MY CRAZY THINGS TO DO

2057 Words
Ang pagmamahal ko sa'yo ay parang sirang electric fan. Iyong tipong hindi lumilingon sa iba, steady lang. Dahil para lang kay Sayori Cassidy ang pagmamahal ko dahil siya lang ang nag-iisang babae na naging dahilan ng malaking pagbabago sa'king buhay. Dati kasi isa akong gago na mabilis uminit ang ulo at mahilig magpaiyak ng mga babaeng nahuhumaling sa kaguwapuhan na mayroon ako. Sabi nila para nga akong si gangster na na-in love lang sa isang babae ay biglang tumino dahil simula ng makilala ko si Sayori sa kasiyahan sa bahay ng pinsan kong si Aeiora. Kaya pinilit ko ang pinsan kong si Aeiora na ipakilala ako sa kanya. Isa siyang maganda, mahinhin, maputi, may mahabang buhok, may hindi gaanong kataasan na height, at isang mapagkumbabang tao ang tingin ko sa kanya. Noong una ay ayaw nito dahil baka lokohin at paiyakin ko lang ang kaibigan niya. Pero ng sinabi ko sa kanya na si Sayori ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko ay pumayag naman agad siya sa kondisyon na kapag niloko ko ang kaibigan niya ay kalilimutan na niyang naging pinsan niya ako. Sa ilang linggong panunuyo ko sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak, tsokolate at pagde-date namin ay napasagot ko rin siya. Sa tuwing kasama ko si Sayori ay unti-unti kong nalalaman ang mga bagay tungkol sa kanya. Ayaw niya ng ampalaya, malansa, at mga masisikip na lugar. Ako si Drix Fuentebella, isang lalaking handang gawin ang lahat para lang mapasaya ang nag-iisang babaeng minahal ko bukod sa'king ina. Hindi ko talaga lubos maisip na gagawin ko ang lahat ng bagay na hiniling niya sa'kin kahit kapalit pa nito ay kahihiyan pa. Flashback Tatlong araw ng nakaratay si Sayori sa kama ng ospital kung saan may aparatong nakalagay sa braso at oxygen sa kanyang ilong. Awang-awa ako sa kalagayan niya dahil ang makikita ko lang sa kanya ay isang babaeng nakapikit, naka-hospital gown at maputla na itsura ng kasintahan ko. Sa walong buwan na naging magkasintahan kami ay hindi ko siya nakitaan ng panghihina man lang o kung may sakit man siya. Kaya nagulat na lang ako na pag-uwi ko isang araw galing trabaho ay bigla na lang binalita ni Aeora na nasa ospital si Sayori at may malalang sakit. Hindi ko alam noon ang magiging reaksyon ko ng malaman ko na may sakit ang babaeng mahal ko. Dahil hindi ko kayang mawala ang kaisa-isang babae na nagturo sa'kin para magmahal ng totoo. Pero bakit ganoon? Kung kailan ako nagseryoso doon naman nagloko ang tadhana. Sa tuwing pumapasok ako sa trabaho ay dumidiretso ako rito sa hospital para alagaan at bantayan siya. Umuuwi ka lang ako sa bahay namin para maligo at magpalit ng damit pagkatapos ay diretso na ako rito sa hospital. Tanging kami lang ni Aeora ang nagbabantay dito sa hindi ko alam na dahilan. Nagtataka ako kung bakit ang magulang niya ay hindi man lang nag-abala na pumunta rito para dalawin ang kanilang anak. Sa tuwing tinatanong ko naman ang pinsan kong si Aeora ay hindi naman ito umiimik. Isang araw natuwa ako ng malaman kong nagising na si Sayori kaya mabilis akong umalis sa trabaho ko para puntahan agad siya sa ospital. Mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya. "Sayori mahal, nag-alala ako ng husto sa'yo ng malaman kong nandito ka sa hospital. Hindi ko alam kung bakit hindi mo sinabi na may malala ka na pa lang sakit," umiiyak na sabi ko sa kanya. "Patawad Drix hindi ko sinabi sa'yo ang kalagayan ko dahil ayaw ko na mag-alala ka pa sa'kin. At pakiusap huwag mo na ring sabihin sa magulang ko ang tungkol dito dahil ayaw ko ng abalahin pa sila," mahinang sabi niya habang nakayakap sa'kin. "Hindi mo dapat sarilinin lang ang nararamdaman mo. Kung may dinaramdam ka nandito lang kami. Huwag mong isipin na pabigat ka lang sa'min dahil hindi mangyayari 'yon dahil mahal ka namin," malambing na sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi. "Ano ka ba Drix nanghahalik ka kita mo namang hindi pa ako nakakapag-toothbrush simula ng ilang araw akong hindi nagising," namumulang sabi niya sa'kin. "Nahiya ka pa mahal kahit isang taon ka pang walang toothbrush hahalikan pa rin kita," naluluhang sabi ko sa kanya. "Mahal na mahal mo talaga ako ano? Pero mamahalin mo pa ba ako kapag nalaman mong mamamatay na ako?" seryosong sabi niya sa'kin na naging dahilan ng pagkalas ko ng pagkakayakap ko sa kanya. Umupo ako sa upuan sa tabi ng pinsan kong si Aeora. "Hu-huwag kang magbiro ng ganyan Sayori dahil hindi nakakatuwa. Dahil hindi magandang biro 'yang sinasabi mo," tiim-bagang na sabi ko sa kanya. "Alam ko Drix pero hindi naman ako nagbibiro. May taning na ang buhay ko at tatlong buwan na lang ang natitira sa'kin bago ako mawala sa mundong ito. Kaya gusto ko sana bago ako mamatay ay pagbigyan mo ako sa hiling ko," malungkot na sabi niya habang nakatingin sa'kin. Binalingan ko ang pinsan ko upang tanungin siya tungkol sa bagay na 'to. "Alam mo na ba ang tungkol dito Aeora? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol dito?" seryosong tanong ko habang nakatingin lang sa kanya. Wala akong sagot na narinig man lang sa kanya at nanatili lang itong tahimik habang nakatingin kay Sayori na para bang humihingi ng tulong kay Sayori. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ganito pala kasakit ang malaman mo na mawawala na 'yong taong minamahal mo. Masikip sa dibdib at parang gusto mo na lang umiyak pero walang luha ang gusto ng lumabas. "Drix huwag ka magalit sa pinsan mo dahil ako ang nagdesisyon na huwag sabihin sa'yo ang tungkol dito. Sana pagbigyan mo ako sa tatlong kahilingan ko na gusto kong gawin mo para sa'kin bago ako mawala sa mundo," lumuluhang sabi niya habang nakatingin sa'kin. Tumayo ako para umupo sa kama niya at niyakap siya ng mahigpit. "Sige Drix lalabas na muna ako. Bibili lang ako ng makakain natin sa fastfood," sabi ni Aeora pagkatapos ay lumabas na ng silid. Magsasalita pa sana ako pero hindi na natuloy dahil nawala agad siya sa paningin ko kaya binaling ko na lang ang tingin ko kay Sayori. "Ano nga ulit 'yong hiling mo na gusto mong gawin ko?" masuyong tanong ko sa kanya habang nakahilig ang ulo niya sa dibdib ko at pareho kaming nakaupo sa kama niya. "Sana huwag kang magagalit sa hihilingin ko sa'yo," nakayukong sabi niya sa'kin. Kinutuban agad ako sa klase ng hihilingin niya sa'kin. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng kahilingan ba ang gusto niyang gawin ko para sa kanya. "Sige ano ba 'yon? Kung kaya ko namang ibigay bakit hindi diba? Basta para sa taong mahal ko," nakangiting sabi ko sa kanya. End of Flashback Nagsisi ako ng malaman ko kung anong kahilingan ang gusto niyang ipagawa sa'kin. Umpisa pa lang ng sinabi niya 'yong tungkol sa kanyang kahilingan ay nagdalawang-isip na ako kung gagawin ko o hindi. Ang unang hiling niya ay kausapin ko ang mga ex-girlfriend ko at humingi ng tawad sa mga ginawa kong p*******t ng damdamin nila. Noong una ay tumutol ako pero dahil sa kagustuhan ko na maging masaya ay ginawa kong makipagkita sa ibang ex-girlfriend ko na may contact ako. Manhid na nga mukha ko sa mga sampal at nakatikim pa ako ng masasamang salita sa kanila. At alam ko na dapat lang sa gagong tulad ko dahil sa pagpapaiyak at paggamit ko sa kahinaan nila para makuha ko ang gusto ko. Pagkatapos noon ay 'yong pangalawang hiling niya na ang ginawa ko. Takot talaga ako sa mga matataas na lugar pero dahil sa hiling niya ay ginawa kong sumakay sa Anchors Away sa Star City habang nagvi-video para ipanood sa kanya pagkatapos. Pakiramdam ko noong sumakay ako doon ay tinurukan ako ng sampung anesthesia sa katawan ko at namanhid na ako. Hindi ko na nga maramdaman ang katawan ko at blangko na rin ang utak ko dahil sa pagsakay sa rides. Ang pinakahuli ay hindi ko alam kung magagawa ko dahil sa lahat ito ang pinakamabigat sa hiniling niya. Parang gusto ko na lang sumuko at lumayo. Nandito ako ngayon sa bahay ni Sayori para samahan siya sa kuwarto niya habang nagpapahinga. Malakas na siya ngayon hindi katulad ng dati na nasa ospital siya at maputla. Tatlong linggo na rin ang nakalipas buhat ng ma-ospital siya hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa'kin ang sakit niya. "Drix, ayos ka lang ba? Kanina ka pa bumubuntong-hininga at mukhang malalim 'yang iniisip mo?" malambing na sabi niya habang magkatabi kaming nakaupo sa kama niya at hawak ang mga kamay ko. "Ayos lang ako mahal. Iniisip ko lang 'yong sinabi mo sa'kin noong nakaraan. Oo kinaya ko ang dalawang naunang hiling mo na humingi ng tawad sa mga ex ko at kahit takot ako sumakay sa extreme rides ay ginawa ko para sa'yo. Pero 'yong hiling mo na kalimutan kita ay hindi ko talaga kayang gawin. Patawad pero magalit ka na sa'kin hindi ko gagawin 'yan," malungkot na sabi ko sa kanya habang pilit kong pinipigil ang maiyak sa harapan niya. "Kahit na iwan mo ako o mawala ka man sa mundo hindi kita iiwan. Dahil mahal kita at ikaw lang ang babaeng minahal ko bukod sa mama ko. Please hilingin mo na lahat ng puwede mong hilingin kahit 'yong maging bakla ako ng isang araw gagawin ko huwag lang 'yong iwan kita. Hi-hindi ko makakaya 'yon," malungkot na sabi ko sa kanya. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Sa buong buhay ko ngayon lang ulit ako umiyak dahil sa isang babae. Ilang minuto rin na katahimikan ang dumaan bago ko narinig na nagsalita si Sayori. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at nakangiting nagsalita. "Mahal, mapapatawad mo ba ako sa ginawa ko?" "Bakit mahal? Ano ba 'yong ginawa mo?" takang-tanong ko sa kanya. Binitawan niya ang aking kamay at tumayo malapit sa bintana. "Ang totoo niyan wala talaga akong malalang sakit. Ginawa ko lang rason 'yon para malaman ko kung talagang totoong mahal mo ako. Alam ko magagalit ka sa ginawa ko pero..." hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Hindi ko na hinintay matapos ang paliwanag niya basta ngayon ang nararamdaman ko lang ay kasiyahan. "Masaya ako Sayori dahil hindi totoong mawawala ka sa'kin. Mahal na mahal kita at handa akong gawin lahat ng hilingin mo huwag lang ang iwan ka. Hinding-hindi ako magagalit sa'yo dahil alam ko na ginawa mo lang 'yan para malaman mo kung totoong bang mahal kita. Pinagkaisahan niyo pa akong dalawa ni Aeora, kaya pala wala rito ang parents mo para dalawin ka 'yon pala hindi totoong may sakit ka," nangingiting sabi ko sa kanya habang kinikiliti siya sa bewang niya. Tawa lang siya nang tawa habang pinipilit na lumayo sa'kin. Lahat ng mga kabaliwan na ginawa ko para sa kanya ay hindi ko lubos maisip na magagawa ko para lang sa kanya. Masaya ako dahil hindi totoong iiwan niya ako at mawawala siya sa piling ko. Kahit pa niloko nila ay hindi ko magawang magalit dahil pareho ko silang mahal. At alam ko na ginawa lang nila 'yon dahil sa pagiging maloko ko dati sa mga babae pero ngayon ay mapagmahal na sa aking kasintahan. "Tama na Drix, grabe ka sa'kin. Gusto mo ata matuluyan akong mamatay dahil sa katatawa," nakasimangot na sabi niya sa'kin. "Na-miss ko lang na marinig ang tawa ng mahal ko. Ilang linggo mo rin akong pinag-alala kaya bumawi ka," nakangiting sabi ko sa kanya. "Oo na po ipagluluto na kita ng paborito mong adobong manok mahal ko para makabawi ako sa kasalanan ko sa'yo," malambing na sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa'kin. Simula noong araw na sabihin niyang hindi totoo na may malalang sakit siya ay mas naging malapit at sweet kami sa isa't isa. Nakilala ko na rin ang magulang niya dahil umuwi ang mga ito galing sa Canada para magbakasyon kasama si Sayori. Katulad niya ay mababait rin ang mga ito at halata na gusto nila ako para sa anak nila. Malapit na rin kaming maghiwalay bilang magkasintahan dahil sa susunod na taon ay magpapakasal na kami para bumuo na ng isang pamilya. Sometimes the things that you are most afraid of are the things that make you the happiest. Wakas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD