Kabanata 6
Day 1 out of 50
“Ganito ba ang ginagawa nya lagi? Magtatrabaho sa gabi, uuwi ng madaling araw. Matutulog ng ilang oras. Gigising at papasok sa eskwela hanggang mag-uwian at mag-aalaga ng mga kapatid?”
Reklamo ko habang sinusundan na namin si Llicec na naglalakad pauwi sa kanila.
Malapit ng mag alas-tres ng madaling araw at kakatapos lamang ng shift nito sa pinagtatrabahuhan na restaurant.
“Puro ka reklamo. Ang sabihin mo lang kasi hindi mo kayang gawin ang mga ginagawa nya. Palibhasa ang alam mo lang gawin kumain, matulog, uminom ng alak at pasamain ang loob ng mga magulang mo.”
“Why are you always mean to me? Do you have personal grudges? You’re my guardian angel so you’re supposed to be kind and take care of me.”
I pout as I said those. Hindi pa rin kasi ako sanay na ganito kasuplado at kasalbahe ang guardian angel ko.
“Imagine if I would be kind to you. You’ll just take advantage of it and you’ll never learn your lesson.”
“It’s time. Pumasok ka na sa katawan nya.” Joshuel suggested as Llicec fall asleep already.
It’s been an hour magmula ng makauwi ito sa bahay nila galing sa trabaho.
“What will happen to her by the way?”
“Don’t worry, parang natutulog lang sya nyan. Go on, we don’t have much time to waste.”
Unti-unti akong lumapit dito at humiga sa katawan nya.
Then I slowly opened my eyes and look at my bare hands which is Llicec’s hands.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, pero wala naman akong naramdamang kakaiba. It’s like as if I’m using my own body. Akala ko nung una, mahihirapan akong gawin ito.
Then I heard something growled. I stared at Joshuel who’s silently watching me.
“Don’t look at me. It’s not me.” He answered. As if he knows that I’m accusing him for being hungry.
Saka ko lang narealize na ako pala ang nagugutom nang kumulo ulit ang tyan ko at sumakit ito.
“Nagugutom ako.” Nahihiyang sabi ko dito then fake a laugh.
“Obvious naman. Magluto ka na ng kakainin mo.”
“Magluto?’ Confused na tanong ko sa kanya.
“Grrr!! Wala bang electric stove sa bahay na’to? Mauubusan na yata ako ng hininga kakabuga dito sa mga kahoy na’to.” Nagdadabog na sabi ko.
Halos lumipas na kasi ang 30 minutes ni hindi ko pa napapaapoy itong pinaglulutuan nila Llicec. Gutom na gutom pa naman na ako.
“Oh my gosh!” Napasigaw ako ng maramdaman kong may mga kamay na humawak sa balikat ko.
“Llicec, anak.” It turns out Llicec’s Mom.
“You scared me! Bakit gising na po kayo? It’s still early.”
Tiningnan naman ako nito na nagtataka.
“Ganyan ka pala pag nagugulat, anak. Nag-i-ingles ka na.” Nakangiti nitong komento at hinaplos ang mukha ko.
“Tigil-tigilan mo nga ang kaka-english mo nyan. Naninibago na sya agad sa’yo. Hindi naman kasi maarte at ganyan magsalita ang anak nya.” Out of nowhere ay bigla nalang sumulpot si Joshuel sa likod nito.
“Nagpa-practice lang po ako dahil sa gagawin po naming play sa school.” What a lame excuse. Kahit ako nakornihan sa palusot ko.
“Nakapagreview ka ba ng mabuti para sa exam nyo ngayon? Hindi ka ba masyadong napagod sa trabaho mo? Ang mabuti pa, ako nalang ang magluluto nyan.”
“Mabuti pa nga hoh.” I just simply answered then fake a laugh. Ignoring all the tings she’d asked me. Nakita kong napa-face palm naman si Joshuel na nasa likod nito.
“Unang araw mo palang ngayon, pero parang gusto mo ng sumuko agad. I wonder how you can even survive the next 49 days?” He playfully said as I walked down at the school’s hallways.
Gusto ko sana syang sagutin pero ayokong mapagkamalan na naman na baliw tulad kanina.
At sino ba naman kasi ang hindi maiinis, gutom na gutom na ako kanina pa. and I thought I can eat something decent nang magluto ng kung anu yung nanay ni Llicec. But it turns out na tuyo at kamatis na may suka at asin ang ulam. So I ended up eating nothing at all.
Idagdag pa na first time kong magcommute at sumakay ng jeep. Inaway pa ako ng isang pasahero dahil lang sa ayaw kong iabot ang pamasahe nya. Mukha ba nya akong yaya para gawin yun sa kanya.
At higit sa lahat itong nakakabuysit na Joshuel na’to. He’s been with me all the time but he did not do anything at all. Pinagtawanan at tinukso nya lang ako ng tinukso. What a big help right? Note the sarcasm. So I got mad and shout at him, nakalimutan kong ako lang pala ang nakakakita sa kanya. Kaya napagkamalan pa akong baliw ng ibang mga estudyanteng kasabay kong pumasok sa paaralan.
I just got flustered when somebody pulled my hair.
“What the hell do-“ Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang mamukhaan ko kung sinong gumawa nun.
I saw four bunch of ugly ladies. The ones who tried to bully Llicec before.
“Kanina pa kita tinatawag, pero hindi mo man lang kami pinapansin. Hindi mo ba kami naririnig o sadyang bingi ka na ngayon, Llicec?”
I smirked at what she said. Paano ko naman kasi sila papansinin they calling the wrong name. What a bunch of idiots.
“Anung tinatawa-tawa mo dyan?”
“Matapang ka na ba ngayon dahil lang pinagtanggol ka ni Christina last time?! Pwes, wala nang magtatanggol sa’yo ngayon. Dahil malapit nang mamatay ang babaeng yun.” At tinulak-tulak ako ng babaeng nag-aastang leader nila.
The good thing is I’m fast enough to grab her fingers and flip it.
“Who says that I need her to protect myself? Don’t you ever try to hurt me again and insult her. Kung hindi, makikita mo ang hinahanap mo.” Pinandilatan ko ito at malakas na tinulak palayo.
As I turned around, sinaklolohan naman sya ng mga alalay nya.
“Here you go again, how many times did I tell you to act like Llicec and not Christina? “ Napahinyo naman ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Joshuel with irritated face as usual.
“At anong gusto mong gawin ko? Hayaan nalang na kawawain ng mga yun si Llicec? Hindi ako ganun katanga para hayaan ang iba na kawawain lang ako.” Hindi na rin ako nakatiis na hindi sya pansinin. Bahala na kung may makakita sa’kin at sabihan na naman akong baliw.
Then I stormed out of the place. Kailangan ko pang hanapin ang classroom ko dahil mag-uumpisa na ang klase.
I can be perfect already if I’m not bad at directions. Nakatatlong ikot na yata ako sa hallway at nakarating kung saan-saan pero hindi ko pa rin makita kung nasaan ang room ni Llicec.
Wala na rin akong nakikitang estudyante sa daan. They’re probably at their own classroom by now. Hindi ko rin naman makita kung nasaan si Joshuel na syang dapat tumutulong sa’kin ngayon.
Mabuti nalang at may nakita akong estudyante na natutulog sa isa sa mga benches kaya agad ko itong nilapitan. Nakatakip ang bag nito sa ulo nito kaya hindi ko makilala kung sino’to.
“Excuse me.” Then I poke him. Pero hindi man lang ito gumalaw.
Masyado yatang napasarap ang tulog nito dito.
“Hey, I said excuse me.” Tinulak ko ito ng medyo malakas, but still no respond.
“Ayaw mo’kong pansinin huh.” And out of my patience, hinila ko nang malakas ang buhok nito. Causing him to wake up from his sweetdream.
“Aray! What do you think you’re doing huh? Can’t you see I’m sleeping?!” Galit na galit akong hinarap nito. And all I can do is to make an awkward smile.
“Sorry. I just need to ask you something, naliligaw kasi ako. Besides, you’re not allowed to sleep here. It’s classtime already.”
“What? Are you a transferred student here?”
“No.”
“Then, are you an elementary student na naliligaw pa sa sariling school? Ano ka ba tanga? And who are you to talk to me? Hindi mo ba ako kilala?!” Galit pa rin na sigaw nito sa’kin.
Gusto ko din sanang sigawan ang isang ‘to na hindi nya rin ba ako kilala. But I just keep my mouth shut. At nagbilang sa isip ko para mawala ang inis ko.
“Get lost!” Sigaw na naman nito at nahiga ulit sa bench.
“Bangungutin ka sanang mayabang ka.” Bulong ko bago tuluyang umalis sa lugar na yun at maghanap ng ibang mapagtatanungan.
Thankfully, nakahanap naman ako ng mabait na guard at tinuro nya sa’kin yung daan sa classroom ko. Hindi ko nga lang masagot ang tanong nya kung bakit hindi ko maalala kung nasaan ang classroom ko.
Nagulat nalang ako nang makaramdam ako ng mahinang tapik galing sa likuran ko. When I turned around, I saw someone who has a nerdy eyeglasses with matching braces in her teeth.
“What?” Mahinang tanong ko dito.
“Kanina ka pa tinatawag ni Ma’am for your attendance pero hindi ka sumasagot.”
“Llicec Fajardo, are you still with us?!”
That’s the time that I noticed the teacher in front was calling my name. or Llicec’s name. I was pre-occupied, thinking about my family, Joshuel and that Primo.
“Yes, Ma’am.” I immediately answered.
Mukhang kailangan ko nang masanay na yun na ang tawag sa’kin mula ngayon.
“Primo Benedict Santillices.”
Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong tinawag din ng teacher namin ang taong kanina ko pa hinahanap at iniisip.
“Present.” A guy suddenly went in at hindi man lang tinapunan ng tingin ang teacher namin.
“Mabuti naman at hindi ka late ngayon sa klase ko. Kung hindi, ibabagsak na talaga kita sa subject ko.” Panenermon ng teacher namin dito.
“Yeah, it all thanks to someone who disturbed my sleep.” Sagot nito at huminto sa mismong harapan ko.
“Paano bay an? Hindi ako binangungot tulad ng hiniling mo?” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang binulong nya sa’kin yan.
And yes, it’s the same person na pinagtanungan ko kanina. At sya rin ang Primo na hinahanap ko.
What a great way to start my mission.
“And since, all of you are here already. Let’s welcome our new transferee. You may come in and introduced yourself.”
I don’t know it’s just me or what. But as soon as the new student walked in, parang nag slow motion ang paligid. I can even hear the sound of his footsteps.
He’s wearing black shoes, gray pants, white polo shirt and a gray cardigan which has the embroidery of our school’s initials. The male uniform suits him well. Isama pa ang one sided bangs nya.
He really looked like a cool guy. Yun bang mga leading lady sa mga Korean novella.
Hindi ko alam kung matutuwa, maiirita o mandidiri.
“I’m Joshuel Jhae Ramirez. Pleased to meet you all.” The new classmate showed his killer smile and his two cute dimples.
At ang sumunod kong narinig ay ang impit na tilian at kilig ng mga mahaharot kong classmates.
Then Joshuel met my gazed and gave me a wink.