Chapter 5

2355 Words
Makalipas ang dalawang araw. Nagtext si Jasper kay Brielle. Pumayag raw ang banda nito na tumugtog para sa concert for a cause. May good news pa! Magsasama rin daw ito ng dalawang indie bands for free! Sa gymnasium nila naisipan idaos ang concert. At ngayon ang araw na iyon. Maagang gumising si Brielle kasama si Abigail para mag-alok pa ng mga ticket na hindi naibenta. "Paano ba 'to? Mukhang lalangawin ang concert," laglag ang balikat na sabi ni Brielle habang namimigay ng flyers. "Huwag kang OA! 4PM pa ang concert may oras pa, Sis! 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Sabi nga nila habang kay buhay may pag-asa," eksaheradang ani Abigail na nagpapacute sa mga dumadaan at tulad niya ay namamahagi rin ng flyers. Ilang araw nilang inaalok ang ticket sa mga estudyante. Sa kasamaang palad, kakaunti ang bumili. Dahil mga rich kids, hindi sila interesado sa mga indie bands. Mabuti na lang kahit paano ay may mga kakilala ang ka-department nila na nakahatak ng mga manonood kaso hindi sapat para mapuno nila ang gymnasium. Kamalas-malasan nga naman, oh! Nakakahiya kay Jasper 'pag talagang nilangaw ang concert. He put so much effort to help her. Nilingon ni Brielle si Abigail nang sikuhin siya nito sa tagiliran. "Boylet mo paparating!" Sinundan ni Brielle ng tingin ang nginunguso ni Abi. Si Jasper naglalakad papunta sa kanila. "Brie, may naisip kasi kami ng mga kasamahan ko." Nagkatinginan sila ni Abi. "Hmm... Ano 'yun?" "Maganda siguro kung sa quadrangle na lang natin gawin ang concert para makita ng mga estudyanteng dumadaan. Maglagay na lang tayo ng donation box. Tingin mo?" Nagliwanag ang mukha ni Brielle sa magandang suhestiyon ni Jasper. Oo nga naman! Atleast the student wont feel obligated to buy tickets. Mag-eenjoy lang sila at kusang loob na magbibigay. "That's a great idea, Jasper!" Wala sa loob na nayakap niya ang lalaki. "Ehem! Mamaya na landian dyan!" singit ni Abi. Parang napapasong bumitiw si Brielle kay Jasper. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. "M-may sinabi lang si Jasper na pwedeng gawin. Ilalabas sa quadrangle ang concert!" "Ano?!" Bulaslas ni Abigail. "Sayang naman ang preparation sa loob ng gym—" "Okay lang 'yun! Tara na! Ayusin na natin sa quadrangle," hinatak niya na kaibigan para di na makapagreklamo. Nakasunod naman sa dalawa si Jasper. Pinagtulungan ilabas ng mga kasama niya sa pag-oorganize ng event pati ng mga ka-banda ni Jasper ang maliit na platform na gawa sa kahoy. Ipinuwesto 'yon sa gitna ng malawak na quadrangle. Ang mga donation box naman na may litrato ng mga batang may special needs ay nilagay nila sa harapan ng stage kung saan kitang-kita yon ng mga manonood. Nakuha ang atensyon ng mga estudyanteng naglalakad nang umakyat na sa stage ang banda nina Jasper. May mga tao na din naman malapit sa stage. 'Yung mga naunang bumili ng ticket. "Sound, check, sound!" Si Jasper. Inaayos ang mic sa nakakabit sa microphone stand. "We are the band with no name." Dugtong nito na ikinangiti at marahang ikintawa ng mga naroon Isa sa mga nagustuhan niya noon kay Jasper Parang gumagwapo ito 'pag tumutugtog, may sense of humor rin. Si Jasper, kasi 'yung lalaking hindi stunningly handsome pero habang pinagmamasdan mo at nakakausap ng matagal, gumagwapo siya sa paningin mo. Moreno ito, matangkad rin. Kung si Sebastian ay mala Jacob Elordi ang datingan dahil sa mga foreign feature. Si Jasper naman ay pinoy na pinoy ang dating 'yung tipong 'di habulin dahil sa itsura kundi sa lakas ng s*x appeal. "Kidding aside, we're here to support a cause that will give a priceless smile to all the kids with special needs! Let's support them by giving a little donation. Hindi naman siguro kawalan 'yun guys, right?" Niyuko nito ang gitara at nagsimulang tumipa. "Hope you enjoy this concert. This our first song called Huling Sandali by December Avenue." Ang banda sa likuran ni Jasper ay nagsimula na ring tumugtog. Nag-angat ito ng mukha at nagtagpo ang mga mata nila... then it felt like everything just stops. Tila si Jasper na lang ang nakikita niya. Siya na lang ang nakikita nito. . . Ang maingay na kapaligiran ay napalitan ng mahinang awitin na inaawit nito na parang bang kinakanta para sa kaniya lang. ? Hindi matigil ang gulo sa aking isip At para bang walang kasing sakit Ala-ala mong hindi ko malimutan Oras lang ang may alam ? Why does she still feels this infatuation over him? Ilang taon na ba ang lumipat nang huli niyang makita ang lalaki? Why does her heart still skips a beat for him? Naputol ang pagtitinginan nila ni Jasper nang sikuhin siya ni Abigail sa tagiliran. Kunot noong nilingon niya ang kaibigan. "Ano na naman?" patamad na tanong niya. Kahit kelan istorbo talaga 'to sa moment nila ni Jasper. Imbes na sumagot ngumuso ito sa kabilang side ng quadrangle. Hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Nang sundan niya iyon ng tingin. . . Ang grupo nina Sebastian. Umawang ang labi niya at agad umakyat ang dugo sa ulo niya. Aba't ang kapal ng mukha nakuha pang makinood, Pagkatapos kaming ireject! Parang gusto niyang sugurin ang lalaki at palayasin! Pero wala siyang karapatan, in the first place sa open area nila ginanap ang concert na kung sino lang ang maisipang mag donate. Kaya paano niya ito papaalisin? "Anong ginagawa ng mga yan dito? Ang tigas ng mukha, ah? Pagkatapos mang-reject makikinood! For sure di nag-donate yang mga rich kid na yan!" galit na asik niya kay Abi. "Uy, grabe siya! Baka narinig nila then na-curious. Isa pa, dapat no hard feelings kung na-reject ka man, sis. I mean gano'n talaga may mga hindi sila ini-i-sponsor-an." Tumaas ang isang kilay niya. "Okay lang sana, eh. Pero 'yung sabihing walang kabuluhan ang charity namin. Aba! Hindi tama 'yon!" "Wala na tayo magawa 'dun girl, move on na!" Magsasalita pa sana si Brielle ng biglang magtama ang mga mata nila ni Sebastian. Ang mokong nagawa pang ngumiti at saluduhan niya. Ang kapal talaga! May gana pang ngumiti at makinood ng libreng concert. Inirapan niya ito at hindi na muling tumingin pa sa direksyon ng lalaki. Baka masira lang nang tuluyan ang gabi niya. *** Bago matapos ang concert ay nagsalita muli sa mic si Jasper. Calling out her name. "Before this concert ends. Let's give around of applause to, Brielle. She really wants to help those kids. Bihira na lang ang mga taong katulad mo and thanks for making me part of this Brie," anito at nginitian siya. Saka nagpatuloy sa pagsasalita. "This is our last song for tonight 'Out of my league' by Stephen Speaks. Have a good night, Everyone!" ?It's her hair and her eyes today. That's just simply take me away. And a feeling that Im falling further inlove makes me shiver but in a good way. Alam ni Brielle na nag-blush siya ng magpasalamat sa kanya si Jasper. Pa'no ba naman, kahit hindi nagsasalita ang mga kasamahan alam niya sa mga tingin palang ng mga ito ay natutukso na. Siguradong mamaya hindi siya titigilan ng mga ka-department niya sa pagtatanong tungkol sa status nila ni Jasper. Napapailing na napa-tingin na lang siya ulit sa lalaki habang kumakanta, nakatutok dito ang spot light, tinatangay ng mahinang hangin ang buhok nito. Pakiramdam ni Brie habang pinapanood niya kumanta si Jasper bumabalik ang pagkakaroon niya ng crush sa lalaki. Ang baduy college kana crush pa din? usal ng isipan niya. Ito lang yata ang nagustuhan niya noong high school siya. Kaya nga lang nauna itong grumaduate, dahil dalawang taon ang tanda nito sa kanya. At sa kasamaang palad may girlfriend ang lalaki nung mga panahong iyon. Na matindi pa kumapit kaysa sa linta. Kaya bibihira ang chance na makapag-usap sila. Samantalang ngayon abot kamay na niya ang makipag usap dito. Grabe din talaga magbiro ang tadhana. Hindi niya akalain na magkikita pa ulit sila. Ibinaon na niya sa limot ang sintang pururot dito. But who knows? Sabi nga nila walang nakakaalam ng mangyayari sa bukas. . . *** NAGSISIPAG ligpit na ang mga kasamahan nang lapitan niya si Jasper. "Salamat talaga, Jasper. As in super thank you! Kundi dahil sa'yo hindi kami makakaipon ng pambili ng mga school supplies para sa mga bata." Successful ang concert at hindi in-expect ni Brielle na marami ang magbibigay ng donation. Abot-abot tuloy ang pasasalamat sa kanya ng mga ka department niya. "Wala iyon, Ano ka ba. Syempre, tutulungan kita schoolmates tayo, eh," nakangiti ding tugon nito. nakapa-mulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng maong na pantalon. "Hindi ko alam paano makakabawi. If there's anything... anything, na kailangan mo ng tulong 'wag kang mahiya magsabi sa'kin, ha?" Natawa ito ng bahagya. "Sabi ko naman sa'yo wala lang iyon, Brie. Kahit naman iba ang nasa posisyon ko for sure gagawin 'yun. And I'm happy na maging parte ng kawang-gawa niyo." "Ah, basta, kung need mo ng tulong nandito lang ako." naalala niya kasi ang sinabi ni Abigail na may failing grades ang lalaki. Baka sakaling kailangan nito ng moral support natawa siya sa naisip niya. Moral support talaga? "Well.. kung talagang mapilit ka. . ." He looked at her hersitatingly but then says. "Kailangan ko kasi ng date." Nagulat si Brielle sa sinabi nito. Gulat na may kasamang kilig. Pero hindi niya pinahalata. Baka sabihin nito napaka-easy to get naman niya. Take it easy, Brielle. "Date? Saan? Kailan?" Ngumiti ito at napakamot sa ulo. Parang nahihiya na ewan. Gustong mapangiti ni Brielle ang cute kasi tig'nan ni Jasper kapag ganoon ang reaksyon. "Sa Engineering Department, may maliit na party. Pero next week pa naman iyon... Kung... kung... hindi ka pwede okay lang " Umiling si Brielle. "Libre ako next week! I-I mean wala naman akong gagawin," sinaway niya ang sarili. May goodness! It's just a friendly date girl! "Really? I'll pick you up mga around 7pm?" Tumango-tango siya na parang bata. "Oh, nice! I mean thanks..." Ilang sandaling katahimikan. Bago basagin rin iyon ni Jasper. "So... paano mauna na ako? May gig pa kami ng mga ka-banda ko. Minsan isasama kita. Magpahinga ka na din after niyo dito for sure napagod ka." Ginulo nito ang buhok niya. Gusto yata niyang kiligin! Isipin mo niyaya siya nito maging ka-date! At may bonus pa na isasama siya nito sa gig minsan! "Sige, mag-iingat kayo at thank you super." "You're always welcome," ngumiti ito saka hindi na rin nagtagal nang tawagin na ng mga kasamahan nito. Naiwang nakangiti si Brielle, Feeling nasa cloud nine! "Hoy! Ano na nangyari sa'yo dyan?" boses na naman ni Abi ang nagpabalik sa katawang lupa niya. Sumimangot siya dahil lagi nalang asungot ang babae. "Ba't nandito ka pa?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Dinampot ang bag na nakapatong sa beach. Patapos na rin naman sila magligpit. Isa pa, mabibigat na ang naiwan na kaya sila manong guard na ang bahala doon. Sumimangot ito. "Hinahanap ka ng nerd mong kaibigan na missing in action! Atsaka nga pala, alam mo bang malaki ang binigay na donation ni Sebastian. Halos kalahati ng donation sa kanya galing," exaggerated na naman na wika nito. Nagkibit balikat lang siya. Saka naglakad sa pathway patungo sa dorm nila. Sumunod si Abigail sa kaniya. "Baka nakonsensya. Kaya malaki ang ibinigay, for sure 'di niya sariling pera yun. Baka sa mga member din ng frat nila galing 'yung iba." "Ano ka ba! Nilagay nga niya sa frat name nila yung donation. Pero sabi nila galing daw mismo sa pera ni Seb 'yun. Oh diba? Ang bait niya gosh." Kinikilig na naman ang kaibigan niyang number one fan yata ng lalaking yun. "Alam mo kulang nalang rebulto para sambahin niyo yun." Naiiling na sabi niya. "Ang OA, huh? Anyway... Paparating na yung kaibigan mong nerd. Babush! Maiirita lang ako sa presence niya!" Sabay alis nito. Nakita nga niyang paparating si Ivan na may dalang paper bag ng Wendy's. "Ivan!" Kaway niya dito. "Anong nangyari sayo? Bakit hindi kita nakita maghapon?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan na nakalapit na. "Full load ako, alam mo naman saka ang daming kailangang tapusin na paperworks. Kumain ka na ba?" "Hindi pa nga eh. Nagugutom na ako." "May dala akong pagkain. Pinag-take out nga kita. Tara sabay na tayo kumain. Tapos naman na yata kayo dito." Ngumiti siya at tumango. Kumapit sa braso ng kaibigan habang naglalakad sila papunta sa cafeteria ng dorm nito na open 24hrs. Habang kumakain na-i-open up niya dito ang mga nangyari nitong nakaraang araw ang pag-uusap nila ni Sebastian at ang pagtulong ni Jasper sa kaniya. "Nandito din si Jasper nag-aaral?" Tanong nito pagkatapos uminom ng tubig. "Oo! Isipin mo yun, Ivan! And take note tinulungan niya ako." She said with enthusiam in her voice. Alam ni Ivan ang munting pagsinta nya noon para kay Jasper. Naiiling na inilapag ni Ivan ang coke in can sa table. "Hay naku, Brie. Mag-iingat ka sa mga lumalapit sa 'yo. Kilala man natin si Jasper at ka-schoolmate noon, hindi pa rin tayo nakakasiguro... baka mamaya niyan sabunutan ka na lang ng girlfriend 'nun. Over protective ang pa naman iyon noon. At isa pa yung sinasabi mong fraternity member 'dun ka mas mag-ingat. Magandang huwag mo na lang pansinin kaysa tarayan mo. Hindi natin alam baka kung anong gawin 'nun sa'yo pag napikon." "I know Ivan... don't worry, I can take care of myself but thanks for the concern." sagot niyang nakangiting at niyakap ang kaibigan. "Tara na nga, ihahatid na kita sa dorm mo. Para makapahinga ka na." Anito at inakbayan siya palabas ng cafeteria. Habang nakatulala sa higaan niya si Brielle. Napaisip siya sa huling sinabi ni Ivan, mamaya nga mapikon ang Sebastian na 'yun, ah? At kung ano pang gawin sa kaniya. Nailing siya. Better, just ignore him. Bigla may sumingit na naman sa isip niya. Ang date nila ni Jasper... date nga kayang maituturing iyon? At paano kung bigla na lang siya sugurin ng girlfriend nito? Are they still dating? Or they broke up? Nakatulog si Brielle na napakaraming tumatakbo sa isipan niya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD