Chapter 6

3586 Words
TUWANG-TUWA ang mga batang binigyan nila ng school supplies at educational toys. Nasa auditorium sila ngayon at idinaraos ang inihandang children's party para sa mga batang may special needs. Priceless ang ngiti sa labi ng mga ito. Maging ang magulang ng mga bata ay napakalaki ng pasasalamat sa kanila. Worth it ang pagod at paghahanda nila. "Thank you ineng, ha? Napakabuti ninyo para magkapuwang ang mga katulad namin sa puso niyo," anang isa sa mga magulang ng batang lumapit kay Brielle. Ngumiti siya at hinawakan sa kamay ang ginang. "Wala po iyon, Nanay. Malapit po talaga sa puso ko ang mga katulad ng anak niyo kasi may kapatid po akong may special needs." Gumanti ito ng ngiti. "Kaya pala napakabait mo, iha. Pagpalain ka nawa ng diyo." "Wowa.. iwii ako." Hila ng apo nitong anim na taon sa laylayan ng damit ng ginang. Ngumiti si Brielle at sinabing siya nalang ang sasama sa bata. Tatlong bata ang Bitbit ni Brielle paglabas ng auditorium para dalhin sa pinaka-malapit na restroom. Masyadong busy ang ibang mga kasama niya kaya siya na lang ang nagdala sa mga ito. Nang matapos umihi ang mga bata. Pabalik na sila sa auditorium nang biglang umiyak si Jaden ang pinaka-bata sa tatlo. Kinalong niya ito habang hawak ang isang bata at nakakapit naman sa laylayan ng tshirt niya ang isa pa. Natigil sila ng higitin ni Arkin ang braso niya. "Ate, tanggal shoe lace ko," nakatingalang wika ni Arkin. Huminto sila sa isang gilid, ibinaba ni Brielle ang hawak na bata at binibilinan ang isa na huwag tatakbo. "Wait lang, Jaden, ha? Itatali ko lang shoes ni Kuya Arkin. Kuya Matty, don t run okay?" anya habang itinatali ang sintas ng ni Arkin. Subalit ng malingat siya, kumaripas ng takbo si Matthew. "Matthew, no! Stop running!" nababahalang sigaw ni Brielle. Hindi niya ito kakayaning habulin. Dahil tiyak kapag binitawan niya ang dalawang bata ang mga ito naman ang tatakbo. Huminto si Matthew at lumingon sa kaniya. Pero nakahanda na naman sa pagtakbo na naman base sa itsura nito. Noon niya nakitang paparating si Sebastian na mukhang galing sa isa sa mga Dean's office malapit sa auditorium. Shit! Bakit ba ito pa ang nakita niya! Pero no choice! Kaysa mapahamak ang mga bata. "Hold him!" sigaw niya kay Sebastian na naglalakad papasalubong sa direksyon nila. "Me?" Kunot-noong turo nito sa sarili. "Oo, ikaw! Hawakan mo yung bata tatakbo yan!" Bigla ngang tumakbo si Matthew. "Shocks! Habulin mo bilis!" Magtatanong pa sana ang lalaki subalit pinanlakihan niya ito ng mga mata. Kinabahan na din si Brielle at baka kung saan pumunta ang bata. Hinabol ni Sebastian si Matthew at naabutan. Nakahinga siya ng makitang hawak na nito sa isang kamay si Matthew. "Hindi mo ba mahabol ang isang bata, huh?" Inis na sabi nito nang makalapit. Mukhang pinahirap ito ni Matthew. "Kung kaya ko ipapahabol ko ba sa 'yo? Nakita mong may bitbit pa akong dalawa," inis na angil niya. Parang hindi makaintindi ang mokong. "Wow! Thanks, huh?" nang-uuyam na wika nito. "Sana pinagsabihan mo muna yung dalawang bata para nahabol mo yung isang tumakbo." "Mabuti sana kung hindi sila special kids 'no? Baka masabihan ko pa." Natahimik si Sebastian. Inirapan niya ito at lumuhod sa harap ni Matthew upang kausapin ang bata. "Matthew, don't do that again, okay? Kinabahan si Ate Brielle. Pwede kang mapahamak 'pag ginawa mo ulit yun. Next mag-be-behave, ha?" Tatango-tangong sumagot ang bata. "Yes. Sorry po, Ate." Hinaplos niya ang pisngi nito at nginitian. "Thats okay. lets go?" "Karga ako karga," agaw ni Jaden sa atensyon niya. Kinarga niya ang bata at ki-niss sa pisngi. Hindi napapansin ni Brielle na pinagmamasdan siya ni Sebastian. "Sige na. You can go salamat," aniya at kinuha dito si Matthew. Binawi nito kamay ng bata. "Ihahatid ko na kayo sa auditorium. Baka tumakbo na naman 'to" anito at kinuha pa ang isang batang hawak niya saka nauna na nang lumakad. Nagulat si Brielle sa ginawa nito. Hindi agad siya nakapaglakad at nakatingin lang sa likuran ni Sebastian. Para binasbasan ng holy water. "Come on!" Sigaw nitong hindi lumilingon. Noon lang bumalik sa planet earth ang isip ni Brielle. Sumunod siya sa lalaki at habang naglalakad sila pasulyap-sulyap siya kay Sebastian. May kabaitan rin naman pa lang tinatago ang Sebastian na 'to. *** HINDI na ulit nagkaroon ng chance na magkausap sina Brielle at Sebastian. Nagkakasalubong sila sa campus pero walang pansinan. Sabagay, unang-una hindi naman talaga sila magkakilala. Pangalawa, hindi ba't bwiset siya sa lalaking 'yon? Pangatlo mga coincidence lang kung bakit sila nagkikita. At napaka-layo ng agwat at katayuan nila sa buhay. Kabilang ang lalaki sa kilala at mayayamang estudyante habang siya ay kasama sa typical at middle class na mag-aaral. "Ano kaya isusuot ko?" Nakatunghay si Brielle sa mga damit na nakalatag sa kama. Ngayon ang sinasabi ni Jasper na party na pupuntahan nila. Nagtext ang lalaki magsuot daw siya ng semi formal na damit. Nadatnan siya ni Abigail na kapapasok lang ng silid. "Anong ginagawa mo bakit ang kalat?" nagtatakang inilapag nito sa kama ang mga bitbit na shopping bags. "Ngayon 'yung pupuntahan namin ni Jasper na party." Namilog ang mga mata nito. "OMG! Bakit hindi mo sinabi sakin, Brie!" OA lang? Daig pa siya. Akala mo ito ang may date. Tumaas ang kilay niya. "Bakit?" "Para matulungan kita mag-ayos!" Nagdududang tinitigan niya ito. Parang may iba na namang agenda ang babaeng 'to. "Uy, grabe ka sa'kin! Wala akong iniisip na masama 'no!" Dagdag nito ng hindi siya umimik mukhang nabasa kung ano ang nasa isip niya. "Wala naman akong sinasabi, ah? Mag- aaayos na nga ako. Itong dress na yellow na lang ang isusuot ko." Pag-iiba ni Brielle sa topic. Tumabi sa kanya si Abigail at sinipat iyon. Pagkatapos ay tumawa. "Panget ba?" Nakangiwing tanong niya. "Ano ba yan, sis! Para ka namang sasamba niyan!" Natatawa pa ding sabi nito. Simple lang ang dress na iyon. Short sleeves na may collar at lampas ng kaunti sa tuhod ang haba. She pouted. "Eh, wala naman akong ibang damit 'no! Hindi ako mahilig magsuot ng dress." Naghalungkat sa kabinet nito si Abigail. Ilang sandali ibinalandra sa harapan niya ang isang mini black halter dress. "Mga ganito dapat ang sinusuot mo!" Napangiwi si Brielle. Hindi siya sanay magsuot ng ganun. "Parang ang sexy naman niyan! Baka mapulmonya ako." "Ang OA mo, Brie! Mas grabe pa for sure ang suot ng mga babaeng nandoon! Maniwala ka sa'kin... Ayaw mo naman sigurong mapahiya si Jasper? This is your chance. Come on..."sulsol pa nito. Lumunok siya habang nakatitig sa dress... "Minsan lang ang date na ito diba? And this is the first time he asked you on a date... you don't want to dissappoint him? Don't you?" Patuloy nito. Oo na! Magaling ng mang-psycho si Abigail. Huminga siya ng malalim. Sabay hablot sa damit. Bahala na! "Yaaaaaas!" Tili ni Abi. "Let's put some make-up!" PAGLABAS niya ng dorm. Naghihintay na si Jasper. Nakasuot ang lalaki ng light blue long sleeves, nakatupi hanggang siko ang manggas. Itim na slacks at makintad na black shoes. He looks gorgeously handsome. Napadiretso ito ng tayo sa pagkakasandal sa red honda civic old version model at tinitigan siya. "Hi!" nakangiting bati ni Jasper ng makalapit si Brielle. Nahihiyang gumanti ng ngiti si Brielle. "Hello." "You look... wonderful." Brielle rolled her eyes. "Bolero." She teased. He chukled and open the front passenger seat for her. "Hindi naman kita binobola. Maganda ka naman talaga, Brie. Highschool pa lang tayo... napapansin na kita." Maganda raw siya? At highschool pa lang sila napapansin na nito? Tama ba ang narinig niya? Eh, hindi nga sila masyadong nagpapansinan noon. Ini-on nito ang stereo at nagmaniobra. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa nang tumugtog ang kantang Tonight by Fm Static. "Grabe, usong-uso 'yan nung high school 'di ba?" Komento ni Brielle. "Yes. Tinugtog nga namin 'yan nung School Night." Lumingon siya kay Jasper. "Hindi ko maalala na tumugtog kayo nun. Nakauwi na yata ako." "Buti nakauwi ka na," natatawang sabi nito. "Nagkalat kasi kami no'ng gabing 'yon. Sabog ang tunog ng mga speaker. Sigurado napahiya ako sa 'yo," he gave her a half smile. "Hindi mo pa nga ako kilala nun." "Kilala na kita nun." Nalukot ang noo ni Brielle. "Ha? Paano? Naalala ko nagkakilala lang tayo dahil kay Jona," nagtatakang tanong niya. Nakababatang kapatid nito si Jona. At noong mga maging kaklase niya ang babae at naging malapit na kaibigan. Iyon rin ang simula nang pagsintang pururot niya kay Jasper. Kapag kasi gumagawa sila ni Jona ng assignments sa bahay nito, minsan naabutan niya doon si Jasper. Ang masaklap lang palagi nitong kasama ang girlfriend nito at that time. "Kilala na kita bago mo pa naging kaibigan ang kapatid ko. Madalas ka kayang usap- usapan ng mga kaklase kong lalaki." "What?!" Gulat na bulaslas ni Brielle. "Yeah. They find you really pretty." Speechless na naman siya. Ang daming revelation ni Jasper! Siya maganda?! At matagal na nitong kilala? Nahihilo yata siya! Walang kalahating minuto ang binyahe nila nang huminto sa tapat ng kilalang hotel ang sasakyan ni Jasper. "We're here." Tumingala siya sa windshield at napangiwi. "Akala ko maliit na party lang... sa hotel pala?" baka hindi appropriate ang damit niya. "Yup, maliit na party pa sa kanila 'yan. I mean... para sa mayayaman. You know?" Nangising anito. "Mga rick kids nga pala sila..." naiiling na sang-ayon ni Brielle. "Hindi ba mahilig ka sa music?" naalala niyang itanong. Habang nagtatanggal ng seatbelt. Parang ang layo kasi sa course nito ngayon sa hilig ng lalaki. "Bakit hindi ka kumuha ng course na connected sa music? Don't get me wrong, ah? Hindi ko lang inaasahan na mag-engineering ka..." "I do. nag-shift lang ako," nauna na itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. "Shall we?" Sabay lahad nito ng braso sa kaniya. Nakangiting tinanggap iyon ni Brielle. Pagpasok nila sa loob ng hotel dumiresto sila sa fourth floor kung saan ginaganal ang party. Malakas na music ang agad na sumalubong sa kanila. Elegante ang ayos sa loob ng events area. Mula sa tumutugtog na pianista. Sa mga lamesa at upuang disenyuhan ng creamy white with a touch of gold satin. Sa stage na may podium para sa mga alumni na magbibigay ng speech at sa malawak at pabilog ne espasyo sa gitna na tila nagsisilbing dancefloor. "Wow! ang sosyal pala mag-party ng department niyo," bulong ni Brielle kay Jasper. "Yeah, mga rich kids ang organizer." Inakay siya nito papunta sa waluhang mesa. May mga nakaupo na doon na mukhang mga kaibigan ni Jasper dahil panay kaagad ang kantiyaw sa lalaki. "Uuyy, may kasama si pareng, Jasper!" bungad ng isang lalaking chubby. Gusto niya mapangiti mabuti na lang hindi RK ang mga kaibigan ni Jasper. Hindi siya maiilang sa mga ito. "Pakilala mo naman sa'min 'yang magandang dilag na kasama mo," sabat naman ng isa pang mukhang pinaka-matanda sa grupo. "Mga pre... Si Brielle nga pala, Schoolmate ko noong highschool." Pinaghila siya ni Jasper ng upuan at naupo naman ito sa katabing silya. "Hello..." nahihiyang bati ni Brielle sa mga ito. Isa-isang nagpakilala sa kanya ang mga lalaki. Naiiling na lang si Jasper. Dahil sa patuloy na pambubuska ng mga ito. Bago magsimula ang programa. May naupong grupo sa kabilang table malapit sa inuupuan nila. Nasundan iyon ng tingin ni Brielle at nag-isang linya ang mga kilay niya. Nang mamukhaan ang mga kalalakihang, naka-itim na suit and tie at america. But her eyes was glued to the only man wearing a velvet tuxido. Anong ginagawa ng mga kumag na 'to dito? Bigla naalala niya nang minsang mabanggit sa kaniya ni Abigail na engineering student nga rin pala ang kurso ni Sebastian. What a coincidence. Hanggang dito ba naman? Nagkrus pa rin ang landas nila ng lalaking 'to! Sa pwesto ng silyang okupado ni Sebastian. Kitang-kita nila ang isa't isa. Kaya naman nang mapalingon ito sa direksyon nila. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At tila napapasong agad nag-iwas ng tingin si Brielle. Maraming nagsalitang mga hindi naman kilala ni Brielle. Mga alumni marahil at mga sikat na engineer na ngayon. Pero nagulat siya ng tawagin si Sebastian sa stage. At hingan rin ng speech ang lalaki. She stared at him habang nagbibigay ito ng speech. The way he stand and the way he talked. Umaapaw ang self-confidence nito. Alam na alam at sigurado sa bawat salitang binibitiwan. May poise, may class at halatang may passion at pangarap na maging isang kilalang engineer. Kung hindi siguro sila nagkaroon ng 'di magandang pagkakakilala at hindi nag-ku-krus ang landas nila sa mga di kanais-nais na sitwasyon. Maybe... just maybe... she'll become one of those girls--- opps! Not a chance! Agad na bawi ng isip ni Brielle. NAPUNO ng mga pareha at grupo ang gitna ng dancefloor matapos ang programa. "Mga estudyante ba lahat ng nandito?" Ibinaba ni Jasper ang wine glass matapos sumimsim doon. "Oo. Higher batch at mga alumni pati mga well known students ng university na kilala na sa field ng engineering ngayon." Hinalo ni Brielle ng straw ang orange juice niya. "Um... para saan nga party na ito?" Nagkibit balikat si Jasper. "To inspire us. Para sa mga katulad naming baguhan. Kasi two years na lang ga-graduate na kami. Para siguro mas magpursigi kami." "Ah..." Tatango-tangong sang-ayon niya. "Bakit may nagsalitang estudyante kanina? 'yung... yung Sebastian ba yun?" patay malisya na ani Brielle. Hindi naman alam ni Jasper na may iringan sila ng lalaking 'yon. "Marami nagsasabi... he's the next promising engineer daw." He quote. "Siguro dahil mayaman at maraming connection?" A tone of sarcasm in his voice. Tumango-tango na lang si Brielle at hindi na nagkomento ulit. Baka maisip pa ni Jasper masyado siyang interesado. Mayamaya tumayo si Jasper at inilahad ang isang kamay. "Can i have this dance?" Ngumiti naman si Brielle at tinanggap iyon. Hindi mapigilang matawa ni Brielle. Isipin mo 'yun? mga kilalang engineer ang mga nandoon pero ang kanta 90's hits. "OMG! Sometimes ni Britney Spears talaga ang kanta?" natatawang nasa balikat ni Jasper ang kamay niya. Habang ang kamay naman nito ay nasa beywang niya. "Be with you day and night, all I really I want is to hold tight..." Jasper sing along with the music. "I wanna believe in everything that you say, 'cause it's sound so gooooood! chorus!" Pakikisakay ni Brielle. Habang nagtatawanan ay kumakanta sila. "Hindi ako pwedeng singer!" Nag-iba na ang tugtog at napalitan ng mas mellow. "Of course not! You can sing i-practice mo lang." Brielle rolled her eyes dahil sa kasinungalingan ng lalaki. Sintunado na nga siya mali-mali pa ang lyric. 'Yun ba ang pwedeng maging singer? "You're really cute when you're doing that," nakangiting anito. Inulit Brielle ang pag-irap habang naka-smile. "Stop it. You're killing me with those smile," "Hindi ko akalain na bolero ka." Marahan itong natawa. "Hindi kita binobola. Cute ka talaga dati pa." "Seryoso ka ba? Hindi nga tayo nagpapansinan noon." "I told you napapansin na kita. Pero hindi kita pinapansin ang gulo, no?" "Oo, ang gulo nga," napapailing at natatawang sagot ni Brielle. "Uhmm... ano nga pala nangyari sa inyo ni Steph?" paglalakas loob niyang magtanong sa dating girlfriend nito. "We broke up after graduation. Past is past you know." Sa tono nito parang ayaw pag-usapan ang babae. Nakakaunawang tumango naman si Brielle. Ano nga bang pakialam niya sa bagay na iyon. Naging masaya ang party. Hindi akalain ni Brielle na mag-eenjoy siya ng sobra. Sobrang na-enjoy niya ang company ni Jasper. May sense humor, very attentive and smart. Walang dull moment! Lalo na kapag napag-uusapan ang high school life nila. Nang papauwi na sila. Nagpaalam munang gagamit ng restroom si Brielle. Nag-retouch siya ng kaunti bago lumabas rin agad ng restroom. Habang naglalakad sa hallway, nag-text si Jasper na magkita na lang sila sa lobby. Papaliko na siya sa pasilyo nang may marinig na umiiyak na babae at tila nakikiusap. Ayaw sana niyang pansinin iyon kaya lang ay na-curious siya. Sumilip siya sa pasilyo kung saan nanggagaling ang may kalakasan ring pag-iyak. Nagulat siya nang makitang may kausap si Sebastian na babaeng umaatungal na parang baka. "Please... please... dont do this to me, Sebastian! You know that I love you!" umiiyak na pakiusap ng babae. Malakas na bumuga ng hangin si Sebastian. Bakas iritasyon sa mukha. "Sophie, you know its not like that. I mean- hindi ganoon ang relasyon natin. Alam mo yan. So, stop spreading news that we're dating." "But... whyyyy! Hindi pa ba ako sapat sa'yo? Tell me! Tell meeee!" lalong lumakas ang iyak nito. Sinipat ni Brielle ang babae. Maganda naman ito. Mukha ngang model, eh. Anong kayang problema ng lalaking 'to? "Hey, Stop it! Baka mamaya may makakita sa'tin sabihin pinapaiyak kita," natatarantang ani Sebastian. "Please, Sebastian! Don't do this to me! I can't live without youuuuuu!" humagulhol na humawak sa kwelyo ng polo ni Sebastian ang babae. Gustong tumaas ng isang kilay ni Brielle sa narinig. Ang OA, ah! Lalaki lang yan, teh! Sigaw ng isip niya habang patuloy sa pag-uusyoso. Kamalas-malasan nga naman biglang tumunog ang alarm ng cellphone niya. Dumako ang tingin ng dalawa sa direksyong pinagkukublihang pader ni Brielle. Alanganin ang ngiting lumabas siya sa pinagtataguan. No choice. Dahil nakaharang ang mga ito sa hallway patungo sa lobby. Pinilit ihakbang ni Brielle ang mga paa. Ngunit nawindang siya sa sumunod ginawa ni Sebastian. "Babe, you're here! Di ba sabi ko hintayin mo na lang ako sa sasakyan?" Anong babe ang pinagsasabi nito? Lumakad si Sebastian papasalubong sa kaniya habang nagsasalita ng walang lumalabas na tinig sa bibig. Just ride on and pretend! 'Yun ang pagkakaintindi niya. Sasagot sana si Brielle ng akbayan na siya ng lalaki at akayin patungo sa babaeng umiiyak. "What the hell?" Bulong niya na hindi bumubuka ang bibig. Matamang nagmamasid naman ang babaeng nagpupunas ng luha. "Just Pretend!" ganting bulong nito na parang ventriloquist. "Vee, this is my girlfriend, Brielle." Muntik na siyang masamid. Hindi niya napigilang pasimpleng sikuhin si Sebastian. Pero ang loko hindi inalis ang pagkaka-akbay sa kanya. "What? Siya ba? Why? 'Di hamak na mas matangkad at mas maganda ako sa kanya," Aba't matabil ang dila ng isang to', ah. Wika niya sa isip at tumaas ang isang kilay. "Hey, dont say-" hindi na naituloy ni Sebastian ang sasabihin dahil sumabat na si Brielle. "Miss, alam mo wala sa ganda yan, nasa ugali. Tsaka sa susunod, ha? Huwag mong ugaliing maghabol sa lalaking ayaw naman sa yo. Know your worth, marami pang iba dyan. Pwede tantanan mo na 'tong boyfriend ko, kundi pagbubuhulin ko kayong dalawa!" anya at tinignan ng masama ang babae. "Lets go, sweetheart. Next time huwag ka ng nambababae, ah. Kung mahal mo pa ang buhay mo," dagdag niya sabay talikod. Agad namang sumunod si Sebastian sa kaniya. Nang makasakay sila sa elevator, pababa sa lobby agad na bumitaw si Brielle sa pagkakapit sa lalaki. "Bakit ka nagpapaiyak ng babae, huh?" galit na baling niya dito. "Its none of your business." Lukot ang mukhang sulyap nito sa kaniya. "Aba't... pagkatapos kitang tulungan!" Marahas na bumuntong hininga ang lalaki at napahilot sa sintido nito. Mukhang na stress ito sa babaeng iyon. "Hindi ko siya pinaiyak, okay? We have a casual relationship." Nangunot ang noo ni Brielle. "Ano yun?" "Hindi mo alam?" Nakataas ang sulok ng labing anito. "Hindi! itatanong ko ba sa 'yo kung alam ko?" Nagkibit balikat ito at pabalewalang sumagot. "Just pure s*x. But we just did it twice. For god sake! Then she turned into an obsessed psycho path girlfriend." He irritatedly groaned. Napailing si Brielle. Bakit ba ganito ang mga lalaki. Anong akala nila sa mga babae? Mga bubblegum na kapag wala ng lasa itatapon na? O parang isa laruan na 'pag pinagsawaan, papalitan at bibili ng bago? But he can't blame a guy like Sebastian. Ang mga babae rin dapat sisihin hindi nila alam ang worth nila. Porket gwapo? Kapag nawala hindi mo na kakayanin? That's bullshit! That wont happen to her ever! "Huwag lang akong aawayin ng babaeng yun, ah! Baka naman taga-campus din yun!" "Don't worry. Hindi siya taga-campus. Anyway, thanks." Anito. Hindi nawawala ang pagkalukot ng mukha. Sabay silang bumaba ni Sebastian nang huminto sa ground floor ang elevator. Nagpunta ito sa ibang direksyon habang siya ay tumungo sa main exit kung saan paglabas niya ay naghihintay na si Jasper. Nakasandal sa sasakyan nito. Sinalubong siya nito pagkakita sa kanya. "Bakit natagalan ka?" Nagtatakang tanong nito habang pinagbubuksan siya ng passenger seat. "Ah... wala naman. May taping sa taas, eh" gusto niyang matawa. "Sinong artista?" Gulat na tanong nito. "John loyd at Bea Alonzo." Pagpapatuloy niya sa kasinungalingan "Sayang naman! Hindi ko nakita." Pinilit niyang huwag matawa baka mabuking siya. "Anyway... May klase pa tayo bukas ng umaga. Better we go home." Tumango naman ang lalaki at nagsimula ng magmaneho. Ilang minuto lang nasa tapat na sila ng dorm niya at nagpapaalam na si Jasper. "Thanks, Brie. I hope nag-enjoy ka." Nakangiting umagapay sa paglalakad niya. "Yes. I had fun." Nakangiti ring ganti niya. "Paano papasok na ako sa loob mag-iingat ka." "Sure..." he nodded. Ngunit bago tuluyang umalis ay hinalikan siya ni Jasper sa pisngi. Nagulat na napahawak na lang si Brielle sa cheeks niya. At pinagmasdan papalayong sasakyan nito. God... He kissed me? To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD