Prologue
Prologue:
This story is dedicated to my other half. To the guy who guide and support me all through the way in everything I want to do. You will always be my guardian angel. And spending every seconds, minutes and days with you is like living in heaven here on earth.
Forever yours,
Dimasalang21
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
“Joshuel!!!!!”
Malayo pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang inis sa akin ni Michael habang tinatawag ang pangalan ko.
Kailangan ko munang maka-alis ditto bago ako mapagalitan ng tuluyan dahil palpak na naman ako sa binigay sa’king misyon.
“At sa tingin mo, saan ka maaaring pumunta Joshuel?”
Napahinto ako sa planong tumakas nang marinig ko si Michael na nagsalita sa likod ko.
Napatayo ako ng tuwid at mukhang mabait na humarap sa kanya.
“Wala naman Michael. Balak ko lang sanang mamasyal.” Sabay akbay ko sa kanya.
“Kung gayon, bago ka man lamang mamasyal. Maaari mo bang ikwento sa akin kung anu ng nangyari sa bagong misyon mo?” Buong otoridad nyang tanong at tingin sa akin.
“Ah. Yun ba. Ano kasi. Nagawa ko ang pinapagawa mo. Maayos naman ang-’’
Napatigil ako sa pagsasalita ng inangat ni Michael ang isang kamay nya sa harapan ko. Tanda na pinapatigil nya ako sa pagsasalita.
“Joshuel. Isa kang anghel. Pero nagawa mo pa ring magsinungaling. Lalong-lalo na sa akin. Hindi mo na ba talaga ako ginalang?”
Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway sa mga narinig. Hindi sya nagtaas ng boses pero halata naman galit sa mga binitawang salita.
Nakakatakot talaga ang pinuno ng hukbo ng mga anghel.
“Michael, hindi naman sa nagsisinungaling ako. Nagawa ko naman ang pinapagawa mo sa’kin.” Alam kong mali na ang sumagot pa pero nagawa ko pang mangatwiran sa harap nya.
“Nagawa mo nga pero sumobra ka naman. Ang pinapagawa ko sa’yo ay bigyan mo ng ulan sa lugar na yon para hindi tuluyang mamatay ang mga hayop at ang mga tanim. Nang sa gayon ay hindi magutom ang mga tao. Pero anong ginawa mo? Binigyan mo ang lugar na yon ng malakas na bagyo. Maraming hayop ang nawalan ng buhay. Maraming puno at mga tanim ang natumba at namatay. Binigay ko sa’yo ang misyon na ito para tulungan ang mga tao at hindi para lalong mahirapan!”
Ksabay ng pagsigaw ni Michael ay isang malakas at nakakatakot na kulog ang narinig sa buong kalangitan.
Gusto ko pa sanang sumagot pero umurong ang dila ko sa nakikitang galit dito.
“Lahat nalang ng ipagawa namin sa’yo ay ganito ang mga nangyayari. Ayaw ko mang sabihin ito pero wala ka nang nagawang tama. Noong una, ang akala ko mas makakatulong sa’yo pag may makakasama ka sa mga misyon mo pero imbes na makatulong ka sa kanila ay lalo ka lamang nagiging pabigat. Nung nakaraan lang nang pinasama kita kay kupido para tulungan sya sa araw ng mga puso pero anong ginawa mo? Para lang mapabilis ang misyon mo kung kani-kanino mo ginamit ang mga pana. Kahit sa mga maling tao at sa mga hindi dapat. Kaya ngayon, maraming tao tuloy ang nasasaktan at sawi sa pag-ibig. Mas marunong pang tumulong ang mga kerubin kesa sa’yo.”
Tahimik lang ako at nakayuko habang matamang nakikinig sa mga sermon na inaabot ko mula sa kanya.
“Sa totoo lang, hindi na namin alam kung anong gagawin sa’yo. Kaya ngayon, napagpasyahan ng lahat na bigyan ka ng isang mahalagang misyon. Magiging tagapagbantay ka ng isang tao. At nasa mga kamay mo kung tutulungan mo syang makaligtas at mabuhay. O tulad ng mga nauna mong misyon ay bibiguin mo lang. at bilang kaparusahan, kukunin namin ang mga pakpak mo. Kapag napagtagumpayan mo ang misyon na ito ay ibabalik naming sa’yo ang pakpak mo’t pagbibigyan namin ang isang kahilingan mo. Pero kapag nabigo ka ulit… hinding-hindi mo na mababawi pa ang mga ito.”
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>Angel’s Mission>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>