iyon. "Oh." Tiningnan nito si Avianna. "The famous Avianna Herera." Napakunot-noo siya. "I'm not famous." "Not yet." Hindi niya gusto ang tono nito. Ngunit ngumiti pa rin siya. Si Isabelle naman ay tumingin kay Akihiro. "I didn't know you were hiding such interesting company." Mukhang biro iyon. Pero may kakaibang laman. Parang may bahid ng panunukso. Napansin iyon ni Avianna. At mukhang napansin din iyon ni Akihiro. "I'm not hiding anyone." "Oh Sure." Tumawa si Isabelle. Pagkatapos ay tumingin muli kay Avianna. "So, what's your follower count?" Diretsahang tanong. Halatang sinusukat siya. "Wala pang five thousand." Tumahimik ang grupo. May ilan pang napatingin sa isa't isa. At pagkatapos— May bahagyang pagtawa. Hindi malakas. Pero sapat para marinig niya. "Five thousand?" "Seriously?" "That's cute." Napabuntong-hininga si Avianna. There it is. The judgment. The thing she had been expecting all night. Ngunit bago pa siya makapagsalita, may nagsalita mula sa likuran. "At least they're real." Lumingon silang lahat sa nagsalita. Si Yoona Akira Veron. Tahimik itong lumapit. Kalmado. Elegante. At mukhang walang pakialam sa reaksyon ng iba. "What do you mean?" tanong ni Isabelle. Hindi agad sumagot si Yoona. Tumingin lamang ito sa grupo. "Nothing." Pero sapat na iyon. Biglang naging awkward ang atmosphere. Parang may tinamaan. Parang may natamaan nang eksakto. At iyon ang unang pagkakataon na napansin ni Avianna ang isang bagay. May takot sa mga mata ng ilan. Mabilis lamang at halos hindi makita. Pero naroon ang takot. Na para bang may lihim silang ayaw mabunyag. --- Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Avianna sa terrace upang magpahangin. The mansion overlooked the city skyline. Napakaganda ng tanawin. Thousands of lights. Towering buildings. The entire city stretched before her. At sa unang pagkakataon buong gabi, nakahinga siya nang maayos. "Escaping already?" Napalingon siya. Si Sophia. May hawak itong champagne. "You look overwhelmed." "I am." Tumabi ito sa kanya. "Gets ko." "How do you survive this?" Napatawa si Sophia. "Practice." "By pretending?" Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito. Hindi dahil sa galit ito. Kundi dahil natamaan. "You're really direct." "You keep saying that." "Because it's true." Tahimik silang dalawa. Pagkatapos ay nagsalita si Sophia. "Do you know why I invited you?" "Hindi." "Because you're different." Napatingin si Avianna. Sophia stared at the city lights. "Everyone here wants something." "Money?" "Power." Tumango si Sophia. "Attention. Validation. Fame." Sandaling natahimik ito. "Sometimes all three." Napangiti si Avianna. "Sounds exhausting." "It is." Nagkatinginan sila. At sa unang pagkakataon mula nang magkita silang muli, tila naging totoo ang usapan nila. Walang mga camera. Walang audience. Walang followers. Dalawang dating magkakilala lamang. Then Sophia smiled. "Maybe that's why I wanted you here." --- Bandang alas-onse ng gabi, nagsimula nang umalis ang mga bisita. Habang naghihintay si Avianna sa labas, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Napakunot-noo siya. Unknown notification. Instagram. Hindi naman siya masyadong active roon. Binuksan niya ito. At agad siyang natigilan. May bagong direct message. Mula sa isang account na hindi niya kilala. @bbstarhera Walang profile picture. Walang posts. Walang followers. Walang following. Isang mensahe lamang.Simple at maikli lamang ito. Pero sapat upang magdulot ng kaba. «Welcome to the Phoenix Society, Avianna. Be careful. Not everyone there is your friend.» Nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis niyang tiningnan ang paligid. May nakatingin ba sa kanya? May nagmamasid ba? Ngunit puro mga sasakyan lamang ang nakita niya. Mga security guard. At mga taong pauwi na. Muli niyang binasa ang mensahe. Pagkatapos ay may dumating pang isa. «If you want to survive, learn who wears the brightest mask.» Biglang may malamig na hanging dumaan. At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Phoenix Society— Nakaramdam si Avianna ng takot. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mensahe. Hindi niya alam kung bakit siya nito kinakausap. At lalong hindi niya alam na ang anonymous account na iyon ang magiging susi sa kanyang pag-angat... At sa kanyang pagbagsak. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD