Kabanata 4
“Mom, ako na munang magbabantay kay Christina. You should go home and take some rest. Baka ikaw naman ang magkasakit nyan.”
Nandito na naman ako sa hospital room ko. Ilang oras ko nang binabantayan si Mommy. Matapos nang mga pinaliwanag sa’kin ni Joshuel, dito agad ako nagpunta. Still, hindi ko pa rin naiintindihan halos lahat ng pinaliwanag nya. Ang sigurado lang ako ay kailangan ko ng sampung tao. Sampung taong babaguhin ko ang buhay for the better.
How ironic.
Gusto ko sanang tawanan ang explaination nya sa’kin but I chose to stay silent and alone for a while.
How can I even do that?
How can I change someone’s life for the better when I can’t even change what’s mine first?
“Eat this, Mom.”
Nakita kong may inabot na styro si Dave kay Mommy.Sigurado akong kakagaling lang nya sa pangangampanya. Almost two months from now it will be an Election Day.
Tatakbo ulit sa pagka-mayor si Daddy at si Dave ang tanging tumutulong sa kanya ngayon dahil nandito si Mommy sa hospital kasama ‘ko.
“I’m okay. Where’s your dad?” I saw Mom’s smile despite with her tired voice.
I really don’t know how can a Mother smiles so genuine even when she’s tired, pain or suffering. Sa tingin ko, isa yan sa mga super powers ng mga nanay.
“Nauna na syang umuwi sa bahay. Kakain daw muna sya then will take a nap bago pumunta dito.”
Both of them looked tired; physical and mental. And it’s my entire fault.
“I need to be here for your sister. Alam kong magigising na sya. At gusto kong ako ang una nyang makita pag nangyari yun.”
“I know that pero sigurado akong hindi sya matutuwa pag ikaw naman ang nagkasakit kakabantay sa kanya. Don’t worry, ako ang magbabantay sa kanya. I will never leave her side.” I saw Dave’s reassuring smile towards Mom then held my cold hand.
“Thank you. Thank you for being a good brother that she could ask for. Kahit hindi mo sya kadugo, still you love and cherished her as your own sister.”
“Because she is. We’re family. Wala namang nagbago. I knew it since beginning. May isip na ako nang dumating sya sa bahay natin. Hindi naman kailangan na magkadugo para maging pamilya. And I hope that that’s the thing she can finally understand.”
Then I just found myself silently crying while walking away in that room.
Nung nalaman ko ang totoo tungkol sa pagkatao ko, na ampon ako. It cracked my whole world and my heart. I tried to accept it. And God knows that I really tried. But everytime I tried to pick up those shattered pieces, it hurts me even more. Like a shatted pieces of glass, it makes a deep cut and I bleed even more.
That’s why I shut everything. Including those people that I love.
I pushed them all away.
Dahil nagagalit, natatakot at nasasaktan ako.
I can still remember the night that I unveil the whole truth.
It’s been three years since that night but I can still vividly remember it like it just happened yesterday.
And it still haunts me, even in my dreams.
It’s a Saturday evening, napagkasunduan namin ni Sheerie na pumunta sa themed park. Hindi ko pa kasi nararanasan makapunta dun.
“Sigurado ka ba na hindi magagalit sila Tito nito? Hindi man lang tayo nakapagpaalam.” May pag-aalalang tanong sa’kin ni Sheerie.
“Don’t worry, hindi naman tayo magtatagal dito. Gusto ko lang matry yung carrousel at ferries wheel nila tapos uuwi na tayo agad.”
And so we did, I thought that that’d be one of the happiest night in my life.
Hanngang sa umuwi ako.
“Tina! Saan ka ba nanggaling bat aka?” Salubong sa’kin ni Mang Dodoy pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng gate.
“Sa themed park po, kasama ko po si Sheerie.” Excited na kwento ko dito habang papunta sa bahay.
“Naku, bata ka. Bakit hindi ka man lang nagpaalam o nagpasama sa mga yaya mo? Kanina pa nag aalala dito ang Mommy at Daddy mo. Lalo na at may tumawag sa Daddy mo na hawak ka daw nila at papatayin ka pag hindi binitawan ng Daddy mo yung malaking kaso na hinaharap nya ngayon tungkol sa mga pinagbabawal na gamot.”
“Tina!”
Nakita ko si Mommy na patakbong umiiyak sa direksyon ko.
“Where have you been? Are you okay? Tell me, sinaktan k aba nila?”
“I’m okay, Mom. Galing lang kami sa themed park ni Sheerie. Hindi ako nagpaalam sa inyo ni Daddy cause I know that you won’t allow-“.
Hindi ko na natapos pa ang paliwanag ko nang makaramdam ako ng matinding sakit sa pisngi ko gawa ng malakas na pagkakasampal ni Daddy.
“Rafael!” Agad na tinulak ni Mommy si Daddy palayo sa’kin.
“Alam mo bang nag-alala kaming lahat sa’yo? Lalo na ang Mommy mo na muntik ng atakihin nang dahil sa’yo! What will you do if that’ll happen?” Patuloy na sigaw pa din ni Daddy habang nakaharang sa pagitan naming si Mommy.
“I said I’m sorry already, Dad! Ano bang gusto mong gawin ko? Magkulong nalang araw-araw dito sa bahay nang mag-isa?! I can’t do that, Dad. Ayokong maging miserable dito while all of you are busy with your own lives!”
Ito ang unang pagkakataon na nakita kong galit na galit si Daddy. At ito rin ang unang beses na sinagot ko sya. I was in shocked that’s why I said those things.
What I didn’t expect are the things that he’s about to say in the next few seconds…
“Well, I’m sorry if you’re living with a miserable life with us. If you think you can’t live a normal life here. Pwede kang bumalik sa mga tunay na magulang mo. Then maybe you can be happier with them.”
“Dad, enough!” Sakto namang kakadating ni Dave sa bahay kasama ang ibang pulis na sa tingin ko ay tumulong sa paghanap sa’kin.
“Please stop it, Rafael. Don’t say it. Don’t hurt our daughter.”
“She is NOT OUR DAUGHTER.” Agad na sagot ni Dad kay Mommy.
“Wait, What? What are you talking about? Dad? Mom? Dave?”Litong-litong tanong ko. Dad zipped his mouth, Mom cried harder while Dave just looked away.
Then that’s the time I found myself bursting in tears.
“What do you mean by …I’m not… your daughter?” I asked with a trembling voice.
“Tina, nabigla lang ang Daddy mo. It doesn’t mean anything at all. Umakyat ka muna sa kwarto mo.” Pang-aalo sa’kin ni Mommy but I won’t fall for thatcrap.
“Dad, kung may tinatago kayo sa’kin then this is the right time to reveal that. If there’s anything that I need to know then please tell me. I deserved to know the truth, especially if that’ll concern me.” I tried to look brave while saying this to the first man that I love.
I need to look brave so they can trust me that I can handle whatever they’re hiding from me.
“We’re not your real parents.” Dad answered.
Five words.
I didn’t know that five words can be this powerful.
Powerful enough to ruined all the things that you believed for.
Powerful enough to break the love and the trust you have for someone.
Powerful enough to hurt you that you just want to die already.
Akala ko kanina, yung pagsampal ni Dad sa’kin ang pinakamasakit na magagawa nya sa’kin. I didn’t know that he’d be capable to hurt me even more.
Mas gugustusin ko pang makatanggap ng sampu, bente o kahit ilan pang sampal kesa sa mga narinig ko mula sa kanya.
I run as fast as I could to my room after hearing the awful truth.
“Baby, please talk to us.” I heard mom outside my room.
It’s been days since that night and I haven’t been outside my room. And I haven’t talk to anyone.
I locked myself up.
I feel like I’m rotting here already.
Crying. Feeling weak. Empty.
Mula sa pagkagising ko, pagtulog at hanggang sa panaginip.. wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.
Alam mo yung pakiramdam na nagigising ka araw-araw para lang masaktan.
Weeks passed, I finally decided to go out and went to school.
Tried to accept everything. Tried to live a normal life once again.
But as soon as I step in our school’s premises, the students kept staring at me.
Like I’m kind a superstar or something.
“What an ungrateful b***h. Napakaswerte nya naman na mayaman ang nakapulot sa kanya.”
“Sabi ko na nga ba ampon lang sya. Look, wala man lang syang kamukha sa mga Sandoval.”
“And look at her attitude, she tried to excel at everything. Masyadong nagmamagaling.”
“I wonder if prosti ang nanay nya kaya nung nabuntis iniwan nalang sya kung saan-saan.”
These are the things that welcomed me…
How I wish that if we have a capability to shut our sight we can also do the same with hearings.
I don’t know how the students found out about it. Kumalat nalang ang balita na parang isang malaking apoy.
And then right after that, isa-isa nila akong nilayuan. Like I have a contagious disease or something.
I can’t do anything unless to locked up myself in a cubicle everytime.
“Did you saw the video of Tina? The one where Mayor slapped him? i literally got goosebumps when he said She is not my daughter.”
“Yeah, it went viral in the school’s website. I’m sure napanood yun ng lahat.”
“I wondered who post that by the way.”
“I thought you’re one of her friends?”
“I just befriend her dahil akala ko anak sya ni Mayor Sandoval. I thought it will benefit me. Well, not for now anymore.”
I don’t know how many hours did I lock myself in that stinky restroom after hearing those conersations.
I smiled bitterly when I remembered all their sweet and friendly gestures.
That’s when I learned that never ever trusts people.
Nandyan lang sila pag alam nilang may makukuha sila sa’yo at hangga’t may ibibgay ka pa. Pero pag wala na, kakalimutan nalang nila lahat, itataboy at pagtataksilan ka.
Hanggang sa unti-unti akong kinain ng kalungkutan. Nilamon ng galit/
Dumating din sa punto na sinasaktan ko ang sarili ko hanggang sa ginusto kong mawala nalang din ng tuluyan.
Ilang beses akong uminum ng kung anu-anong gamut, umaasa na sana hindi na ako magigising pa kinabukasan. Tinangka ko din maglaslas ng paulit-ulit. Para tuluyan nalang matapos ang lahat ng ito.
Pero walang nangyayari, I’m still alive after everything I’ve done.
“Ate, laro tayo!” Bumalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman kong may biglang humawak sa kamay ko.
Paglingon ko ay isang batang babae ang nakita ko sa tabi ko na sa tingin ko ay hindi lalagpas sampung taon ang edad. Nakasuot ito ng hospital gown at isang kulay pink na bonet.
“Nakikita mo’ko?” Tanong ko dito Pero hindi naman ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang akong hinatak palayo.
Dinala ako nito sa playground ng hospital.
Agad itong tumakbo at umupo sa isang bakanteng swing.
“Ate, laro tayo. Tulak mo po ako.” Nakangiti nitong utos sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinasabi nya.
“Paano mo’ko nakikita?” Takang tanong ko dito.
“Dahil may mata po ako.” Nakangiti nitong sagot sa’kin.
“Ang ibig kong sabihin kung spirit ka din ba? Comatose din? Multo o talagang may third eye ka lang kaya nakikita mo’ko?” Sunod-sunod na tanong ko dito.
Naupo naman ako sa katabi nitong swing at biglang humangin ng malakas. Dahil dun, tinangay ng hangin ang sombrero nitong suot.
At doon ko nakita ang buhok nito na unti-unti nang nalagas.
I want to asked some questions but I’d rather chose to be silent.
“Sabi ni Mommy, may sakit daw po akong leukemia. Kaya matagal na po akong nakatira dito sa hospital.” Nakangiti pa rin na kwento nito sa’kin.
Ngayon ko lang napansin na payat at nanghihina nga ang hitsura nito. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot para dito.
“Gaano ka na katagal na nandito?”
“Limang taon na po. Pero sabi ng mga doctor kailangan pa daw na magtagal ako dahil sa mga gamut na kailngan ko. Nakailang chemoteraphy na din po ako. Sabi din ni Mommy na brave girl daw ako dahil hindi daw po ako umaayaw sa tuwing in-inject nila sa katawan ko yung mga kailangan kong gamot.” Patuloy pa rin sa masayang pagkwekwento nito.
Dahil sa mga narinig kong yun, hindi ko alam kung anu bang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil sa pinapakita nyang tapang o malulungkot at maaawa dahil sa kalagayan nito.
“Ate, tara na po. Balik na tayo sa room ko. Mukhang nandoon na po si Mommy.” Sasagot pa sana ako pero bigla na naman nitong hinila ang mga kamay ko.
“Hindi ka man lang ba nalulungkot o nagagalit dahil sa nangyayari sa’yo?” Out of nowhere ay naitanong ko ito.
Napahinto naman sya sa paglalakad dahil sa tanong kong yun.
Napakabata nya pa para maranasan at magkaroon ng sakit na ganito. If she’s staying here for five years already then that means half of her life she’s been staying in the four corners of her hospital room. Habang yung mga ibang bata, masasayang namamasyal at naglalaro sa park kasama ang mga kaibigan nila.
“Hindi po. Bakit naman po ako malulungkot o magagalit? Sabi po ni Mommy, lahat ng nangyayari may dahilan. Sabi ng mga doctor isang taon nalang daw ang itatagal ko pero umabot pa po ako ng limang taon. Kaya malaking blessing na po yun ni Papa God sa’min.”
“How could you even handle that? Napakabata mo pa para dito. Hindi mo dapat nararanasan ‘to.”
“Mahirap at masakit po lalo na po nung umpisa. Pero hangga’t lumalaban po yung pamilya ko para sa’kin, sa tingin ko wala po ako karapatang sumuko o panghinaan ng loob. Hindi po ba?” Nakangiti na naman nitong sagot sa’kin.
Sasagot pa sana ako sa kanya pero hindi ko na nagawa dahil nagkagulo ang mga Nurse at Doktor.
“Tammy!” Sigaw ng isang babaeng kadaraan lang sa harap namin.
“Mommy!” Tawag naman nang batang kasama ko. At tumakbo na din kung saan papunta yung tinawag nya na Mommy kanina.
“Bilisan nyo po, Ate. Oras na po. Nandyan na po yung Mommy ko.”
Huminto kami sa children ward ng hospital kung saan napapalibutan ng mga nurse ang isang hospital bed. Kung saan nagkokombulsyon ang pasyente na nakahiga dito.
“Tammy baby, it’s okay. Okay lang kami ng Daddy mo.” Umiiyak na sabi nito habang akap ang pasyente.
“Alam kong pagod ka na. Huwag mo na kami isipin. Magpahinga ka na, Baby. Mahal na mahal ka ni Mommy.”
Then that’s the time na huminto ang pagkokombulsyon nito at narinig namin ang nakakabinging tunog na nanggagaling sa makina. Tanda na wala na itong buhay.
Doon ko lang din napagmasdang mabuti ang mukha ng batang pasyente. Kasabay ng pagbitaw sa’kin nang batang hawak ko.
“Ate, sasamahan ko po muna yung Mommy ko dito. Kailangan nya po ako sa tabi nya ngayon.” Nakangiti pa rin nito na paalam sa’kin.