"Brie! Wake up!!" tili ni Abigail ang gumising sa mahimbing na tulog ni Brielle. Ngunit imbes na bumangon, hindi niya ito pinansin. Ibinaon pa niyang lalo ang mukha sa unan at nagtalukbong ng kumot.
Anong oras na kasi sila nakauwi ni Jasper galing sa party kagabi. Napuyat pa siya sa kakaisip sa lalaki.
"Huy, gising!!" Hinatak ni Abigail sa kumot niya. "Gising!"
Pikit na bumangon si Brielle at naupo. "Bakit ba? Ang aga-aga pa, eh!" Maktol niyang kumakamot sa pisngi. "10AM pa ang klase ko!"
"OMG! Nakalimutan mo na ba?" eksaheradang sabi nito.
"Ang alinnn?" patamad na angil niya. Kahit kelan istorbo talaga ang babaeng 'to at mukhang hindi siya nito titigilan sa pangungulit.
"Seriously, Brielle? Ngayon yung sinasabi ko sayong mga booths at organization! Ano ba! come on! Maligo ka na!"
"Ano ba yun? Wala nga akong sasalihang organization!"
"And... so? Kailangan mo pa rin pumunta. For me! 'di ba nga sinabi ko sa'yo may itatayo kaming booth. You should be there to support me!" Hinatak siya nito patayo at hinila pababa sa kama. "Maligo kanaaa! Bilis!" Saka pinagtutulakan siya palabas ng silid.
Wala nang nagawa si Brielle kundi sumunod sa kaibigan. Dahil panigurado hindi siya titigilan nito. Pagbalik niya sa silid para magbihis. Wala na si Abigail sa kwarto. Pero nag-iwan ito ng notes na magsuot daw siya ng kulay red na damit.
"Kulay red? Para saan kaya?" Nagtatakang usal niya sa sarili habang naghahalungkat ng damit sa kabinet.
Paglabas ni Brielle ng dorm parang nasa party zone siya. Kaliwa't kanan ang sounds. Ang mga estudyanteng ay nagkalat sa university. Binalak pa niyang pumasok sa klase niyang pang-umaga. Pero wala pa lang professor kaya dumiretso siya sa gym kung saan idinadaos ang organization booths.
Sari-saring flyers ang iniaabot sa kanya. Hinihikayat na sumali sa mga ito. Daig pa ang networking at nag-aalok ng credit cards sa mga malls. Iba't ibang booth ang naroon. Kanya-kanya ng pakulo para dumugin sila ng mga estudyante.
Naiiling na pumasok siya sa gym at nakasalubong ang kaibigang si Ivan. "Ivan!" kaway niya sa lalaki.
Lately parang ghost si Ivan, hindi nagpaparamdam sa kaniya.
"Brie, delikado d'yan sa mga booth na 'yan!" hinihiningal at nahihintakutang anito.
Natatawang nagsalita si Brielle. "Bakit naman?"
"Mga nang hu-hunting yata 'yung mga 'yan. Ipoposas ka taspos pilit dadalhin sa marriage booth!"
Lalo siyang natawa. Ang OA talaga kahit kailan. "Sira! May mga nagpapahuli d'yan. Mga magjojowa! Mga pa-sweet!"
"Ayoko pa din," matigas na tanggi nito.
Gusto niyang sabihin as if may huhuli sa'yo. Kaya lang baka batukan siya nito. Wala ng pag-asa ang pagka-OA ng kaibigan.
Naiiling nagpalinga-linga siya. "Nakita mo si Abigail?"
Sumimangot ito. "Hindi. Bakit sa'kin mo hinahanap yung babaeng 'yun."
"Alam mo... magkakatuluyan kayo niyan sige ka, opposite attracts remember?" she grins.
Lalo itong sumimangot. "Mauna na nga ako. Inaantay na ako ng mga kaklase ko," sabay talikod.
"Saan kayo? Huy! Ivan!" Pero di na sumagot ang kaibigan at tuluyan ng lumabas ng gym. Nabwiset yata sa sinabi niya.
Nanghahaba ang leeg na nagpalakad-lakad si Brielle nagbabakasakaling matanawan si Abigail. Naagaw ang atensyon niya ng isang booth na sangkaterba ang mga babaeng nakapila at nagtitilian.
"Anong meron dun'?" nagtatakang tanong niya habang papalapit sa booth. Pero bago pa makalapit may nagposas na sa mga kamay niya at nilagyan siya ng saklob sa ulo.
"Huy! Ano 'to! Teka!!!" sigaw ni Brielle habang inaakay siya sa kung saan.
Hindi naman nagsasalita ang dalawang umaakay sa kanya. Hanggang sa paakyatin siya ng tatlong baitang na hagdan. Tinanggal ang saklob sa ulo niya ngunit pinalitan naman iyon ng blindfold at muli siyang pinalakad. Pagkatapos iniwan sa isang pwesto.
"Uy, wait!" tawag ni Brielle.
"Stay there. Mag-start na ang game," sabi ng babaeng hindi niya nakikita dahil sa suot na blindfold.
"Huh? Anong game?" tanong niya. Pero hindi na ito sumagot.
Ilang minuto pa siyang naghintay bago may magsalita.
"Hello, Fellow students! Welcome to our booth "Called Cupid" Kung saan ang ating mga campus crush ay chance niyo ng maka- date. We have chosen three beautiful ladies to win our campus crush heart today. No other than our one and only Damien Sebastian of Engineering Department!" Malakas na sabi ng babaeng nagsasalita sa mic.
Nagtilian at hiyawan ang mga babaeng akala mo mga kinurot sa singit.
What the f!! Paano siya napasama dito!
Hindi makapaniwalang napailing siya sa mga pangyayari at natigilan nang marinig na may nagsalita sa kaniyang tabi.
"I will win this!" Anito sa desperadang tinig.
"Mapapasakin ka din sa wakas!" Parang nanggigigil naman na sabi ng isa pang di nakikilalang tinig.
Napangiwi siya. Ano 'to mga obssessed fan?
"Okay! Okay! Katahimikan muna madla! As you can see naka-blind fold din si Sebastian para hindi siya magbase sa itsura ng ating mga lucky ladies! Oh my gosh! Kinikilig ako! Unang beses niya itong pumayag!" parang naiihing wika ng MC.
Pamilyar yata sa kanya ang boses ng MC. Pero bago pa niya maisip kung sino iyon may nagsalita ulit.
"Okay, kuhanan muna natin ng speech ang ating Hottie baby na si, Sebastian," agaw ng isa pang babae na hindi niya mabosesan. "Anong masasabi mo na ngayon ka lang namin napapayag after so many years?"
"Well.." hindi nito naituloy ang sasabihin dahil dumaguntong na naman ang sigawan ng mga babae parang may vibrator sa mga pwerta kung makatili. "All I can say is goodluck, ladies?" wika nito na bahagya pang natawa. Halatang hindi siniseryoso ang pa-games ng booth.
"Hey! Hey! Katahimikan! Habang inaayos ng aming team ang mga questionaire para sa ating lucky ladies. Let me tell you our prize! This is so exciting! Dahil ang mapapanalunan ng ating winner! Ayyyyy..." *drumroll* putol nito sa sasabihin. It's as if everyone is holding their breathe na akala mo mananalo ng isang milyon. "A kiss from Sebastian and a whole night lock up in a room with him! How's that, huh?" Lalong lumakas ang tilian. Daig pa ang mga nag rarally sa mendiola.
Habang si Brielle ay napatanga sa mga narinig! Gustong-gusto na niyang umalis sa pwesto niya. Kaya lang ay paano? Baka sabihin ng mga ito na wala siyang pakisama at feelingera masyado!
Inis siyang bumuntong hininga. Bahala na! For sure hindi naman siya mananalo dito.
Ang mechanics ng game— magtatanong ang lalaki ng apat na question. Pipili lamang ito ng isang sagot sa kanilang tatlo sa bawat katanungan. Kung sinong may pinaka-maraming points na makuha siyang panalo.
"Okay... Ladies, are you ready?" tanong ng MC.
"Yeahhh! Since last year!" sigaw ng isa sa mga katabi niya.
"Bring it on, b***h!" Sagot naman ng isa pa.
Napangiwi si Brielle. Kinabahan siya sa dalawang babaeng mukhang handang makipag-bakbakan.
"First question...." putol ng mc at sandaling katahimikan. "If you're going to choose... which one will you take care of, dog or cat?"
Unang sumagot ang babae sa kanan ni Brielle. "Well, I will choose a dog. Because I'm a dog lover! At isa pa sabi nga nila he is a man's bestfriend that will stay by your side 'til end. That's all thank you!" may mga naghiyawan matapos sumagot ang babae. Mga kaibigan siguro nito.
Sumunod na sumagot naman ang nasa kaliwa niya. "For me, I'll choose a cat. Kasi sobrang lambing nila. Sabi nila 'pag may alaga ka daw na pusa mabait na tao ka, and just like a cat, I'm really a sweet and caring person," pa-sweet na sabi naman nito.
Gustong umangat ng magkabilaang kilay ni Brielle, dahil nag-iba ang tono ng mga bruha. Kanina lang parang lalaban sa gera, ngayon parang mga hindi makabasag na pinggan.
"Last lady? What is your answer?" Pukaw sa kanya ng Mc.
Nawala sa isip niya kasali nga pala siya dito. "Ako? Wala. Ayokong mag-alaga ng hayop kasi malaking responsibility yun. Kapag dumumi dampot dumi ka, papaliguan, papa-vaccine, papakainin. Iniisip ko pa lang napapagod na ako," patamad na sagot niya. Totoo naman ang sinagot niya. Kaya never siyang nagka-aso o pusa. In short hindi siya pet lover!
Nagsigawan ang mga tao ng "Boooo!!!" pagkatapos niyang sumagot.
Wala naman siyang pakialam dahil nagpapakatotoo lang siya. At mabuti nga yun na magsigawan ang mga ito ng "boooo" para hindi siya ang manalo.
"Okay. Next question!" Sigaw ulit ng Mc.
Nagtilian ang lahat ng si Sebastian na mismo ang magtanong.
"If you could live anywhere. Where could it be and why?"
Pigil na pigil ang tili ng dalawang nasa tabi niya.
"Thanks for that question, Seb." Panimula ng isa sa tabi niya. Kinikilig. "Anyway, I want to live in Italy. Kasi sobrang romantic ng place na iyon. Sobrang gandang ng view. Kung sino man ang makakasama mo kapag pumunta ka dun siguradong maiinlove kayo sa isa't isa dahil sa napakagandang ambiance at aura ng lugar. Very romantic like me.." sigawan na naman pagkatapos nito sumagot.
Ang daming supporters akala mo kasali talaga ng beaucon.
Sinundan ng nasa kaliwa ni Brielle. "Hi, Sebastian. OMG! Is this is real? Calm down self." Naka-ilang impit na tili pa ang babae bago magsalita ulit."Okay. For me, dito pa din sa'tin kasi nandito lahat ng mahal ko sa buhay. Sabi nga nila there is no place like home," mas malakas ang sigawan dito kumpara sa nauna. Mas marami yatang hatak na kaibigan.
Nang si Brielle na ang sasagot nanahimik ang mga nag-iingay. Bakit kaya? Samantalang kanina habang nagsasalita siya panay daldalan ng mga ito.
Hulminga siya ng malalim. "Para sakin... I want to live in a place where there is no pain, no diseases na nagpapahirap sa mga tao. Gusto kong tumira sa lugar na lahat ng tao pantay-pantay walang mahirap o mayaman, walang mga taong judgemental at higit sa lahat kasama ko ang mama ko at kapatid ko," nakangiting aniya. Wala ni isang nagsalita matapos siyang sumagot. Nagulat din si Brielle sa naging sagot niya. Dahil galing iyon sa puso.
"I want to live there too." wika ni Sebastian.
Natigilan siya sa sinabi ng lalaki. At biglang nagsigawan na naman ang mga tao.
"Okay! Okay quite guys!" Sigaw ng Mc.
Nagsitahimik naman ang lahat bago nagsalita ulit ang lalaki. "Third question. Describe yourself in two words."
"Beauty with brain." sagot ng laging nauuna. Akala mo kasali sa beauty pageant sa pagka confident ng sagot.
"Independent and brave," mayabang na sagot ng sumunod."
Napaisip naman si Brielle. Ano ba siya?
"Plain Jane," pabalewang sagot niya. Lagi namang iyon ang pumapasok sa isipan tuwing idedescribe ang sarili.
Ilang minutong nag usap-usap ang mga naroon bago magsalita muli ang babaeng host.
"Hindi na po natin itatanong ang huling question dahil may nanalo na. Sa tatlong question po iisa lang ang nakakuha ng mga score kay Sebastian. Who is this lucky lady?" kinikilig na sabi ng babae.
Hindi alam ni Brielle kung ano na ang nangyayari dahil naka-blindfold pa din siya. Basta lang inakay siya ng mga ito. Sa una may mga narinig pa siyang nagsisigawan pagkatapos ay bigla nalang tumahimik. At sinabihan siya ng babaeng umaakay sa kanya na doon lang siya at maghintay.
Hindi alam niya kung nasaang lupalop na ba siya. Pero ramdam niyang lumamig ang paligid. Maya-maya narinig niyang bumukas muli ang pintuan at sumara ulit.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang blindfold at nanigas sa kinatatayuan ng mamulatan ang lalaking prenteng nakaupo sa kama. Nakasandal sa headboard, nakaunat ang mga binti habang nakatingin sa kanya.
Ako ang nanalo? Wala sa sariling tanong ni Brielle isip niya.
"Hey!" tawag nito sa kanya.
Tiningnan niya ito saka bumuntong hininga pabagsak ng upo sa dulo ng kama. What the hell! Bakit siya ng nanalo sa walang kwentang game na 'yon? Hindi na nga niya ginalingan at halos pabalang mga sagot niya, e.
"Talaga bang i-lo-lock tayo dito ng magdamag?" tanong niya na hindi lumilingon sa lalaki.
"I dont know. Maybe." He shrugged.
Napabuntong hininga na naman si Brielle at ipinaikot ang paningin sa paligid. Maliit na kwarto lang iyon. May queen size bed na kama, aircon, sariling at couch na maliit.
"So, you don't like dogs and cats, huh?"
Lumingon siya kay Sebastian. Prenteng nakasandal pa din ito sa headboard ng kama habang nag-ce-cellphone.
"Paano mo naman nalaman na ako ang sumagot non?"
Tumigil ito sa ginagawa. Inilagay ang cellphone sa bulsa ng pantalon. At tumingin sa kanya. "Kasi lahat ng question sagot mo ang pinili ko."
Natigilan siya. "Bakit mga sagot ko ang pinili mo?"
"I think you have the most honest answer."
"You think so?"
Nagkibit balikat ito at iniba ang topic.
"So... whats your name again?"
Gusto niyang tadyakan bigla ang lalaki. Pagkatapos niyang tulungan sa psycho path na ka-fubu nito! Hindi pala alam ang pangalan niya. Tsaka ilang beses na ba silang nagkakrus ng landas!
Nag-uumpisa nang mag mega evolution ang galit niya ng tumawa ang lalaki.
Natigilan tuloy siya. Dahil ngayon lang niya narinig na tumawa ito. Pati pala halakhak ng lalaki ay kasing hot nito?
Shit Brielle! Tama ba yang pinagsasabi ng utak mo! Kilabutan ka nga! Erase! Erase! Sigaw ng isip niya.
"Just kidding." humalukipkip ito at hindi inaalis ang titig sa kanya. "Brielle, right?"
Hindi mabasa ni Brielle kung ano bang iniisip nito. Habang nakatingin sa kanya. Siguro nagsisisi ito na siya ang napili sa tatlong babae kanina. Well, the feeling is mutual! Nagsisisi rin kung bakit di pa siya nag-walk out!
"Parang gusto mo naman akong kainin ng buhay sa titig mo, Miss." nakakalokong sabi nito pagkuwan.
Nag-init ang mukha ni Brielle saka agad na nag-iwas ng tingin at tumalikod. "Ang kapal mo naman, hindi kita type 'no?!"
Humalakhak ito. "So? ugali mo na ba talaga yang pagtataray or you're just playing hard to get?"
"Nope." Sagot niya. "Depende sa taong kaharap ko. And I'm not playing hard to get FYI and its none of your business."
"What do you mean by that?"
Naramdaman ni Brielle na tila nag-iba ito ng pwesto. "Kung hindi ko feel at ayoko sa isang tao. Hindi ako nakikipag-plastikan."
"Ah, So you dont like me. Why? Of all people ako pa talaga ng inayawan mo?"
"Bakit? Ka gusto-gusto ka ba?" mataray na sagot niya.
"You dont even know me." He said in a low tone of voice.
"Kilala ko ang mga katulad mo. Katulad mong akala mo sa'yo lang umiikot ang mundo. Akala mo lahat ng babae magkakandarapa sa 'yo. And one thing... Walang konsiderasyon!" galit na aniya nang naalala ang pag-tanggi nito sa sponsorship sana nila.
Dahan-dahang lumingon si Brielle sa lalaki nang hindi ito umimik at napangiwi siya ng makitang madilim ang mukha anyo nito. Patay! Nasobrahan yata ang tabil ng bibig niya.
"I dont like how you talk to me, lady," may babalang tono nito. "Ang mga katulad mong masyadong matalim magsalita dapat pinaparusahan."
Natakot si Brielle ng unti-unti gumalaw sa kinauupuan nito si Sebastian. Dahang-dahan na lumalapit sa kanya.
Napatayo siya at napaatras. "Huwag kang lalapit! Sisigaw ako!" pananakot niya.
Hindi naman natinag ang lalaki at patuloy sa paglapit. "Scream all you want, hindi kita pipigilan."
Ilang hakbang pa paatras, tumama ang binti ni Brielle sa couch at paupo siyang bumagsak doon.
"H-Hanggang dyan ka lang! Tatadyakan kita kapag lumapit ka!" Matigas na babala niya. Pero ang totoo ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Peke tumawa si Sebastian na halos isang hakbang na lang ang layo sa kanya. "As if kaya mo ako. Sa liit mong 'yan kayang-kaya kitang parusahan sa kahit na anong paraang gusto ko."
Lalo nakaramdam ng takot si Brielle. Sa tangkad nito six feet. Kaya talaga siya nitong ibalibag or worst rape-in. Kinilabutan siya sa huling naisip. No! Nooo waay!
Unti-unting nangunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kaniya, then laugh hysterically na para bang may nakitang kakatwa sa mukha niya.
"You're thinking that I'm going to rape you?"
Sabagay sino nga naman mag-iisip na si Sebastin mang-ra-rape? Baka nga willing pa ang mga babaeng mag pa-rape dito, eh.
Nakaramdam ng pagkapahiya si Brielle. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng inis.
"O-Oy! hindi ko naisip yun 'no!" Maigting na tanggi niya.
"You should have seen your shocked face. Habang nilalapitan kita," anito at bumalik na sa kama at prenteng naupo. bumuntong hininga na parang tamad na tamad. " s**t! na-bo-bored na ako," kinuha nito ulit ang cellphone at nag-type doon.
Siraulo pala ang lalaking to', eh! Tinakot lang siya.
Nagngitngit na hindi na lamang umimik si Brielle. Mamaya tuluyan na ngang may gawin itong masama sa kanya. Hindi pa naman niya kilala ang kumag na 'to.
Sa sumunod na mga oras parehong walang nag-iimik sa kanila. Wala na ring nag-open ng topic at hindi na siya naupo sa paanan ng kama. Nagkasya siya sa komportableng pagkakasandal sa couch. Dahil sa malamig na aircon hindi na namalayan ni Brielle na napapikit at tinangay na siya ng antok...
NANG MAGMULAT si Brielle ng mga mata ang madilim na paligid ang sumalubong sa kaniya. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng suot na skinny jeans. Alas syete na ng gabi. Bumangon siya at binuksan ang night lamp. Nakita niyang tulog si Sebastian at namamaluktot sa kama. Noon lang napansin ni Brielle ang kumot na nakalabal sa katawan niya.
Kinumutan niya ako kahit alam niyang lalamigin siya?
Napatitig siya ulit sa lalaking mahimbing na natutulog saka tumayo at hinaan ang aircon. Pero sa malas sira at hindi yata gumagana ang panghina ng lamig. Bago pa makapag isip ng matino kinuha niya ang kumot na gamit kanina at ikinumot iyon sa kay Sebastian. Ngunit ng akmang lalayo na siya sa lalaki bigla itong nagmulat ng mga mata. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"So... you wanna claim the other prize?" He asked in a husky bedroom voice.
Bakit ang bango ng hininga niya kahit na bagong gising? At anong other prize ang sinasabi nito?
Na-hypnotized na yata siya sa mga titig nito, hindi siya makapagsalita o makagalaw man lang. May ilang hibla ng buhok ang nangalaglag sa mukha ni Brielle dahil sa pwesto niyang nakayuko sa mukha ng nakahigang lalaki.
Hinawi iyon ni Sebastian at iniipit sa likod ng tainga niya. Napalunok naman si Brielle ng marahang dumampi sa balat niya ang daliri nito.
What the hell was happening to her?
Hinawakan ni Sebastian ang batok at unti- unting hinila siya palapit sa mukha nito. Napapikit si Brielle at hinintay na dumampi ang mga halik nito sa labi niya.
Ngunit bago pa mangyari iyon. Bumukas ang pintuan at bumulaga sa kanila ang mga mukhang hindi pamilyar sa kaniya
"Gotcha!!" sigaw ng magandang babae na naunang pumasok sa loob ng silid.
Sa gulat ni Brielle mabilis siyang lumayo kay Sebastian. Ang lalaki naman ay bumangon sa kama.
"Maxine," anito. Tumayo't halikan sa pisngi ang tinawag na Maxine.
Naaasiwang nag-iwas ng tingin si Brielle.
"Bro!!" may pumasok pa na isang lalaki. Nakipag-high five kay Sebastian.
Naalala niya ang isang ito, kung hindi siya nagkakamali Joseph ang pangalan ng lalaki. Ito ang nagpatuloy sa kanila ni Abigail noong magpunta sila sa fraternity house.
"Ano, kumusta... Ayos ba?" Malisyosong umangat-angat ang kilay nito.
Namula si Brielle ngunit nanatiling tahimik.
"Gago!" naiiling na ani Sebastian.
"What? Wala naman akong sinabi, ah." Natatawang sagot ni Joseph.
"We didn't interapt something when we came in? Dont we?" Sabat ni Maxine. May makahulugang ngiti sa mga labi.
"O-of course not!" mabilis na tanggi ni Brielle.
Napalingon sa kanya ang tatlo. Alanganin siyang ngumiti at nahiya. Bakit ba daldal niya?
"Brie! OMG!" Nanlaki rin ang ni Brielle nang pumasok sa silid si Abigail.
"Abigail, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya.
"Ano ka ba... 'di ba sabi ko sa 'yo magtatayo kami ng booth! Tadahhh! Ikaw ang winner!"
"Magkakilala kayo?" Pinaglipat-lipat ni Maxine ang tingin kay Abigail at Brielle. Ngunit bago pa man makasagot ni isa sa dalawang babae. Nagpaalam na sina Sebastian at Joseph.
"We gotta go. Ilang oras na ang nasayang sa araw ko," ani Sebastian na hindi man lang tinapunan ng si Brielle kahit saglit.
Ngumiti si Maxine. "Okay. Thanks ulit sa pagpayag, Seb!"
"No problem," sagot ng lalaki bago tuluyang lumabas ng silid.
Nang maiwan ang tatlong babae. "So... back to you two," ani Maxine sa magkatabi si Abigail at Brielle.
"Yes. Magkakilala kami, Max. We're room mates." nakangiting sagot ni Abi.
"You and Sebastian? Ano kayo M.U?"
Matigas ang naging pag-iling ni Brielle. "Huh? H-hindi, ah! Hindi ko siya type. And it wont happen!"
Sabay na tumawa sina Abigail at Maxine bago sabay ulit na nagsalita. "Okay. We'll see..." makahulugang sabi ng mga ito. .