Hindi nakatulog si Avianna nang maayos noong gabing iyon.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mensahe mula sa anonymous account.
@bbstarhera.
Sino siya? Paano niya nalaman ang pangalan niya?
At higit sa lahat... Bakit siya binabalaan? Nakahiga siya habang nakatingin sa kisame ng maliit nilang kwarto.
Noong nakaraan, ang mga problema niya ay tungkol lamang sa pera.
Kung paano siya makakabenta ng sapat na cosmetics.
Kung paano babayaran ang mga natitirang utang ng pamilya.
Kung paano niya matutulungan ang kanyang ina.
Simple. Masakit. Pero simple.
Ngayon, bigla siyang nasangkot sa isang mundong puno ng sikreto. Isang mundong hindi niya naiintindihan.
Kinabukasan, habang naghahanda siya para magtrabaho, nakita niyang may panibagong notification.
Napahinto siya. Isa na namang message. Mula kay bbstarhera. Hindi niya agad binuksan.
Sa ilang segundo, pinag-isipan niya kung dapat ba niya itong i-ignore.
Pero nanaig ang curiosity. Binuksan niya.
Sophia Celestine Gamboa. Successful influencer. Seven million followers.
Public image: humble, hardworking, self-made.
Reality: She didn't build everything alone.
Nanlamig ang kanyang kamay. Binasa niya muli.
Hindi niya alam kung maniniwala siya.
Sophia ang taong nagbigay sa kanya ng pagkakataong makapasok sa Phoenix Society.
Ang taong unang tumingin sa kanya bilang tao, hindi bilang dating mayamang babae.
Pero bakit may nagbabala tungkol sa kanya? Agad niyang isinara ang message.
"Hindi ako dapat nakikisali."
Iyon ang sinabi niya sa sarili. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi nawala ang curiosity.
Sa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang normal niyang buhay.
Door-to-door selling.
Pagbisita sa iba't ibang bahay. Pakikipag-usap sa mga customer. Pagtanggap ng pagtanggi. Ngunit may isang bagay na nagbago. Napansin niya ang kanyang sarili na mas madalas niyang tinitingnan ang social media. Dati, para lamang iyon sa entertainment. Ngayon, pinag-aaralan niya na.
Paano gumawa ng magandang post. Paano kumuha ng litrato. Paano gumawa ng caption. Paano nakukuha ng mga influencer ang atensyon ng tao.
At doon niya nakita ang isang bagay. Hindi pala sapat ang pagiging maganda. Hindi pala sapat ang pagiging mayaman. Ang social media ay isang laro. At ang mga marunong maglaro ang nananalo.
Isang gabi, habang kumakain sila ng hapunan ng kanyang ina, nabanggit niya ang tungkol sa Phoenix Society.
"Parang ibang mundo sila," sabi niya.
"Masaya ka ba roon?"
Napaisip siya.
"I don't know."
"Then why go back?"
Hindi siya agad nakasagot. Dahil ang totoo...
May parte sa kanya na gustong bumalik. Hindi dahil gusto niyang maging tulad nila. Kundi dahil gusto niyang maintindihan sila.
Makalipas ang ilang araw, nakatanggap siya ng tawag mula kay Sophia.
"You're coming tomorrow."
Hindi man lang ito nagtanong. Napatawa si Avianna.
"Coming where?"
"Coffee."
"That's not a normal answer."
"Fine. Coffee meeting."
"Why?"
"Because I have an idea."
Napabuntong-hininga si Avianna.
"Sophia..."
"Trust me."
Iyon ang problema. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Sophia. Pero pumayag siya.
Kinabukasan, nagkita sila sa isang eleganteng café. Hindi tulad ng Phoenix Society gathering, mas tahimik ang lugar. Walang cameras. Walang malaking grupo. Dalawa lang silang magkaibigan.
"I want to help you."
Diretsong sinabi iyon ni Sophia. Napatingin si Avianna.
"Help me?"
"Yes."
"Bakit?"
Saglit na natahimik si Sophia.
"Dahil nakikita ko ang sarili ko sayo."
Hindi niya inaasahan iyon.
"Anong ibig mong sabihin?"
"When I started, nobody believed in me."
Napangiti si Sophia.
"Everyone thought I was just another girl trying to become famous."
"And now?"
"Now everyone wants to know me."
Napatingin si Avianna sa kanya.
"Pero bakit ako?"
"Dahil hindi ka trying hard."
Napatawa siya.
"That's a strange compliment."
"It's not."
Lumapit nang bahagya si Sophia.
"The problem with influencers today is everyone is trying to look perfect."
"At ikaw?"
"Me?"
Tumango si Avianna.
Sophia smiled sadly.
"I'm good at pretending."
biglang tumahimik. Isang saglit lang.
Pero sapat upang makita ni Avianna ang isang bagay. Hindi rin pala sigurado si Sophia.
Sa likod ng milyon-milyong followers... May isang taong pagod din.
"I think you can become popular," sabi ni Sophia.
"Without pretending."
Hindi agad sumagot si Avianna.
"Dahil honest ako?"
"Exactly."
Nang gabing iyon, gumawa si Avianna ng desisyon.
Hindi siya magiging influencer para lang sumikat.
Hindi siya magiging katulad ng ibang tao na nakita niya sa Phoenix Society.
Kung papasok siya sa mundong iyon...
Gagawin niya ito sa paraan niya.
Binuksan niya ang kanyang cellphone. Gumawa ng bagong post. Simple lamang. Walang filter. Walang mamahaling background. Isang litrato niya habang hawak ang kanyang cosmetics bag.
Caption: "Starting again doesn't mean you failed. Sometimes, it means you discovered who you really are."
Hindi niya inaasahan ang mangyayari pagkatapos.
Sa unang oras...
Isang daang likes.
Pagkatapos...
Isang libo.
Pagkatapos...
Sampung libo.
At bago siya matulog...
May isang notification na nagbago sa lahat.
Sophia Celestine Gamboa shared your post.
At ilang minuto lamang matapos iyon...
May isa pang notification.
Akihiro Theodore Wilder followed you.
Hindi alam ni Avianna na ang simpleng post na iyon ang magiging simula ng kanyang pag-akyat.
Hindi niya alam na ang mundo na kanyang pinapasok ay hindi naghahanap ng bagong bituin.
Naghahanap ito ng bagong taong sisirain.
To be continued...